Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Luis Manzano, Alessandra de Rossi, RK Bagatsing ridiculed for their opinions on politics; use wit against critics

by Bernie V. Franco
Apr 3, 2020
Luis Manzano, Alessandra de Rossi, and RK Bagatsing exchange tirades with netizens who discriminate against them for being celebrities after the stars voiced out opinions on the latest political issues.
PHOTO/S: Magandang Buhay (Luis) / PEP Jayson Villafuerte (Alessandra) / @bagatsingrk on Instagram

Pumalag sina Luis Manzano, Alessandra de Rossi, at RK Bagatsing sa pangmamaliit ng netizens sa mga kagaya nilang artista.

May tumawag sa kanilang "bandwagoner" o nakikisakay sa isyu, at inalipusta ang kanilang pagkatao dahil sila ay “celebrity lang” umano.

Ito ay matapos nilang maghayag ng opinyon sa kinahaharap na sitwasyon ng bansa.

Noong April 1, Miyerkules, sunud-sunod ang politicial issues na pumukaw sa damdamin ng netizens, kabilang ang maraming artista.

Kabilang sa mga balitang pinag-usapan nang husto noong araw na iyon:

Pag-aresto ng mga pulis sa 21 rallyistang humihingi ng food assistance sa Quezon City;

Pag-iimbestiga ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Pasig Mayor Vico Sotto dahil sa diumano’y paglabag sa national government policy kontra COVID-19;

Ang kontrobersiyal na “shoot them dead” statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga manggugulo habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine;

At ang pag-udyok ni Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Manuelito Luna na imbestigahan si Vice President Leni Robredo dahil sa pakikipagkumpitensiya umano nito sa government efforts kontra COVID-19.

Continue reading below ↓

Ginawang medium ng mga artista—kabilang sina Luis, Alessandra, at RK—ang social media para magpahayag ng saloobin sa mga usaping ito.

LUIS MANZANO

Hindi nagpatinag ang 38-anyos na actor-TV host sa sunud-sunod na pambabatikos sa kanya ng netizens.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Nagsimula ito nang mag-tweet ng dalawang tanong si Luis.

Ang una ay tungkol sa isyung iniimbestigahan ng NBI si Mayor Vico Sotto dahil umano sa paglabag nito sa Bayanihan To Heal As One Act.

Tweet ni Luis: “But the act wasn’t there yet for those possible violations diba? Or mali intindi ko?”

Continue reading below ↓

Ito ang isyu: March 17 nang ipinatupad ang enhanced community quarantine at sinuspinde ang public transportation sa buong Luzon.

Kinabukasan, March 18, nakiusap si Mayor Vico sa national government na payagan ang tricycle drivers sa kanyang lungsod na mag-operate.

Ito ay para raw may masakyan ang kanyang constituents at frontliners na pumupunta sa ospital.

Hindi ito pinayagan ng Malacañang, at sumunod naman kaagad si Mayor Vico.

March 25 nang opisyal na maisabatas ang Bayanihan to Heal as One Act, kung saan nakasaad sa Section 6 ng RA 11469 na paparusahan ang:

"LGU officials disobeying national government policies or directives in imposing quarantines."

Sa madaling sabi, nangyari ang isyu ni Mayor Vico tungkol sa tricycles bago pa naaprubahan ang Bayanihan Act.

Ang pangalawang tweet ni Luis ay tungkol sa pag-usisa niya sa pahayag ni Pangulong Duterte na “shoot them dead” sa mga taong lalabag sa enhanced community quarantine guidelines.

Dito binanggit ni Luis si Senator Koko Pimentel, na malinaw na dalawang beses lumabag sa Department of Health protocol na mag-quarantine matapos magpa-COVID-19 test.

Continue reading below ↓

Tweet ni Luis: “I wonder what PRD will say/do about the Sen. Koko incident...”

Ang "PRD" na tinutukoy ni Luis ay si President Rodrigo Duterte.

Si Senator Pimentel ay kapartido ni President Duterte sa PDP-Laban.

Dito na nagsunud-sunod ang pag-atake ng pro-Duterte bashers kay Luis.

Burado na ang maraming batikos ng netizens, subalit malinaw sa tweets ni Luis ang pagtatanggol sa sarili.

Continue reading below ↓

May netizen na tinawag na "maingay" ang mga artistang kagaya ni Luis tungkol sa isyu kahit hindi naman daw sila nakapag-aral.

Tinawag silang “bandwagoners” o nakikisakay sa isyu.

Resbak ni Luis: “Hindi kelangan na makapag-aral para may paninindigan o opinion, wag bobo.”

Sa isa pang tweet ni Luis, may tumawag sa kanyang “partisan,” na ibig sabihin ay may pinapanigang political party kaya ang views nito ay magiging makitid.

Continue reading below ↓

Hamon ni Luis: "Please let me know ano sa mga tweets ko ang political or partisan ;) i’ll wait”

Ilang ulit naghamon si Luis sa mga nagsasabing may pinapaboran siyang political party.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Malisyoso rin ang tweet ng isang netizen na nagtanong kay Luis kung binasa ng aktor ang “script,” na tila kinukuwestiyon ang comprehension skills ng TV host.

Balik-banat ni Luis: “Because i said hindi kelangan ng makapagaral to have a stand? Hindi ba tama yun regardless if DDS o dilawan?"

Hindi matatawaran ang talas ni Luis: "Ikaw ha... yang pagiging tanga mo choice mo na yan... magmask ka... baka makahawa ka pa.”

