NBI now also probing Senator Koko Pimentel over possible quarantine breach

by Jet Hitosis
Apr 2, 2020
National Bureau of Investigation confirms it is probing Senator Koko Pimentel for possible breach of quarantine protocol, and is preparing to summon the lawmaker when his quarantine is over. The senator tested positive for COVID-19 on March 24.
PHOTO/S: Koko Pimentel on Facebook

Pagpapaliwanagin din ng National Bureau of Investigation (NBI) si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III sa posibleng paglabag sa quarantine protocols.

Kinumpirma ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na naihanda na ang invitation letter para kay Pimentel, 56, kaugnay ng pagpunta nito sa Makati Medical Center (MMC) bilang Person Under Investigation (PUI).

Naungkat ang akusasyon laban sa senador matapos batikusin ng publiko ang NBI sa pag-iisyu ng summon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, 30, nitong Miyerkules, April 1.

Ayon sa NBI, kailangang magpaliwanag ng alkalde ng Pasig sa posibleng violation sa quarantine guidelines ng gobyerno.

Inimbitahan si Mayor Vico na humarap sa tanggapan ng NBI sa April 7.

SENATOR KOKO STILL GETTING TREATED FOR COVID-19

Sa kaso ni Senator Koko, sinabi ni Lavin na ipadadala ng bureau ang summon sa senador kapag gumaling na ito sa coronavirus disease o COVID-19.

“I was told meron na itong invitation but out of respect for his condition, iyong naka-quarantine, so it was not sent out,” quoted na paliwanag ni Lavin sa media.

Continue reading below ↓

Kasalukuyang naka-quarantine at nagpapagaling ang senador matapos magpositibo sa virus.

Bagamat hindi sinabi ng NBI ang posibleng paglabag ni Senator Koko, maia-apply sa kontrobersiyang kinasangkutan ng senador ang Republic Act No. 11332.

Ang RA 11332 ay ang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Layunin nitong magtakda ng mga polisiya sa pagsubaybay at pagtugon sa mga nakakahawang sakit, upang maprotektahan ang publiko laban dito.

THE MAKATI MEDICAL VISIT

Naging tampulan ng galit at pagkondena ng publiko si Senator Pimentel nang ihatid niya sa MMC ang asawang si Kathryna Yu-Pimentel noong March 24.

Nakatakdang isilang noon ni Kath ang kanilang panganay sa pamamagitan ng caesarean operation.

Gayunman, PUI at dapat naka-quarantine na ang senador simula nang magpa-swab test siya noong March 20.

At nito ngang March 25, inianunsiyo ng mambabatas na positibo siya sa COVID-19.

Nalaman daw niya ang test result habang nasa MMC siya, kaya kaagad siyang umalis sa ospital.

Continue reading below ↓

Kinondena ng pamunuan ng MMC ang "irresponsible and reckless action" ng senador.

Nitong March 26, kinumpirma naman ng S&R na namili ang senador sa BGC branch ng membership shopping club sa Taguig City noong March 16.

Batay sa naunang pahayag sa media ni Pimentel, nang mga panahong iyon ay nagsisimula na siyang makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

Kasunod nito, isang grupo ng mga abogado ang nagsabing inihahanda na nila ang mga kasong kriminal at administratibo laban kay Senator Koko.

“COMPASSION… DURING ABNORMAL TIMES LIKE THIS”

Sa panig ng Department of Justice (DOJ), sinabi nitong handa silang imbestigahan ang senador kapag may natanggap silang reklamo laban dito.

Pero nauna rito, umapela si Justice Secretary Menardo Guevarra ng “compassion” para sa mga lumalabag sa batas “during abnormal times like this.”

Ang katwirang ito ni Secretary Guevarra ang ginamit na argumento ng netizens na nagkumpara sa sitwasyon ni Senator Pimentel kay Mayor Vico.

Continue reading below ↓

Tanong nila, bakit compassion ang ibibigay sa senador na nagpunta sa ospital gayung PUI na, habang nakaambang kasuhan ang alkalde na tumutupad lang sa kanyang tungkulin?

Batay sa naisapublikong summon kay Mayor Vico, sinisilip ng NBI ang umano’y pagpapatuloy ng operasyon ng mga tricycle sa Pasig.

Suspendido ang lahat ng pampublikong sasakyan sa Luzon dahil sa enhanced community quarantine, simula nitong March 17.

Ayon sa NBI, paglabag daw ito sa Bayanihan to Heal as One Act (RA 11469), na naisabatas nito lamang March 25.

MAYOR VICO INSISTS PASIG DID NOT VIOLATE ANY QUARANTINE PROTOCOL

March 18 nang sitahin ng Malacañang ang pamamasada ng mga tricycle sa Pasig upang masakyan ng frontliners at mga pasyente.

Kinabukasan, March 19, ipinatigil ni Mayor Vico ang operasyon ng mga tricycle sa lungsod.

Kaya ang depensa ng alkalde, natapos na ang issue sa tricycle bago pa man naisabatas ang Bayanihan Act.

Gamit ang puntong ito, iginiit ni Mayor Vico na walang nilalabag na quarantine protocol ang Pasig.

Continue reading below ↓

Sa social media, kani-kanyang post ng pagsuporta sa alkalde ang netizens, kabilang ang maraming celebrities.

Sina Angel Locsin, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, at Mikoy Morales, prangkahang sinabi na kung may dapat imbestigahan sa paglabag, iyon ay si Senator Koko at hindi si Mayor Vico.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Ilang oras matapos ang public uproar na ito, inianunsiyo ng NBI na gaya ni Mayor Vico, ipatatawag din ng kawanihan si Senator Pimentel.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
National Bureau of Investigation confirms it is probing Senator Koko Pimentel for possible breach of quarantine protocol, and is preparing to summon the lawmaker when his quarantine is over. The senator tested positive for COVID-19 on March 24.
PHOTO/S: Koko Pimentel on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results