DILG Secretary Eduardo Año is latest government official to contract COVID-19

DILG Secretary Año is vice chair of the National Action Plan Council vs COVID-19; its chairman Defense Secretary Delfin Lorenzana also in self-quarantine
by Jet Hitosis
Mar 31, 2020
Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, who is also the vice-chairman of the government's National Action Plan Council Against COVID-19, tests positive for the dreaded virus.
PHOTO/S: DILG Philippines on Facebook

Si Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang pinakabagong mataas na opisyal ng gobyerno na tinamaan ng deadly coronavirus.

Kinumpirma ito ng kalihim sa mga mamamahayag sa ipinadala niyang text messages ngayong Martes, March 31.

Saad sa statement ng DILG Chief: “On March 27, I got tested.

“Today, March 31, I received the result from RITM informing me that I am positive for COVID-19.”

Sinabi ni Secretary Año na lumantad siya upang alertuhin ang mga taong nakasalamuha niya sa nakalipas na mga araw.

Kapwa niya matataas na opisyal ng gobyerno ang nagkaroon ng close contact kay Secretary Año sa nakalipas na dalawang linggo.

Maya’t maya kasi ang meeting ng Gabinete kaugnay ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa Luzon.

Pinayuhan ni Secretary Año ang mga itong mag-quarantine habang pinakikiramdaman kung may anumang sintomas ng COVID-19.

“I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine and observe any symptoms, in accordance with DOH guidelines,” saad pa sa statement ng kalihim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANOTHER TOP GOVERNMENT OFFICIAL IN QUARANTINE

Si Secretary Año ang vice-chairman ng National Action Plan (NAP) Council kontra COVID-19.

Ang council ang pangunahing nangangasiwa sa mga polisiya ng gobyerno laban sa pandemic.

Ang council ay pinamumunuan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Parehong retired AFP generals sina Secretary Año at Secretary Lorenzana.

Ilang araw na ring naka-self-quarantine si Secretary Lorenzana.

Ito ay matapos na magpositibo sa COVID-19 ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Felimon Santos Jr.

March 21 nang nagkasama-sama sina Secretary Año, General Santos, at Secretary Lorenzana sa turnover ng medical supplies sa Villamor Air Base sa Pasay City.

Dumalo rin sa turnover ceremony sina Senator Bong Go at Philippine Air Force (PAF) Chief Lt. Gen. Allen Paredes.

OTHER COVID-19 POSITIVE GOVERNMENT EXECS, ELECTED OFFICIALS

Nitong Sabado, March 28, inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na COVID-19 positive siya.

Positibo rin pero hindi pinangalanan ang isang one-star general ng AFP.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi rin binigyan ng pagkakakilanlan ang isang undersecretary at isang regional director ng Department of Health (DOH) na nasuring may virus din.

Una nang nagpositibo sa COVID-19 ang tatlong senador: sina Migz Zubiri, Koko Pimentel, at Sonny Angara.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año, who is also the vice-chairman of the government's National Action Plan Council Against COVID-19, tests positive for the dreaded virus.
PHOTO/S: DILG Philippines on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results