Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, Karen Davila on QC protesters: "Gutom sila. Hindi sila kriminal."

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2020
(L-R) Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, and Karen Davila appeal to the government to help the protesters who were arrested in Quezon City today, April 1.
PHOTO/S: @annecurtissmith, @chinitaprincess, @cathygonzaga, and @iamkarendavila on Instagram

Gutom sila. Tulong ang kailangan nila.

Ito ang panawagan ng mga artista matapos maiulat ang pag-aresto ng mga awtoridad sa 21 rallyista sa Quezon City ngayong Miyerkules, April 1.

Kaninang hapon ay nagtipun-tipon ang protesters sa may bandang North Edsa, Quezon City.

Nanawagan ang mga ito sa local government na abutan sila ng ayuda sa gitna ng enhanced community quarantine sa bansa.

Ang mga rallyista ay nagmula umano sa Purok San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Ayon sa mga ulat, hinuli ang mga rallyista dahil sa paglabag ng mga ito sa direktibang iwasan ang pagsasagawa ng mass gathering.

Nilabag din daw nila ang ipinatutupad na social distancing bilang pag-iingat sa COVID-19.

Mapapanood sa mga video na in-upload sa social media ang paghuli ng mga pulis sa mga tumatakbong protesters.

Makikita ring ginamitan ng puwersa ang iba sa kanila.

Nagbigay ng reaksiyon sa insidenteng ito ang mga artistang kagaya nina Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Karen Davila.

Continue reading below ↓

Iisa ang mensahe nila: Tulong ang kailangan ng mga rallyista, hindi aresto.

ANNE CURTIS

Naawa si Anne sa mga hinuling residente ng Pag-asa, Quezon City.

Sabi ng 35-year-old actress-TV host, gumagawa lamang ng paraan ang mga rallyista dahil kailangan nilang pakainin ang kanilang mga pamilya.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Panawagan ni Anne sa Twitter: “They need help now, more than ever.

“Gutom sila... they were left with no choice.. and I’m sure doing this for their own families that they have to feed..

“Sana bigyan to ng pansin at agapan na kaagad ng gubyerno [broken heart emojis]

Continue reading below ↓

Dagdag ni Anne, ang dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang pagtulong sa mga mamamayan.

"Ang daming ibang issues that are being brought up when the main focus should be on dealing with the chaos Covid-19 is bringing to the country.

"Dapat ang priority ay ang proteksyon ng mga pilipino sa hirap na dulot ng pandemic na to."

Continue reading below ↓

Diin niya, bigyang pansin ang tunay na kalaban ngayon at huwag ang iba pang isyu.

"People are getting sick, people are hungry, people are tired, people are scared.

"The main focus should be on the true enemy right now, which is COVID-19.

"I pray everyone can work together & concentrate on what TRULY MATTERS - the well-being & protection of the Filipino people"

Continue reading below ↓

KIM CHIU

Bakas din sa mga tweet ni Kim ang pagkahabag sa protesters.

Mensahe ng 29-anyos na aktres: “Ang hirap ng sitwasyon ng mga tao ngayon.

“Papasok na ang 3rd week of the community quarantine.”

Sabi pa ng Love Thy Woman star, hindi dapat sila gamitan ng dahas.

“Hindi dapat hulihin or bugbugin ang kailangan kausapin, they will not be doing those things kung nabibigyan sila ng tamang atensyon and support from the local government. [praying emoji]”

Continue reading below ↓

Katuwiran pa ni Kim, “Seeing this, sila ang padre de pamilya ng bahay nila.

“Sila ang incharge ng mag provide ng pagkain sa bahay nila.

“Paano na ang asawa at anak nila kung huhulihin pa sila.

“The local govt has to do something about this. [praying emoji]”

ALEX GONZAGA

Nanawagan naman si Alex sa pamahalaan na tulungan ang mga rallyista.

Continue reading below ↓

“So sad and heartbreaking to see what happened today in Sitio San Roque.

“This is a wake up call for the government.

“The people really need you.

“Step up na tayo lahat para sa bayanihan,” saad ng 32-year-old vlogger-host.

KAREN DAVILA

Sa kanyang tweet, may panawagan ang ABS-CBN News anchor kay Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Continue reading below ↓

Tweet ni Karen: “QC Mayor Joy Belmonte, your constituents need you.”

Mungkahi pa ng 49-anyos news personality, aksyunan agad-agad ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangan.

“Hindi po sila kriminal. Sila ay gutom. Nangangailangan ng tulong,” ani Karen.

“Ito ang dahilan kung bakit dapat ilabas na ang cash assistance ng gubyerno.

Continue reading below ↓

“Kailangan na tao. Hindi bukas. Ngayon [praying emoji]”

QCPD TO FILE CHARGES VS PROTESTERS

Samantala, nagbabalak ang Quezon City Police District (QCPD) na sampahan ng kaso ang hinuling protesters.

Miyembro raw ang mga ito ng Samahan ng Magkakapitbahay ng Barangay San Roque, ulat ng inquirer.net ngayong hapon.

Ayon sa statement ni QCPD Chief Brigadier General Ronnie Montejo, nilabag umano ng mga rallyista ang “Bayanihan To Heal As One Act, Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act and Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents.”

Continue reading below ↓

Ayon pa kay Montejo, “Bago po sila hinuli, unang-una, pinakiusapan natin sila para magsibalikan sa kanilang tahanan, subalit nagmatigas sila kaya wala tayo magawa kundi i-implement natin ang batas.”

QC GOVERNMENT OFFICIAL STATEMENT

Nag-post naman ang Quezon City government ng official statement sa Facebook account nito.

Itinanggi ng local government unit na wala nang relief goods na ipinamimigay.

Ayon sa QC government, may mga susunod pang isasagawang food assistance.

“As per COA guidelines, all recipients of food packs must be properly documented and the city government wishes to assure the public that this is strictly being complied with, and documents are available for scrutiny in the interest of transparency,” bahagi ng statement.

May direktiba rin daw sa city mayor na i-double check ang listahan upang matiyak na ang lahat ay mabibigyan.

Ayon pa sa statement, nag-imbestiga ang Task Force Disiplina ng Quezon City tungkol sa ginanap na rally.

Base sa kanilang imbestigasyon, may nagpakilala raw isang miyembro umano ng isang TV crew.

Continue reading below ↓

Sinabihan daw nito ang mga residente na may ipamimigay na food packs at cash, kaya nagpunta sa pinangyarihan ng insidente ang mga nagprotesta.

Pero pagdating sa lugar ay wala naman daw ipinamimigay na relief goods.

“Instead, they were allegedly instigated by yet to be determined personalities to hold a rally and claim that the local government has not distributed any food packs in their area,” sabi pa sa statement.

Nananawagan din daw si Mayor Belmonte sa QCPD na pakawalan na ang detainees “in the interim for humanitarian reasons.”

Kasabay nito ang pagbibigay ng babala na paparusahan nang naaayon sa batas ang sinumang gagamitin ang kasalukuyang krisis “to incite chaos, anarchy, panic, confusion and sedition.”

">

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Anne Curtis, Kim Chiu, Alex Gonzaga, and Karen Davila appeal to the government to help the protesters who were arrested in Quezon City today, April 1.
PHOTO/S: @annecurtissmith, @chinitaprincess, @cathygonzaga, and @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results