Arjo Atayde, siblings no symptoms of COVID-19 after parents test positive

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2020
Actor Arjo Atayde (left) thankful for the well-wishers after his parents, Sylvia Sanchez and Art Atayde, tested positive for COVID-19. Right photo shows the Atayde family: (front row) Xavi and Arjo; (second row) Gela, Sylvia, Art, and Ria
PHOTO/S: @arjoatayde and @ria on Instagram

Tiniyak ni Arjo Atayde, 29, na walang nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya, pati na siya.

Ito ay matapos magpositibo sa virus ang mga magulang ng aktor na sina Sylvia Sanchez, 48, at Arturo “Art” Atayde, 54.

Inanunsiyo ni Sylvia na positibo silang mag-asawa sa COVID-19 sa pamamagitan ng Instagram post nitong Martes, March 31.

Ngayong Miyerkules, April 1, naglabas naman ng statement sa Instagram si Arjo sa ngalan nilang magkakapatid—Ria Atayde, 28; Gela, 17; at Xavi, 10.

Kalakip ng post ni Arjo ang kanilang family picture.

Ayon sa Kapamilya actor, mahirap para sa kanila na parehong tinamaan ng COVID-19 ang kanilang magulang.

Pero napapagaan ang kanilang pakiramdam dahil sa malasakit na natatanggap mula sa mga kaibigan.

Pasasalamat ni Arjo: "[We'd] like to thank everyone for their overwhelming love and support.

“Although it is difficult and anxiety-inducing knowing that both our parents are positive with COVID-19, all the well wishes and get well soon messages have definitely uplifted our family — especially them.”

Continue reading below ↓

Tiniyak pa ng aktor na mabuti ang kalagayan ng kanyang mga magulang mula nang magpa-test ang mga ito.

“A week into their self-isolation and a week after having their swab tests done, our parents are slowly getting better.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Although it’s taking longer than their usual recovery time, we are happy to see them with their spirits still high.”

Nakahinga rin daw sila nang maluwag dahil walang nararamdamang sintomas ang mga nakahalubilo ng kanilang mga magulang, maging silang magkakapatid.

"[It] has enlightened us to know that no one that they have come in contact with before the quarantine and no one else here at home are showing symptoms.

“Thank you so much for your thoughts and prayers.”

Hiniling din ng magkakapatid na patuloy na ipagdasal ang kanilang mga magulang na bumuti na ang pakiramdam ng mga ito.

Sana rin daw ay wala ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya ang mahawa.

Continue reading below ↓

“We ask that you continue to pray for our parents, our household that nobody else contracted it, every other individual and family dealing with this same ordeal and of course, all our frontliners who continue to risk their lives everyday for our safety.”

Sa guidelines na inilabas ng Department of Health, ang sinumang nagkaroon ng close contact sa COVID-19 patient ay kailangang mag-quarantine ng 14 days.

Kung may maramdamang sintomas, ikokonsidera siyang Person Under Investigation o PUI.

Hindi naman siya suspek kung walang lumabas na sintomas sa loob ng 14 days.

Paaala pa ni Arjo sa huling bahagi ng kanyang post: “Please all stay safe, healthy, take your vitamins and stay at home if you have the option."

Continue reading below ↓

SYLVIA SANCHEZ AND HUSBAND POSITIVE FOR COVID-19

Kinumpirma ni Sylvia na positibo sila ni Art sa COVID-19 isang linggo mula nang sumailalim sila sa test sa Cardinal Santos Medical Center sa Greenhills, San Juan City.

Kuwento ng aktres sa kanyang Instagram post, nagtungo sila sa ospital nang makaramdam ng mga sintomas—chills kay Sylvia, habang ubo at hirap sa paghinga kay Art.

Tiniyak naman ng Pamilya Ko actress na matapos silang kunan ng specimen sa swab test ay nag-isolate na silang mag-asawa para maiwasan ang posibleng kontaminasyon sa ibang tao.

Tiniyak din ni Syliva na bagamat mas mabagal ang kanilang recovery, bumubuti naman ang kanilang pakiramdam.

Saad niya, “Art and I are getting better each day.

“Although this is slower than our usual recovery, we know that with prayers and strict compliance with our doctor’s orders, we will get there."

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Arjo Atayde (left) thankful for the well-wishers after his parents, Sylvia Sanchez and Art Atayde, tested positive for COVID-19. Right photo shows the Atayde family: (front row) Xavi and Arjo; (second row) Gela, Sylvia, Art, and Ria
PHOTO/S: @arjoatayde and @ria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results