Pasig City grants P4K cash assistance for 2,000 tricycle drivers; will also give financial assistance to medical healthworkers

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2020
Pasig City government adds P1,000 to the planned P3,000 aid for tricycle drivers in the city. At least 2,000 tricycle drivers have received the cash assistance.
PHOTO/S: Courtesy: www.pasigcity.gov.ph

Nakatanggap na ng P4,000 na ayuda ang 2,000 tricycle drivers sa Pasig City ngayong araw, March 31, mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA-7 ngayong gabi, napagkasunduan ng city government na gawing apat na libo—mula sa unang plano na tatlong libo—ang ayuda sa mga driver sa lungsod.

Ayon pa sa isang opisyal ng Pasig City Hall, “Kusa nang ipinagkaloob ng city government sa mga drivers dahil alam nila, hindi pa natin alam kung hanggang kailan tatagal talaga ito, e.”

Apektado ang informal workers, katulad ng tricycle drivers, sa ipinapatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19 pandemic.

Malaki naman ang pasasalamat ng ilang tricycle drivers na nakatanggap na ng cash assistance.

Nahihirapan daw kasi sila sa araw-araw na gastusin dahil sa lockdown sa buong Metro Manila at Luzon.

Bawal na rin kasi ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Kahit colorum drivers ay inayudahan pa rin ng gobyerno ng Pasig.

Continue reading below ↓

Binigyan sila ng relief packs kahit wala silang prangkisa para bumiyahe.

Nagpasalamat raw sila na kahit papano ay may maipantawid sila ng ilang araw.

Ang nabanggit na 2,000 drivers ay una pa lamang, ayon sa Pasig government.

Magpapatuloy ang pagbibigy ng cash assistance sa iba pang tricycle drivers sa mga susunod na araw.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Susunod din daw na bibigyan ang mga jeepney at UV Express drivers bago matapos ang linggong ito.

Ayon pa sa opisyal ng city hall, “Kahapon lang namin nakumpleto ang datos kung ilan ba talaga ang jeepney drivers po at UV Express drivers sa Pasig.

"Meron din pong tinatawag na lagarista ‘no? Yan po yung mga hindi miyembro ng mga organisasyon ng mga jeepney at UV Express.

“Kailangan po naming malaman kung sinu-sino po sila, yung mga drivers na hindi po miyembro ng mga organizations.”

FINANCIAL AID TO MEDICAL HEALTH WORKERS

Hindi lamang ang Private Utility Vehicle drivers ang makatatanggap ng ayuda mula sa Pasig City government.

Continue reading below ↓

Bibigyan din ng tulong pinansiyal ang medical heathworkers sa Pasig—kabilang ang mga doktor, nurse, health aide, mga driver, at volunteers sa public hospitals sa lungsod.

Pahayag ni Pasig City Vice Mayor Iyo Bernardo sa panayam ng 24 Oras kahapon, March 30, "Meron ho silang hazard pay, kaya ho ang balak ng city council ay sila ho ay magkaroon ng financial assistance.

"Kulang ho yung pasasalamat natin araw-araw ho dahil kailangan din nila ng finances...

"Krisis na ho 'to dahil ho nadadagdagan ho yung PUIs [Person Under Investigation], PUMs [Person Under Monitoring]"

Sa kasalukuyan ay hindi pa nagkakasundo ang konseho kung magkano ang pinansiyal na ayuda ang ibibigay sa medical healthworkers.

Pero paniniyak ni Vice Mayor Bernardo, "It will be sufficient para sila din ho ay mabili rin nila ang pangkain araw-araw ho."

Samantala, nanawagan naman si Mayor Vico Sotto sa mga medical healthworkers na nais magtrabaho sa Pasig.

Ito ay dahil patuloy pa ring umaakyat ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City government adds P1,000 to the planned P3,000 aid for tricycle drivers in the city. At least 2,000 tricycle drivers have received the cash assistance.
PHOTO/S: Courtesy: www.pasigcity.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results