Angelica Panganiban teased about ex-boyfriends: “Kung sa impyerno ka mapupunta, sino isasama mo?”

by Bernie V. Franco
Mar 31, 2020
Actress Angelica Panganiban answers netizens' questions about her personal life, including her prominent ex-boyfriends Carlo Aquino, John Lloyd Cruz, and Derek Ramsay.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Walang bitterness si Angelica Panganiban, 33, nang matanong tungkol sa tatlong aktor na ex-boyfriends niya.

Ito ay sina Carlo Aquino, 34, John Lloyd Cruz, 36, at Derek Ramsay, 43.

Nitong Lunes, March 30, nagpasimuno ang ABS-CBN actress ng question-and-answer (Q & A) session sa kanyang Twitter account, gamit ang hashtag na #AskAngge.

Kabilang sa mga tanong na sinagot ni Angelica ang kanyang personal life, gaya ng mga naging boyfriend niya.

May isang netizen ang nangahas mag-usisa tungkol sa tatlong aktor na nakarelasyon ni Angelica.

Tinukoy ng netizen ang mga aktor gamit ang initials ng kanilang mga pangalan.

Tanong ng netizen: “Kung sa impyerno ka mapupunta, sino isasama mo? JLC, DR, o CA? #AskAngge PS: katuwaan lang po.”

Seryosong sagot ni Angelica: “Wala.

“Ayokong may kalabasan na hindi maganda sa mga buhay nila.

“I wish them happiness [smiley]”

Continue reading below ↓

Makailang ulit ding tinanong si Angelica tungkol kay Carlo.

Marahil, dahil muling nagkatrabaho ang dalawa noong 2018 at inakala ng kanilang loyal fans na sila'y magkakabalikan.

Gayunpaman, hindi ito nangyari.

Muling naghiwalay ang kanilang landas, at sa mga post ni Angelica noon ay bakas na nasaktan ito ni Carlo.

Usisa ng isang netizen: “Kaya mo pa bang makasama sa isang project c Caloy angge”

Si Carlo ang tinutukoy na Caloy ng netizen.

Sagot ni Angelica: “Hindi na. I wish him well. Pero hindi na.”

Continue reading below ↓

Sa isa pang tanong ng netizen, desidido si Angelica na hindi na muling makatrabaho pa si Carlo.

Hirit ng netizen: “Namiss ko ng sobra yung G-mik. Willing po ba kayo mag reunion or kahit reunion pic man lang?”

“Hahahayst. Medyo imposible,” tugon ng aktres.

Ang G-mik ay ang ABS-CBN youth-oriented show (1999-2002) na pinagtambalan din nina Angelica at Carlo.

Continue reading below ↓

Kasama rito sina Camille Prats, John Prats, Stefano Mori, at Heart Evangelista.

Isa pang netizen ang nagtanong kay Angelica kung gaano kahirap makatrabaho ang isang dating karelasyon.

Tanong; “Gaano kahirap makasama sa isang project ang Ex mo?”

Sagot: “Maayos naman nung una. Kasi, kilala niyo na isat isa.”

Si Carlo ang tanging nakatrabaho ni Angelica sa kanyang kilalang ex-boyfriends.

Continue reading below ↓

Nagtambal uli sa isang pelikula sina Angelica at Carlo noong 2018, at naulit ang pag-asa ng mga tagasubaybay na magiging sila uli.

Dahil sa proyekto, nanumbalik nga ang closeness ng dalawa.

Pero nauwi rin ito sa masaklap na pagtatapos at samaan ng loob.

REUNITING WITH CARLO

Septemer 2018 nang ipalabas ang muling pagtatambal nina Angelica at Carlo sa pelikulang Exes Baggage.

Sa promosyon ng pelikula, naging sweet ang dalawa, bagay na ikinatuwa ng kanilang loyal fans.

Natapos ang proyekto at nagpatuloy ang kanilang magandang ugnayan.

May mga lumabas pang larawan sa social media ng kanilang pagiging sweet.

Magkasama pa ang dalawa noong Christmas season.

Pero biglang nag-iba ang ihip ng hangin pagpasok ng January 2019 nang biglang i-unfollow ni Angelica si Carlo sa social media.

Na-bash si Angelica ng fans ni Carlo.

Ngunit January 2019 din nang lumabas ang paparazzi photo ni Carlo na may kasamang babae sa isang bakasyon sa La Union.

Continue reading below ↓

Kinilala ang babae bilang si Trina Candaza, na ngayon ay girlfriend ni Carlo.

Si Carlo ang unang boyfriend ni Angelica, at nagtagal ang kanilang relasyon ng anim na taon.

Ang sumunod na boyfriend ng aktres ay si Derek, at anim na taon nagtagal ang kanilang relasyon.

Naghiwalay ang dalawa noong May 2012.

Ang pangatlong naging boyfriend niya ay si John Lloyd.

Nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan nang magkatrabaho sa 2012 movie na 24/7 In Love.

Nagtagal na apat na taon ang kanilang relasyon, at kinumpirma naman ang kanilang paghihiwalay noong May 2016.

ANGELICA READY TO LOVE AGAIN

Sa Twitter Q & A session ay kinumpirma ni Angel na handa na siyang umibig muli.

Bahagi ng tweet ng netizen: “ready na ba yung puso mu mgmahal ulet??”

Sagot ni Angelica: “Matagal ng ready [smiley]”

Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo, nasulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ipinost na larawan ni Angelica kasama ang isang mystery guy na nakatalikod.

Kuha ang larawan sa Burj Khalifa, isang kilalang building sa Dubai, United Arab Emirates.

Naging tampulan ng tukso ang post ni Angelica mula sa kapwa artista.

Inusisa siya ng netizens kung sino ito.

Wala namang komento ang aktres tungkol sa pagkatao ng kasamang lalaki sa photo.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angelica Panganiban answers netizens' questions about her personal life, including her prominent ex-boyfriends Carlo Aquino, John Lloyd Cruz, and Derek Ramsay.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results