Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Celebs rail against President Rodrigo Duterte "shoot them dead" speech

by Rachelle Siazon
Apr 2, 2020
Angelica Panganiban, Liza Soberano, Maris Racal, other celebs get riled by President Rodrigo Duterte's "threats" to shoot and arrrest and kill. One of them says, "REMOVE YOUR ROSE COLORED GLASSES, BANSA NATIN DUGUAN NA."
PHOTO/S: PCOO / @iamangelicap / @lizasoberano / @mariesteller Instagram

"Wag niyo palusutin, Pilipinas!!!!"

Mapa-artista man o netizen, marami ang nagpuyos ang galit dahil sa "shoot them dead" speech ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkules ng gabi, April 1.

Sa halip daw kasing mag-ulat sa bayan ng konkretong plano kung paano susugpuin ang COVID-19, pananakot pa raw ang inabot ng sambayanan.

"SHOOT THEM DEAD."

Sa kanyang 15-minute speech kagabi, kinastigo ni Presidente Duterte ang sinumang magsasagawa raw ng gulo habang ipinapatupad ang malawakang quarantine.

Partikular na raw rito ang "Left" at urban poor group na Kadamay o Kalipunan ng Damayang Mahihirap.

Ang mga ito raw ang may pakana ng protesta sa Quezon City kahapon, gayong mahigpit na ipinagbabawal ang mass gathering sa panahon ng COVID-19.

Sabi ng Pangulo, hindi siya magdadalawang-isip ipapatay ang grupo kapag sumuway ulit ito.

"Remember kayong mga Left: You are not the government…

"Kaya huwag kayong maggawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained, at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.

Continue reading below ↓

"Huwag ninyong subukan ang Pilipino.

"We are ready for you. Gulo o barilan o patayan.

"I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesistate to order the police to arrest and detain you."

Inihayag din ni Duterte na hindi rarasyonan ng pagkain ang mga madiditeneng mga taong "panggulo" umano sa bayan.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Ngayon, kapag kayo ang na-detain, bahala kayo sa pagkain niyo.

"Kaysa ibigay ko sa mga loko-loko gaya niyo, panggulo, ibigay ko na lang sa mga nangangailangan.

"Huwag niyo ako takutin ng gulo-gulo, kasi kung gusto niyo talaga ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin.

"Tutal, wala pa naman pagkain. Kung gusto niyo barilan? Di sige! Gusto ninyo ng pukpukan? I will not hesitate."

Inutusan pa ng Pangulo ang mga awtoridad na huwag mag-atubiling patayin ang sinumang "panggulo" na aalma sa mga ito.

"My orders are sa pulis, pati military, pati mga barangay na pagka-ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead!

Continue reading below ↓

"Tingnan niyo. Patay. E, kaysa maggulo kayo diyan, e, di ilibing ko na kayo.

"Huwag ninyo subukan ang gobyerno, kasi itong gobyerno na ito, hindi inutil."

FURIOUS CELEBS

Hindi pumasa ang "shoot them dead" speech ng Pangulo sa mga dismayadong netizens at mga artista.

Imbes daw na pagtuunan ng pansin ang mabilis na pagresponde sa pangangailangan ng taumbayan, kung anu-ano pa raw pananakot at pamumulitika ang inaatupag ng gobyerno.

Kagabi, naging top trending topic sa Twitter worldwide ang #OUSTDUTERTENOW.

Ito ang komento ng mga celebrity...

ANGELICA PANGANIBAN

Ang dating self-confessed supporter ng Pangulo na si Angelica Panganiban, 33, ay dismayado rin.

Nagising na raw siya sa katotohanang mali ang pag-endorso niya sa noo'y Davao City mayor, noong 2016 elections.

Tanong ng netizen sa Kapamilya actress: "Nagising ka na ba sa pagka-hypnotize?"

Sagot ng aktres, “Yes. Nakakalungkot. Pero oo. Patawarin niyo ko."


Continue reading below ↓

May nagpadala ng virtual hug kay Angelica dahil sa wakas ay mulat na raw ang aktres.

Ani Angelica, "Sorry natagalan."

LIZA SOBERANO

Simple pero may dating ang pahayag ni Liza Soberano, 22.

"What our people need now is empathy not threats," tweet ni Liza.

Si Liza ang lead actress ng Make It With You, ang primetime series sa ABS-CBN na nahinto ang pagpapalabas dahil sa enhanced community quarantine.

Continue reading below ↓


GRETCHEN HO

Sabi naman ni Gretchen Ho, "Virus pa rin ba ang kalaban dito? Nasaan na ang konkretong plano?"

Continue reading below ↓

Babala pa ni Gretchen, "Be vigilant. We are being triggered."

Si Gretchen, 29, ay TV host at reporter sa ABS-CBN.

KHALIL RAMOS

Idiniin naman ni Khalil Ramos, 24, na bantayang maigi ng mamamayan ang halagang PHP275 billion na pondo para sa kinahaharap na krisis ng bansa ngayon.