Continue reading below ↓

Makahulugan din ang tweet ng isang netizen kay Luis.

Depensa ng netizen, misleading daw ang titulo ng mga lumabas na artikulo, “kaya kayo mga artista nagreact ng hndi alam o naintndhan full context ng speech.”

Tila ang tinutukoy ng netizen ay ang kontrobersiyal na “shoot them dead” speech ng Pangulo, na ginamit ng ilang news websites sa kanilang headlines.

Umalma si Luis na ang pahayag niya ay walang kinalaman sa anumang headline, kundi sa isyung bawal magkomento ang hindi nakapag-aral.

Sagot ni Luis: “Ma’m wala pong kinalaman sa kahit anong headline o ano pa yan, statement yan sa hindi pwede magcomment or magka opinion ang di nakapagaral kagaya ng sabi nung na quote, and that applies to everyone kahit ano pa political stance mo”

Continue reading below ↓

ALESSANDRA DE ROSSI

Idinaan naman ni Alessandra, 35, sa pagpapatawa ang pakikipagsagutan sa kanyang mga kritiko online.

Nagkomento siya sa isyung pag-iimbestiga kay Mayor Vico at sa kontrobersiyal na statement ni Pangulong Duterte.

Para sa kanya, hayaan na lang magtrabaho si Vico.

Pero sa pahayag ng Pangulo na daanin sa dahas ang pagpapatupad ng batas, hindi sang-ayon si Alessandra.

Continue reading below ↓

Dahil sa kanyang opinyon, tinawag ng isang netizen ang aktres na “dilawan,” ang bansag ng mga maka-Duterte sa mga pro-Liberal Party, ang kinabibilangang partido ni Vice President Leni Robredo.

Nanggaling ang "dilawan" sa official campaign color ng Liberal Party, ang dilaw o yellow, ngunit ginagamit ng katunggaling political party, ang PDP-Laban ni Pangulong Duterte, upang mangahulugang "duwag."

May halong biro, pero may banat ang sagot ni Alessandra sa netizen:

“Wala sa akin yung pera, my gash!

"And im not makayellow! It's my least favorite color! Im makaBAYAN.

"Wag ako! Wag ngayon! Toinks!”

Continue reading below ↓

Mayroon ding tumawag sa kanyang "leftist," at minaliit ang kakayahan niya dahil isa raw siyang artista.

Sabi ng netizen sa aktres: “About sa leftist ..problema Kasi d kau nanuod ng buong balita nkisawsaw lng ung mga kasamahn mong artista..oras Sana na magkaisa tayo ngayon”

May talas na sagot ni Alessandra: “Paano tayo magkakaisa kung na-categorize mo na ako as artista? Ang hirap naman lumugar sa mundong ito. Ang mental health kooo [shocked emoji] chot!”

Continue reading below ↓

Ang isa naman, kinuwestiyon din ang comprehension ni Alessandra.

Sabi ng netizen: “Comprehend first bago mag comment ganon!”

Tila sumuko na ang aktres sa pakikipagsagutan, ngunit may hirit na mala-Nora Aunor.

Ani Alessandra: “Okay fine! Sorry na! I DID NOT KILL ANYBODY!”

RK BAGATSING

Nagpahayag din ng kanyang pagkadismaya si RK, 31, sa mga nasa posisyon sa gobyerno.

Continue reading below ↓

Binanggit ng aktor ang P275 billion government fund na nakatalagang tulong sa mga Pilipino ngayong enhanced community quarantine.

Nananawagan ang publiko ng transparency dahil hindi pa ramdam ang pagdi-distribute sa nasabing pondo.

Tweet ni RK nitong April 1: “Sa lahat ng panloloko at pagkukulang ngayon, I’m sure alam nila na hindi na sila makakaulit sa susunod na eleksyon.

“SANA HINDI maging pang retirement fund nila yung P275B emergency fund para sa bayan.”

Continue reading below ↓

Gaya ng ibang artista, nakatanggap din ng mga patutsada si RK na kinukuwestiyon ang kanyang naiambag sa lipunan.

Sabi ng isang netizen: “Napakatalino buti sana kung may naambag kayo,sunod sunuran sa mga artista pa famous kumbaga”

Hiniritan siya ni RK: “etneb etneb kaya kada hirit ng 'ano ambag mo' para makaipon tayo ng pang ambag niyo. Donate natin sa frontliners.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na “etneb etneb” ni RK ay bente-bente.

Singilin daw ng P20 ang bawat netizen na gumagamit ng gasgas na hirit sa mga artista ng kung ano kontribusyon nila sa hamon ngayon sa lipunan.

Sa gayon, may maiaambag daw ang netizen kesa maiwang namba-bash lang.

May isa namang netizen na nag-tweet na, kahit mahirap ang kanilang dinaranas ngayon, patuloy pa rin silang nakikipagtulungan sa pamahalaan.

Maamong pag-ulit ni RK sa kanyang paninindigan: “Para sa inyo din naman po itong ginagawa namin. Sana po makarating na tulong sa inyo soon. Kapit lang po”

Continue reading below ↓
Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano, Alessandra de Rossi, and RK Bagatsing exchange tirades with netizens who discriminate against them for being celebrities after the stars voiced out opinions on the latest political issues.
PHOTO/S: Magandang Buhay (Luis) / PEP Jayson Villafuerte (Alessandra) / @bagatsingrk on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results