Pasig Mayor Vico Sotto, Ivana Alawi warn netizens against online posers

by Jet Hitosis
Apr 1, 2020
Pasig City Mayor Vico Sotto (left) and actress Ivana Alawi (right) warn netizens against online posers.
PHOTO/S: @vicosotto, @ivanaalawi on Instagram

Magkasunod na inalerto ni Pasig City Mayor Vico Sotto at ng sexy star na si Ivana Alawi ang netizens laban sa mga poser nila sa Twitter.

Hiling ni Mayor Vico sa kanyang 746,000 Twitter followers na i-inform ang mga kakilala nilang nagse-share ng tweets ng kanyang posers.

Si Ivana, humingi ng tulong sa netizens upang ma-report ang isang fake account daw ng isang madalas magkomento sa tweets ni Mayor Vico.

FOUR OTHER VICO SOTTOS ON TWITTER

Umaga ng March 30 nang mag-tweet ang 30-anyos na alkalde tungkol sa mga pekeng social media posts.

Aniya, nakakadagdag pa ang mga ito sa patung-patong na problemang kinakaharap ng bansa ngayon dahil sa coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Dagdag pa niya, epekto marahil ng pagkainip—dulot ng ilang linggo nang pagkaka-home quarantineang pamemeke ng ilang tao ng social media accountS.

Saad sa tweet ni Mayor Vico (published as is): “Don't forget that there are a lot of fake accounts, fake quotes, fake anything-you-can-think-of...

Continue reading below ↓

“Hassle to deal w this on top of a health crisis..

“di siguro maiwasan sa panahon ngayon lalo na't maraming bored.”

Nagpaalala rin si Mayor Vico ng kung paano makakatiyak na ang totoong Twitter account niya ang pina-follow ng mga netizens.

“Basta yung totoong account ko verified at pangit yung profile pic [laughing with tears emoji]”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Continue reading below ↓

Makalipas ang ilang oras, nag-tweet ang alkalde ng screenshot ng apat na fake Twitter accounts.

Magkakaiba ang handle ng mga ito pero iisa ang litrato, isang black and white close-up shot ni Mayor Vico.

Ang Twitter handles ng mga posers ay @vicosotto_, @Itsvicosotto, @VSvicosotto, at @IamVicoSotto.

Dalawa sa mga ito ay may disclaimer pa bilang mga parody account.

Caption ni Mayor Vico: “Patulong po.

“Marami kasing FAKE ACCOUNT (yung iba pare-pareho itsura tulad nito).

“Doble ingat po tayo at kung may nakita po kayong nag-share o naniniwalang ako yun... paki inform naman sila.

“Maraming salamat!!

“Lahat ng social media account ko ay #verified (fb, twitter, ig only)”

Continue reading below ↓

Ang verified social media accounts ay may asul na check mark sa tabi ng pangalan ng user.

Ibig sabihin, lehitimong account iyon ng user, na karaniwan ay kilalang personalidad.

Sa pagsilip ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mga nabanggit na account ngayong Miyerkules, April 1, hindi na matagpuan ang @VSvicosotto at @IamVicoSotto.

Mga hugot tungkol sa pag-ibig ang tweets ng dalawa pang fake accounts.

MAYOR VICO POSTS COVID-19 UPDATES ON TWITTER

Aktibo si Mayor Vico sa Twitter, kung saan siya regular na nagpo-post ng updates ng ginagawa ng city government para sa mga taga-Pasig.

Ngayong may pandemic, araw-araw na tinututukan ng mga Pasigueño ang Twitter updates ng alkalde.

Sa Twitter din nagpo-post ng announcement si Mayor Vico kaugnay ng mga programa ng lungsod upang maprotektahan ang mamamayan sa virus.

Kaya mahalaga raw na hindi malito ang mga taga-Pasig sa pag-follow at pag-i-inquire sa social media accounts ng kanilang alkalde.

Continue reading below ↓

IVANA ASKS FOR NETIZENS’ HELP TO REPORT POSER

Samantala, sa verified Twitter account ni Mayor Vico madalas na nagkokomento ang poser ng sexy actress na si Ivana.

Laging pabor at papuri sa Pasig mayor ang komento ng may Twitter handle na @IvanaAlawi.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ang nabanggit na handle ay pareho sa lehitimong Twitter account ni Ivana.

Sa Instagram Stories ng 23-year-old sexy actress nitong Martes, March 31, nagpatulong siya upang mai-report sa Twitter ang kanyang poser.

Background ang screenshot ng account ng poser, ipinost ni Ivana: “THIS IS NOT MY TWITTER!

“ALSO THE POSTS ABOUT MAYOR VICO IS FROM THIS POSER

“PLEASE REPORT.”

Continue reading below ↓

Upang pagkumparahin, ipinost din ni Ivana ang screenshot ng kanyang tunay na Twitter account: “MY ONLY TWITTER [three fingers pointing upward emojis]”

Ang Twitter account ng poser ay may mahigit 14,000 followers, habang nasa 1.1 million ang sa lehitimong account ni Ivana.

Litrato rin ni Ivana ang profile pic ng poser, na kapansin-pansing ang tweets ay updated sa posts ng mga tunay na social media accounts ng sexy actress.

Continue reading below ↓

At press time, aktibo pa rin ang Twitter account ng poser ni Ivana.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto (left) and actress Ivana Alawi (right) warn netizens against online posers.
PHOTO/S: @vicosotto, @ivanaalawi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results