Protesters demanding food assistance arrested in Quezon City

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2020
Police authorities arrest protesters in Quezon City, Wednesday, April 1, after staging a rally without permit. The protesters demand food aid from the local or the national government amid Luzon-wide enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Pilipinas on Facebook

Dinakip ng pulisya ang ilang protesters dahil sa isinagawa nilang pagtitipun-tipon sa bandang North Edsa, Quezon City ngayong Miyerkules, Abril 1.

Mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang pag-uumpukan dahil sa ipinatutupad na social distancing.

Ayon sa Facebook page ng PTV 4, sinabi ng mga nagprotesta na sila ay nagsama-sama para ipanawagan sa pamahalaan—lokal man o nasyonal—ang agarang ayuda na anila'y hindi pa rin nila natatanggap.

Nagpakilala ang mga rallyista na mga residente ng Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Continue reading below ↓

Ganito rin halos ang ulat ng Radyo Pilipinas sa kanilang Facebook page.

Nakasaad sa kanilang post: “TINGNAN | Inaresto ng Quezon City Police District ang ilang residente ng Purok San Roque Brgy. Bagong Pagasa Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Nagtipon-tipon sa North Edsa ang mga ito dahil wala daw silang natatanggap na relief goods mula sa pamahalaang lungsod mula noong unang araw ng enhanced community quarantine.”

Continue reading below ↓

Sa ulat naman ng CNN Philippines, umabot sa 20 katao ang inaresto ng Station 2 ng Quezon City Police District dahil wala raw permit na mag-rally ang mga ito.

Kabilang sa mga ito ang 14 na lalaki at anim na babae.

May mga dala umanong placards ang mga rallyista na nagsasabing wala pa silang natataggap na ayuda mula sa lokal na gobyerno ng Quezon City simula nang pinairal ang Luzon-wide enhanced community quarantine.

Sa hiwalay na ulat ng DZMM Teleradyo ngayong hapon, sinubukan daw ng mga awtoridad na pakalmahin at pinakiusapang umuwi na lamang ang mga nag-rally.

Ngunit nagkainitan daw ang magkabilang kampo kaya inaresto ang ilan sa kanila.

QUEZON CITY GOVERNMENT

Sabi naman ng isang opisyal ng Quezon City Hall, papakiusapan daw nila ang pulisya na pakawalan na ang mga naaresto.

Tiniyak din nilang mabibigyan ng ayuda ang mga ito.

Sa ulat sa publiko ng Quezon City government noong March 30, umabot na raw sa 952,515 food packs ang naipamahagi nila sa buong siyudad.

Continue reading below ↓

Nakasaad sa post nila sa Facebook kagabi, March 31: “Patuloy po ang ating pagrerepack at pamamahagi ng food packs sa mga barangay!

“Inuuna ng lungsod na mapagsilbihan at matugunan ang mga pinakanangangailangang mamamayan at mga pamilyang pinakamahirap base sa datos mula sa inyong mga barangay."

Samantala, sinisi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) dahil ito raw ang nag-udyok upang magtipun-tipon ang mga residente.

Continue reading below ↓

Mariin naman itong itinanggi ng Kadamay.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Police authorities arrest protesters in Quezon City, Wednesday, April 1, after staging a rally without permit. The protesters demand food aid from the local or the national government amid Luzon-wide enhanced community quarantine.
PHOTO/S: Courtesy: Radyo Pilipinas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results