Former PBB housemate Niña Jose, husband Mayor Cezar Quiambao positive for COVID-19

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2020
Former Pinoy Big Brother housemate Niña Jose and husband Mayor Cezar Quiambao of Bayambang, Pangasinan confirm that they tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: Facebook (Niña Jose)

Nagpositibo sa COVID-19 ang dating aktres na si Niña Jose, 31, at asawa nitong si Mayor Cezar Quiambao, 65, ng Bayambang, Pangasinan.

Kinumpirma ito ng mag-asawa sa pamamagitan ng posts sa kani-kanilang Facebook accounts ngayong Miyerkules, April 1.

Tiniyak naman ng alkalde na mabuti ang kanilang kalagayan at nagpapagaling sila.

Ayon kay Mayor Quiambao, March 16 pa nang magdesisyon sila ni Niña na magpa-medical checkup at sumailalim sa COVID-19 testing.

“During our 14-day quarantine, we confirmed that we were both positive so we received proper treatment from the doctors who believe that we have now recovered,” bahagi ng official statement ng alkalde.

Mensahe pa niya sa kanyang constituents, “Please do not worry because we are both doing fine.”

Para masiguradong ligtas na sila sa COVID-19 at hindi sila makakahawa, muli raw silang sasailalim sa dalawang linggong self-quarantine.

“This is our way of helping to contain the spread of the virus and helping our health workers to flatten to curve.”

Continue reading below ↓

NIÑA JOSE: "WE ARE DOING FINE AND WE ARE DOING GREAT!"

Kinumpirma rin ni Niña ang kondisyon nilang mag-asawa sa pamamagitan ng Facebook.

Mensahe niya nitong Miyerkules: “Yes, we are positive for corona virus but because God is more powerful than this, we are doing fine and we are doing great!

Continue reading below ↓

“GOD is good all the time. Mama Mary loves us [heart emoji]”

Kalakip ng post ni Niña ang kopya ng official statement ng kanyang mister.

">

Continue reading below ↓

Nakilala si Niña bilang housemate sa pinakaunang teen edition ng Pinoy Big Brother noong 2006.

Ka-batch niya sina Gerald Anderson, Matt Evans, at ang itinanghal na Big Winner na si Kim Chiu.

Pagkatapos niyang lumabas sa Bahay Ni Kuya ay nagsimula naman ang kanyang showbiz career sa ABS-CBN.

Ikinasal siya kay Mayor Quiambao sa Bayambang Cathedral noong November 17, 2017.

Si Quiambao, na isang bilyonaryong businessman, ang nagmamay-ari ng information technology company na Stradcom Corporation.

Matapos magpakasal ay iniwan na ni Nina ang pag-aartista.

Sinabi niya sa isang interview noong March 2019 na hindi na siya interesadong balikan ang showbiz.

Magpo-focus na lang daw siya sa kanyang pamilya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Pinoy Big Brother housemate Niña Jose and husband Mayor Cezar Quiambao of Bayambang, Pangasinan confirm that they tested positive for COVID-19.
PHOTO/S: Facebook (Niña Jose)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results