Mayor Vico Sotto gets "invitation" from NBI for allegedly violating quarantine protocols

by Arniel C. Serato
Apr 1, 2020
The National Bureau of Investigation (NBI) invites Pasig City Mayor Vico Sotto to its Manila office on April 7 to explain his side on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @vicosotto on Instagram

Pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Pasig City Mayor Vico Sotto sa paglabag niya diumano sa ilang alituntunin ng Bayanihan to Heal as One Act.

Sa ulat ng GMA News Online ngayong hapon ng Miyerkules, April 1, kinumpirma ni NBI Deputy Director at Spokesman Ferdinand Lavin na pinadalhan nila ng "invitation letter" ang alkalde.

Sa Martes ng alas-diyes ng umaga, April 7, inaasahang pupunta si Sotto sa tanggapan ng NBI.

Ang layunin daw ng imbitasyon kay Sotto ay upang maipaliwanag nito ang paglabag daw niya sa direktiba ng pamahalaan kaugnay ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19 outbreak.

May kinalaman ito sa pakiusap ni Sotto na mag-operate ang tricycles sa Pasig sa kabila ng ipinatutupad na social distancing.

Paliwanag noon pa ng alkalde, ang pangunahing layunin ng pagpapapayag niya sa pagpasada ng tricycles ay upang maihatid ang frontliners sa kanilang mga lugar na pinagtratrabahuhan at para dahil ang mga residenteng may emergency needs.

Continue reading below ↓

Hindi tinanggap ng Malacañang ang apela ni Sotto. Kasunod nito ay agad pinatigil ng mayor ang pagbibiyahe ng mga tricycle sa Pasig.

VICO SOTTO REACTS

Ngayon ay nagbigay ng reaksiyon si Sotto sa "imbitasyon" sa kanya ng NBI.

Sa pamamagitan ng Twitter, nilinaw ng alkalde na ang lahat ng direktiba ng national government ay sinusunod ng pamunuan ng Pasig City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad niya, "They're asking for an 'explanation on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act (e.g. continuous tricycle operation)'

"We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinyon."

Tanong pa nito tungkol sa NBI: "[At] alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act?"

Noong March 19 kasi ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease ang pagpapatigil ng operasyon ng tricycles sa Pasig.

March 24 naman isinabatas ang Bayanihan Act na nagbibigay rin ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Continue reading below ↓



Simpleng katanungan nga naman: Paano na-violate ni Mayor Vico ang Bayanihan Act? Noong nagpalarga siya ng tricycles sa kanyang siyudad, ni wala pa ang tinatawag na Bayanihan Act.

May ilang netizens naman ang nag-iisip kung baka simpleng pulitika ito: Hindi kaya lahat ng ito ay dahil hindi kapartido si Mayor Vico ng administrasyon? Si Mayor Vico ay mula sa Aksyon Demokratiko, habang ang namamayaning partido ay ang PDP-Laban.

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The National Bureau of Investigation (NBI) invites Pasig City Mayor Vico Sotto to its Manila office on April 7 to explain his side on the alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act.
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @vicosotto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results