Yeng Constantino apologizes to healthcare workers; writes song to encourage them in fight against COVID-19 

by Jet Hitosis
Apr 2, 2020
Yeng Constantino to all healthcare workers: “Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year... Ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po.”
PHOTO/S: @yeng on Instagram

Buong pagpapakumbabang humingi ng tawad sa medical professionals si Yeng Constantino.

Kinailangan itong gawin ng 31-anyos na singer-songwriter dahil gusto niyang magpaabot ng encouragement video message sa healthcare frontliners.

Pero hindi lang simpleng video message ang alay ni Yeng sa mga doktor at nurses, na abala ngayon sa paggamot sa libu-libo nang tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

Sumulat siya ng kanta para sa mga ito.

Inawit ni Yeng ang “Kumapit,” at ang video nito ay ipinost niya sa Instagram.

HEALTHCARE FRONTLINERS BADLY NEED ENCOURAGEMENT

Sa caption sa post ni Yeng ngayong Huwebes, April 2, sinabi niyang nakarating sa kanya ang pangangailangan ng encouragement ng ilang doktor.

Pinanghihinaan na raw kasi ng loob ang medical professionals, na abala ngayon sa pagbibigay-lunas sa mga nagpositibo sa virus.

Caption ni Yeng (published as is):

“Nakatanggap po ako ng mensahe sa aming viber group na may Doctor po na humihingi ng encouragement videos sa aming mga artists para po sainyo

Continue reading below ↓

“dahil marami daw po ang bumababa na ang loob dahil sa sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon at sa mga hospitals.”

May kabuuang 2,633 na ang positibo sa COVID-19 sa bansa, ayon sa latest report ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes.

May 51 na napagaling, habang 107 na ang binawian ng buhay.

Sa 107 na namatay, 17 ang healthcare workers.

Ayon kay Yeng, gusto sana niyang gumawa ng video message para sa medical frontliners, pero nag-aalinlangan siya.

“Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako.

“Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year,” bahagi ng caption ni Yeng.

THE “DOCTOR SHAMING” ISSUE

Tinukoy ni Yeng ang nagawa niyang “doctor shaming” laban sa isang female physician.

Kaugnay ito ng pagkakaaksidente ng asawa niyang si Yan Asuncion sa Siargao, Surigao del Norte noong July 18, 2019.

Continue reading below ↓

Sa YouTube vlog at sa mahabang Instagram post ng singer noong July 19, 2019 ay pinangalanan niya ang babaeng doktor sa isang local hospital kung saan ginamot si Yan.

Sa post at vlog, idinetalye ni Yeng ang aniya’y kawalang aksiyon ng doktor sa emergency situation ng kanyang asawa.

Pero dahil sa hindi magagandang salitang ginamit ni Yeng laban sa doktor, kinuyog siya ng bashers at inakusahan ng “doctor shaming.”

Sa huli, humingi ng paumanhin si Yeng sa doktor.

Pero sa utos ng kinabibilangan nitong Philippine Medical Association (PMA), hindi tinanggap ng doktor ang pagso-sorry ng singer.

January 2020, nagulat pa si Yeng nang lumabas ang arrest warrant laban sa kanya sa paglabag umano sa Cybercrime Prevention Act (Republic Act 10175).

Hindi aware ang singer-songwriter na kinasuhan pala siya ng doktor sa Regional Trial Court (RTC) Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte.

Nagpiyansa si Yeng ng PHP30,000 para makaiwas sa aresto.

Continue reading below ↓

YENG REALIZES THE VALUE OF HEALTHCARE WORKERS

Ngayon, dahil sa COVID-19 pandemic, nagkaroon ng lakas loob si Yeng para iwasto ang naging pagkakamali niya.

Sa kanyang post, sinabi ng singer na “ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field.

“Patawad po.”

Ayon sa singer, dahil sa COVID-19 ay na-realize niya ang matinding sakripisyo ng mga nasa medical profession.

Patuloy ni Yeng, “Sa kinakaharap po natin ngayon mas nakita ko po na di matatawaran ang puso nyo sa pagtulong.

“Dahil ito po ang inyong piniling propesyon kahit nakakatakot hinaharap nyo po ang pagsubok na ito.

“Maraming maraming salamat po.”

Pag-amin ni Yeng, ngayon niya nauunawaan kung bakit hindi siya nagawang patawarin ng PMA sa nagawa niya.

“Naiindintihan ko po kung bakit marami sainyo ang sumama ang loob sakin.”

YENG WRITES A SONG FOR MEDICAL FRONTLINERS

Inspired sa mga realization niya tungkol sa kahalagahan ng healthcare frontliners sa gitna ng pandemic, sinabi ni Yeng na nakasulat siya ng kanta para sa mga ito.

Continue reading below ↓

“Sa pagninilay-nilay ko po sa sitwasyon natin ngayon nakasulat po ako ng kanta na sana po ay makaencourage sainyo pati narin po sa marami pang nawawalan na ng loob.

“Maraming salamat po!

“Saludo po kami sa inyong sakripisyo.

“Wag po kayo bumitaw.

“Kailangan po namin kayo.

“Tuloy lang po natin mga kababayan ang pananalangin, pagkakaisa at pagtutulungan. [praying hands emoji]

“Babangon muli ang Pinas!

“Kaya natin to.

“Kasama natin ang Panginoon.”

Continue reading below ↓

Ang kantang “Kumapit” ay humihimok sa mga healthcare frontliners na manatiling matatag sa gitna ng pandemic.

Binibigyang-diin nito ang pag-asa at pananalig sa Diyos, na sa bandang huli ay matatapos din ang health crisis.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino to all healthcare workers: “Gustong gusto ko pong gumawa ng video pero sa totoo lang po nahihiya ako. Dahil baka imbes na maencourage ko po kayo eh mainis kayo sakin dahil sa mistake na nagawa ko last year... Ngayong araw nagdedesisyon po ako na itapon ang hiya at humingi ng tawad sa lahat po ng nasaktan ko sa medical field. Patawad po.”
PHOTO/S: @yeng on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results