"275B. Two hundred seventy five billion. 275,000,000,000.

"We have all the right to know how every single centavo will be spent.

"Wag niyo palusutin, Pilipinas!!!!"

Ni-repost din ni Khalil ang tweet ng isang U.P. Diliman Sociology professor, na umalma sa balitang inaresto ng mga pulis ang mga rallyista sa Quezon City noong April 1.

"TULONG, HINDI KULONG! SAKLOLO, HINDI ARESTO!" tweet ng propesora.


Continue reading below ↓

Isa pang ni-retweet ni Khalil ay ang quote card na nagpapakita ng datos na mas marami ang naaresto kaysa sa indibidwal na dumaan sa COVID-19 testing.

Nakasaad ang datos mula sa DOH at PNP na, as of March 30, 2020, ay may 3,303 indiviuals ang "tested" para sa COVID-19, habang 17,309 individuals ang naaresto ng pulisya.

Sabi pa sa quote card, "Sa panahon ng Covid-19, ba't imbes na mass testing, mass arresting?"

Sa official website ng PNP, inulat na 42,926 ang total curfew violators na naaresto mula March 17 hanggang March 27. Out of 42, 926, ang 12,094 ay mga naaresto sa Metro Manila.

Si Khalil ay singer-actor na napapanood din sa Make It With You.

SAAB MAGALONA

Halatang gigil sa galit si Saab Magalona sa estilo ng pamumuno ni President Duterte.

Nakiisa siya sa netizens na nag-post ng #oustdutertenow".

Matapang na pahayag ni Saab: "T*ng*n*ng veerus yan #OUSTDUTERTE."

Continue reading below ↓

Si Saab ay isa sa mga anak ni Pia Magalona sa yumaong rapper-actor na si Francis Magalona.


LAUREN YOUNG

Matapang ding naghayag ng saloobin si Lauren Young, 26, patungkol sa "shoot them dead" speech ni President Duterte.

Pag-alma ni Lauren, "Takot na nga yung mga tao because of this virus.

Continue reading below ↓

"Their own government is depriving them of food, their officials are MIA, one was parading about without following guidelines and you have the nerve to scare them even more with violence?

"WHY? How is that helpful?"

Umani si Lauren ng batikos mula sa netizens na tagasuporta ng Pangulo.

Pero hindi nagpatinag ang aktres.

Hindi raw siya basta mananahimik na lang kung nakikita niyang naaagrabyado ang bayan.

"You can call me laos, starlet or pokpok all you want cus of how I tweet my opinions about our government.

"But he sought after this position — and I don’t agree with whats happening.

"Sorry if the truth hurts but you can’t deny it especially when its staring right at your face."

Mensahe ni Lauren sa mga bwisit sa kanyang opinyon: "Oh and jokes on you because I genuinely do not care or get affected with what you throw at me. Hahahahaha."


Continue reading below ↓

Aminadong napuyat daw si Lauren dahil sa gigil sa gobyerno.

"Akala ko ba matutulog na ako? Hahaha wala eh I’m so triggered by all the news and I’m honestly so angry. And momma said never go to bed angry."

Bago tuluyang natulog, humirit ulit si Lauren, "May we never give up on fighting for our beloved Philippines."

Si Lauren ay Kapuso actress na huling napanood sa teleseryeng Hiram Na Anak.

PING MEDINA

Ang charactor actor na si Ping Medina, 36, ay prangkang pinatutsadahan ang Pangulo.

"Ang tapang magbigay ng shoot to kill order eh muntik na makatulog sa gitna ng speech," tweet ni Ping.

Dagdag niya, "Sinong tinakot mo sa patayan e mauuna ka pa sa amin l*l."

Continue reading below ↓

MARIS RACAL

Umapela naman si Maris Racal, 22, na huwag magbulag-bulagan ang taumbayan sa mga pagkakamali at pagkukulang ng gobyerno.

"Positive na sukang suka na sa government. good people are outnumbered," tweet ng dating Second Big Placer ng ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: All In.

Diin niya, "REMOVE YOUR ROSE COLORED GLASSES, BANSA NATIN DUGUAN NA."


Continue reading below ↓

Si Maris ay tubong Davao, na home province rin ng Pangulo.

Bunsod nito ay umani ng batikos at masasamang salita ang singer-actress mula sa mga kapwa Davaoeño solid supporters ng Pangulo.

Buwelta ni Maris, “Unsay natabang...” buta ka [blind ka]?

"Bisaya ka man o kung ano pa, again, there is nothing wrong with voicing out your frustrations and opinions."

SAM YG

Kinuwestiyon naman ng events host at disc jockey na si Sam YG kung bakit tila wala raw sa hulog ang "shoot them dead" speech ng Pangulo.

"Baka naman may part 2 yung speech na yun? Or yun na ba talaga," patutsada niya.


