Angel Locsin, Angelica Panganiban, Janine Gutierrez, Zsa Zsa Padilla, other celebs rally behind Mayor Vico Sotto

by Jet Hitosis
Apr 2, 2020
Celebrities including actresses Angel Locsin, Angelica Panganiban, Janine Gutierrez, and Zsa Zsa Padilla rally behind Pasig City Mayor Vico Sotto (center) who was summoned by the National Bureau of Investigation for alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act involving the "continuous tricycle operation" in Pasig.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamangelicap, @vicosotto, @janinegutierrez, @zsazsapadilla on Instagram

May nagtaka, may nagpahayag ng suporta, may nanggigil sa galit, at may nagmura.

Ito ang sari-saring reaksiyon ng celebrities kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Pasig City Mayor Vico Sotto.

Kinumpirma ng NBI nitong Miyerkules, April 1, na iniimbestigahan ang 30-anyos na alkalde sa paglabag umano nito sa enhanced community quarantine guidelines ng gobyerno.

Sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na ang Anti-Graft Division (AGD) ng NBI ang nag-iimbestiga kay Mayor Vico sa posibleng violation sa Bayanihan to Heal as One Act.

Ang Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act No. 11469), na isinabatas nitong March 25, ay nagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang epektibong matugunan ng bansa ang coronavirus disease o COVID-19 pandemic.

Maraming mga kautusan ng mga bawal sa panahon ng COVID-19.

Kinumpirma rin ni Lavin na natanggap na ni Mayor Vico ang subpoena ng NBI.

Iniimbitahan ang alkalde na magpunta sa NBI office sa April 7 ng umaga upang magpaliwanag kung paanong hindi siya dapat kasuhan.

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, bumaha sa social media ang reaksiyon ng celebrities gamit ang hashtag na #ProtectVico.

COMPASSION FOR KOKO, SUBPOENA FOR VICO

Nanggagalaiti sa galit ang karamihan sa celebrities para sa anila'y mistulang panggigipit sa isa sa pinakabatang alkalde sa bansa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Giit nila, bakit kailangang imbestigahan ang Pasig mayor, na isa sa pinakaaktibong tumutupad sa kanyang tungkulin ngayong may pandemic.

Ang ilang celebrities, ikinumpara ang sitwasyon ni Mayor Vico sa kontrobersiyang kinasangkutan kamakailan ni Senator Koko Pimentel.

Kung si Mayor Vico ay iniimbestigahan ng gobyerno sa pagmamalasakit sa frontliners ng Pasig, bakit daw hanggang ngayon ay walang aksiyon ang pamahalaan sa isyu ni Senator Koko?

Inulan kamakailan ng batikos ang dating Senate President matapos niyang ihatid, noong March 24, ang manganganak na misis na si Kathryna Yu-Pimentel sa Makati Medical Center.

Nang mga panahong iyon, Person Under Investigation (PUI) na si Senator Koko at dapat ay naka-quarantine.

At kinabukasan nga, inianunsiyo ng senador na positibo siya sa COVID-19.

Continue reading below ↓

Hiniling ng maraming netizens na kasuhan si Senator Koko, habang may ilan ding pinagre-resign siya sa Senado.

Pero katuwiran noon mismo ni Justice Secretary Menardo Guevarra: “During abnormal times like this, when people are prone to commit mistakes or violations of the law, the DOJ will temper the rigor of the law with human compassion.”

CELEBRITIES RALLY BEHIND MAYOR VICO

Ito ang ipinunto nina Angel Locsin, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, Zsa Zsa Padilla, Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Alessandra de Rossi, at Mikoy Morales sa kani-kanilang tweets.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Obserbasyon naman nina Karen Davila at Anne Curtis, mas mahalagang tutukan ng gobyerno sa ngayon ang kakulangan sa medical supplies at ang kapakanan ng mga Pilipino.

Continue reading below ↓

Ayon kay Bianca Gonzalez, mahalaga ang aktibong pagkilos ni Mayor Vico para maprotektahan ang mga taga-Pasig sa virus.

Continue reading below ↓

Pabor pa rin sa Pasig mayor, hayagang kinondena nina Bela Padilla, Maris Racal, Chito Miranda, Julie Anne San Jose, Adrian Alandy, at Jake Ejercito ang gobyerno.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sina Ping Medina, Karla Estrada, at DJ Chacha ay napamura pa sa sobrang galit.

Continue reading below ↓

Kasabay nito, nagpahayag naman ng solidong suporta kay Mayor Vico sina Gab Valenciano, Pia Magalona, Jako de Leon, Donny Pangilinan, at Mimiyuuuh.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa gitna ng pagbuhos ng suportang ito para kay Mayor Vico, ipinost ng alkalde sa Instagram, pasado 10:00 kagabi, ang simpleng mensahe niya sa mga naniniwala at sumusuporta sa kanya.

Ibinahagi ng alkalde ang sarili niyang picture habang nakasuot ng face mask at nagtatrabaho sa kanyang opisina sa Pasig City Hall.

Katabi ng alkalde ang edited na litrato ng isang panda.

Simple pero makahulugang caption ni Mayor Vico: “Let’s just work.”

Continue reading below ↓

VIOLATION: “CONTINUOUS TRICYCLE OPERATION”

Ito ang nilalaman ng liham ng NBI kay Mayor Vico:

“May we request your written explanation on the alleged violation of Section 6 (a) of Republic Act 11469, otherwise known as the ‘Bayanihan to Heal as One Act’ (e. g. continuous tricycle operation) by sending your representative on 07 April, 2020 at 10:00AM at the Office of the Anti-Graft Division, Room 511, NBI Main Building, Taft Avenue, Ermita, Manila.”

