Jason Abalos saddened by passing of good friend, motorcycle-buddy Dr. Leandro Resurreccion III

by Arniel C. Serato
Mar 31, 2020
Jason Abalos (right) on Dr. Leandro Resurreccion III (left): "Paalam at salamat kaibigan, hanggang sa muli!"
PHOTO/S: Courtesy: @thejasonabalos on Instagram

Labis na ikinalungkot ng aktor na si Jason Abalos, 35, ang pagpanaw ng malapit na kaibigan at motorcycle-buddy na si Dr. Leandro Resurreccion III, 57, ngayong umaga ng Martes, March 31.

Si Dr. Resurreccion, head ng Pediatric Surgery Division ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC), ang latest na medical frontliner na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Sa kanyang post ngayong hapon, ibinahagi ni Jason kung paano sila naging malapit na magkaibigan ng manggagamot.

Sabi niya (published as is): “Kwento ko lang, si doc Jun. Dr Leandro Resurreccion III.

“Isang mahusay na Pediatric Surgeon.

“Kapitbahay ko, pero nagkakilala kami dahil parehas kami ng motor, dahil parehas kami ng motor, kung anong meron siya parang meron na din ako, parehas kami ng binibili para sa bisyo namin, lagi kaming nagtatanungan kung kailangan ba to oh hindi.

“Si doc laging nakangiti kahit sobrang init minsan ng suot niya na jacket tapos pag nagtanggal ng helmet parang Tom cruise na ang buhok tapos nakangiti pa din.

Continue reading below ↓

“Lagi lang siya nakanigiti.

“Masaya siya na naka motor lagi papunta sa mga Hospital na pinapasukan nya kasi sabi nya nag eenjoy daw siya, tipid na sa gas, walang traffic hindi pa mahirap sa parking.

“Halos araw araw dadaan sa bahay ko si Doc bubusina, kabisado ko na nga tunog ng tambutso ng motor niya eh. parehas kaming ilokano kaya nag kasunod kami sa mga bilihin.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kapag nagkukuwentuhan daw sila, mababanaag sa mga salita ng doktor na proud na proud ito sa kanyang mga anak.

Dagdag niya, “Mabait na tatay si Doc Jun, pag nag kkwentuhan kami sa buhay, malalaman mo sa mga kwento niya kung gaano siya ka proud sa mga anak niya, hindi ko pa nga nakikilala ng personal at bihira din ako sa bahay nila kasi may malaking aso sya eh takot ako sa asong malaki.

“Huling usapn namin nong march 16 nagtanong ako kung makaka avail ba mg testing kit, sumagot kaagad si Doc at nirefer ako sa isang tao (pero hindi ko na din tinuloy)”

Continue reading below ↓

THE BAD NEWS

Ikinabigla daw ni Jason ang masakit na balitang bumungad sa kanya ngayong araw.

Pagpapatuloy pa ni Jason, “Tapos sabi niya balitaan ko daw siya kung paano proseso, hangang last week nabalitaan ko na na intubate na siya.

“Nabigla ako. Sabi ko, kaya ni doc yan.

“At kaninang umaga wala na nga siya.

“Hindi pa ako naniniwala eh.

“Ayoko pang maniwala, ano pa kaya ang mga anak nya na naiwan, ang pamilya niya, ang matagal na kaibigan at katrabaho.”

Kaya naman pakiusap niya sa lahat at sa gobyerno, “Walang sinisino ang COVID 19.

“Ang hiling lang ng mga frontliners eh mag stay sa bahay para hindi na kumalat ang virus yan lang ang maitutulong natin sa kanila, buhay ang binubuwis nila para sa atin tulungan natin sila."

Binanggit din ng aktor ang inaasahan sana niya sa government officials: “Ngayon naman po sa ating gobyerno na parang mas naasahan pa ang mga pribadong sektor, kayo po na nakaupo, mas may kakayanan po kayo na tumulong bukod po sa yan ang trabaho nyo ang protektahan ang ating mamayanan.”

Continue reading below ↓

Mensahe pa niya sa namayapang kaibigan, “Nawawalan po tayo ng pamilya na kagaya ni Doc Jun.

“Paalam at salamat kaibigan, hangang sa muli! (three praying hands emojis)”

Bukod kay Jason, isang madamdaming mensahe din ang ibinahagi ng anak ng doktor na si Leandro Resurreccion IV sa Facebook.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos (right) on Dr. Leandro Resurreccion III (left): "Paalam at salamat kaibigan, hanggang sa muli!"
PHOTO/S: Courtesy: @thejasonabalos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results