Continue reading below ↓

Para raw kasing pinaglalaruan ang taumbayan.

"Please stop running our country like a damn video game. Ano to? Counterstrike?" tukoy pa rin ni Sam sa talumpati ng Pangulo.

Inihalintulad niya ito sa Counterstrike, ang multiplayer first-person shooter video game, kunsaan nilalabanan ng counter-terrorists ang mga terorista.

Si Sam, 35, ay isang TV at radio personality.

Sumunod na tweet ni Sam, "Bakit laging pagkatapos mag-speech ni Duterte, kailangan ulit mag-speech ni Nograles para i-explain ang sinabi ni DU30 the night before?

"Can't the president just give a damn clearcut speech once and for all?"

Ang tinutukoy niyang umaalalay sa Pangulo ay si Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Continue reading below ↓

JOHN ARCILLA

Matalinhaga naman ang tweet ni John Arcilla, 53, tungkol sa pananakot ng Pangulo sa mga umano'y "panggulo" sa bayan.

Si John ay napapanood sa ABS-CBN prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano. Sumikat din siya sa record-breaking indie film na Heneral Luna.

"Palagay ko, sa PANAHON ng TAKOT at GUTOM, KRISIS at EPIDEMYA ang kailangan natin ay mga LIDER na MAGBUBUKLOD sa atin at HINDI magdadagdag ng TAKOT at PAGKAKA HATI-HATI ng BANSA.

"Kabayan, kung di ka naniniwala dyan, HINDI KA MAKABANSA. HANGARIN ang PAGKAKAISA."

May mensahe rin si John sa mga patuloy na nagbubulag-bulagan sa pagkukulang ng gobyerno.

"ANG LIWA LIWANAG NA NAKAPIKIT KA PA.

"Tirik na tirik na ang araw ng iyong PAGKAKASANLA.

"Pagmulat mo wala ka ng IDENTIDAD.

"Tapos na ang MELANGKOLYA ng MADALING ARAW."

WHAT HAPPENED BEFORE THE PRESIDENT'S SPEECH

Hapon pa lang ng April 1 ay una nang umalma ang ibang mga artista dahil sa insidenteng pag-aresto sa grupong nag-rally sa bandang North EDSA sa Quezon City.

Continue reading below ↓

Sinasabing natukoy na ang grupo ng 21 katao ay mga residente ng San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Nagprotesta ang grupo dahil wala raw silang natatanggap na relief goods, mula pa nang magsimula ang community quarantine noong March 15.

Kinuwestiyon ng mga artista kung bakit kailangang dakpin ang mga rallyista.

Continue reading below ↓

Labag man sa social distancing rule ang magtipun-tipon, hindi raw maiaalis na manghingi ang mga ito ng pantawid-gutom.

Ang kawalan daw ng aksyon sa mga lubhang apektado ng COVID-19 crisis ang inirereklamo ng mga artista, pati na rin ng mga netizen.

Kinagabihan naman, lumabas ang balitang pinagpapaliwanag ng National Bureau of Investigation si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ito ay dahil sa posibleng paglabag diumano ng 30-anyos na alkalde sa Bayanihan to Heal as One Act.

May kaugnayan ito sa apela ni Mayor Vico, noong March 18, na payagang pumasada ang mga tricycle sa Pasig.

Pero tinanggihan ito ng Malacañang.

Kinabukasan, March 19, ipinatigil na ng alkalde ang pamamasada ng mga tricycle sa siyudad.

March 25 pa lamang naisabatas ang Bayanihan Act.

Kasunod ng balitang ito ay sumugod sa social media ang maraming artista upang iprotesta ang aksiyong ito ng NBI.

NETIZENS POST #OUSTDUTERTENOW

Nang inanunsiyong maglalabas ng mensahe ang Pangulo sa taumbayan kagabi, maraming netizens ang nag-abang kung maiibsan ang paghihirap ng mga tao dahil sa krisis.

Continue reading below ↓

Pero gayon na lamang ang pagkadismaya raw ng mga ito dahil panay pananakot lang ang narinig mula sa Pangulo.

Narito ang ilan sa kanilang tweets:

Continue reading below ↓

May netizens ding nagbabala na dapat tutukan kung saan mapupunta ang COVID-19 fund na may halagang PHP275 billion.

Giit pa nila, karapatan ng taumbayan malaman ang kumpletong listahan ng pagkakagastahan nito.

"Note: 275 ha. hindi 200 lang. hindi butal ang 75 bilyon na parang walang halaga," tweet ng isang netizen.

Continue reading below ↓

Ang iba pang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban, Liza Soberano, Maris Racal, other celebs get riled by President Rodrigo Duterte's "threats" to shoot and arrrest and kill. One of them says, "REMOVE YOUR ROSE COLORED GLASSES, BANSA NATIN DUGUAN NA."
PHOTO/S: PCOO / @iamangelicap / @lizasoberano / @mariesteller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results