Continue reading below ↓

May patong pang pagkakakulong ng dalawang buwan o multa ng P10,000—o kaya'y parehong pagkakakulong at multa ang sinasabing violation.

Nakasaad sa Section 6 ng RA 11469: “Penalties – In addition to acts or omissions already penalized by existing laws, the following offenses shall be punishable with imprisonment of two (2) months or a fine of not less than Ten thousand pesos (P10,000.00) but not more than One million pesos (P1,000,000.00), or both, such imprisonment and fine, at the discretion of the court:

“(a) LGU officials disobeying national government policies or directives in imposing quarantines;”

Ayon sa liham, ang “continuous tricycle operation” sa Pasig ang sinisilip na paglabag ni Mayor Vico.

March 18 nang umapela ang mayor, sa pamamagitan ng isang Facebook post, na payagan ng gobyerno ang pamamasada ng mga tricycle sa Pasig.

Ito ay kasunod ng suspensiyon ng lahat ng pampublikong sasakyan sa Luzon dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine simula noong March 17.

Continue reading below ↓

Pakiusap noon ni Mayor Vico, ang mga tricycle na lang ang nasasakyan ng health workers at iba pang frontliners na kailangan pa ring pumasok sa trabaho.

Bukod dito, may mga pasyente, aniya, na walang sariling sasakyan at sumasakay ang mga ito sa tricycle upang makarating sa ospital.

Gayunman, hayagan itong tinanggihan ng Malacañang.

Dapat daw mag-“stick to ground rules” si Mayor Vico, gaya ng ibang local government units (LGUs).

Kinabukasan, March 19, kaagad na ipinatigil ng alkalde ang pamamasada ng mga tricycle sa siyudad.

MAYOR VICO: BAYANIHAN “LAW DIDN’T EVEN EXIST DURING THE TIME OF THE [TRICYCLE] ISSUE”

Ito rin ang ikinatuwiran ni Mayor Vico sa panayam sa kanya ng GMA News nitong Miyerkules ng gabi.

“Kung tricycle po yung pinag-uusapan, dalawa lang po ang masasabi ko.

“Una, from the start of the community quarantine, we have fully complied with all directives from the national government.

“One hundred percent we have complied,” giit niya.

Continue reading below ↓

“Pangalawa, kung meron silang issue sa tricycle, March 19 iyong issue sa tricycle.

“The Bayanihan to Heal as One Act was enacted March 24, so wala pong masyadong sense.

“Baka hindi po nila nakita kung anong date siya na-enact.

“Malinaw naman po na wala kaming ginawang paglabag sa batas na iyon.

“In fact, it didn’t even exist during the time of the issue.”

Binigyang-diin ng alkalde na maayos siyang nanawagan sa pamahalaan, batay sa opinyon niya tungkol sa pangangailangan ng mga Pasigueño.

Ayon kay Mayor Vico, hindi ipinagbabawal ng Konstitusyon ang pagbibigay ng opinyon.

“And even if we talk about that issue, hindi naman masama magbigay ng opinyon, e.

“Ako po’y nanawagan nung panahon na iyon, March 18.

“Pero kahit nagbigay po ako ng opinyon ko, hindi naman po ilegal, hindi naman po bawal magbigay ng opinyon.

“At kung ano naman po yung naging sagot nila ay inirespeto ko po, at sumunod po ang Pasig City sa lahat ng direktiba ng nasyonal na pamahalaan.”

Continue reading below ↓

“IT WILL NOT DISTRACT US”

Idinagdag ni Mayor Vico na kahit abalang-abala ngayon ang pamahalaang lungsod dahil sa pandemic, kakailanganin niyang magpaliwanag sa NBI.

“It’s extra work, extra hassle, but it will not distract us,” anang alkalde.

“Tuloy-tuloy kami magtatrabaho para sa ikabubuti ng lahat.”

Si Vico ay anak ng dalawang beterano ng showbiz industry—sina Vic Sotto at Coney Reyes.

Nagmula ang alkalde sa political clan ng mga Sotto, at siya ay miyembro ng partidong Aksyon Demokratiko.

SENATOR TITO DEFENDS NEPHEW

Idinepensa rin si Mayor Vico ng kanyang tiyuhin—si Senate President Tito Sotto.

Ang kasalukuyang lider ng Senado ay nakatatandang kapatid ni Vic.

Eksaktong 7:30 ng gabi nitong Miyerkules, ni-retweet ng senador ang interview ng GMA News sa Pasig mayor.

Tweet ni Senator Tito: “What are they talking about?

“Laws are never retroactive if detrimental to any accused.”

Continue reading below ↓

Ibig sabihin ng senador, March 18 pa sinaway ng gobyerno si Mayor Vico sa pagpapahintulot sa pamamasada ng mga tricycle.

March 25 naman pinirmahan ni Pangulong Duterte at naging ganap na batas ang RA 11469.

Ang punto ng senador, hindi maaaring papanagutin ang mga lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act kung ang violation ay nangyari bago pa ito naisabatas.

Continue reading below ↓

Nagkataong isa pa naman si Senator Tito sa mga pangunahing may akda ng RA 11469.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities including actresses Angel Locsin, Angelica Panganiban, Janine Gutierrez, and Zsa Zsa Padilla rally behind Pasig City Mayor Vico Sotto (center) who was summoned by the National Bureau of Investigation for alleged violation of the Bayanihan to Heal as One Act involving the "continuous tricycle operation" in Pasig.
PHOTO/S: @therealangellocsin, @iamangelicap, @vicosotto, @janinegutierrez, @zsazsapadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results