Robin Padilla, Jimmy Bondoc, Arnell Ignacio, Nathalie Hart, other celebs defend President’s speech ordering police to shoot troublemakers

by Arniel C. Serato
Apr 3, 2020
Robin Padilla, Jimmy Bondoc, Arnell Ignacio, Nathalie Hart show support for President Rodrigo Duterte after backlash from fellow celebs over the President's "shoot them dead" declaration against leftist groups.
PHOTO/S: Courtesy: Robin Padilla / Jimmy Bondoc / DA Arnell OWWA on Facebook / @imnathaliehart on Instagram

Nagpupuyos din sa galit ang celebrity supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa sinasabi nilang pagmamanipula ng iba sa emosyon ng taong-bayan.

Ito ay matapos ang kontrobersiyal na address to the nation ng Pangulo noong April 1, Miyerkules, hinggil sa enhanced community quarantine.

Naging trending topic ang pahayag ni Duterte, partikular na ang "shoot them dead" na banta nito sa mga makakaliwa.

Bahagi ng talumpati ng Pangulo: “Huwag ninyong gamitin ang pwersa.

"I am addressing the Left na yung pambabastos ninyo, yung slamming about the distribution.

"Remember kayong mga Left: You are not the government. Naintindihan ninyo ‘yan?

"Hindi kayo nasa gobyerno and you cannot be a part of what we are planning to do for the nation.

"Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong maggawa ng kalokohan at mag-riot-riot diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na itong COVID.

"...Huwag ninyong subukan ang Pilipino. Do not try to test it.

Continue reading below ↓

"Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you.

"I will not hesitate to order the police to arrest and detain you.”

Dagdag pa niya: “Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain.

"Kung gusto ninyo nung barilan, e, di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate.

“My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay, na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead.

“Naintindihan ninyo? Patay.

"E, kaysa ma-gulo kayo diyan, e, di ilibing ko na kayo. A, yung libing, akin ‘yan."

Diin pa ni Duterte: "Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil.”

CELEBRITIES REACT

Pagkatapos ng talumpati ng Pangulo ay kaaagad naging top trending topic sa Twitter ang hashtag na #OUSTDUTERTENOW.

Continue reading below ↓

Kabilang sa mga naghayag ng pangongontra sa Presidente ay sina Angelica Panganiban, Liza Soberano, Gretchen Ho, Khalil Ramos, Saab Magalona, Lauren Young, Ping Medina, Maris Racal, Sam YG, at John Arcilla.

Hindi naman ito pinalampas ng mga celebrity na tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Gamit ang social media, inihayag din ng mga ito ang kanilang saloobin tungkol sa isyu.

JIMMY BONDOC

Ayon sa vice president for Corporate Social Responsibility Group ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Jimmy Bondoc, binago raw ng ibang netizens ang kahulugan ng pahayag ng Pangulo.

Ginamit daw ng "manipulators" na ito ang damdamin ng iba.

Pahayag ni Jimmy sa kanyang Facebook post kahapon, April 2:

“Hindi niyo pa rin napapansin how the President's words are twisted, just to fool YOU? I dare you to read on.

“First, those manipulators tried to gain your trust. They did this by appealing to your emotions.

"They focused on the statement of DU30 that medical workers are considered lucky for dying for their country.

Continue reading below ↓

"They knew you would not watch the whole speech."

Ayon pa sa dating singer, binalewala ng mga kritiko ng Pangulo ang Administrative Order No. 27—Establishing a framework for the acceptance, management, distribution and delivery of all medicines, medical equipment and supplies, and other health products donated to the nation.

"They made it appear that DU30 wants to monopolize all of the government's resources, supposedly to create political gain for Bong Go.

"They knew you wouldn't read the A.O.

“Their next predictable step is to use the increasing number of covid cases (though expected), and make it appear that this is proof that DU30 has stolen the funds meant for covid relief ops."

Buwelta pa ni Jimmy: “Tapos, kami ang tinatawag niyong 'nagpapa-UTO?'

“Trust me. Those heroes and gentle old ladies you consider heroines and philanthropists are lying to you.

"The proof is clear. They KNOW that you would not go out of your way to read the actual A.O. 27.

Continue reading below ↓

“So, what are you waiting for?

“Read it. Expose the lies of your bosses.

“I am telling you, from my heart, kidding aside, politics aside –

“YOU are the problem.

“Hindi niyo kasi inaaral.

“That's why I love you.

“Because we are supposed to love our enemies.

“MAG-ARAL KAYO.

“Just read the actual source.

“Go ahead.”

Continue reading below ↓

ARNELL IGNACIO

Galit na galit din si Arnell Ignacio sa mga taong hindi raw inintindi ang mga salita ng Pangulo.

Si Arnell ay dating deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Sabi nito sa kanyang Facebook live kahapon:

“Ano naman itong mga kumakalat at mga nag-iimbita kayo ng 'oust Duterte, oust Duterte' at sinabi niyo sa Facebook siya nagbuhos, at sa Facebook niyo siya pababagsakin?

"Sa panahong ito, 'yan pa ang naiisip ninyo?

"Susmaryosep, ano bang klaseng... where are you coming from?

"Ano ba talagang... ang hirap tulungan ng Pilipino. Grabe!

"E, ako mismo, si Presidente gusto mo nang hatakin, e, 'Mayor, halika na, hayaan mo na 'yang mga Pilipino na 'yan.'

"E, pagkaganun, baka ikaw pa batukan nun.

"Dahil mahal niya talaga ang mga Pilipino, e, kahit na anong pambabastos, kahit na anong pambabatikos, kahit anong pinaplano niyong pabagsakin siya, at pinanalangin niyo pang mamatay.

"Wala, ang sagot niya pa rin, 'Mahal ko yung mga Pilipino, e. Di ko kaya yun.'"

Continue reading below ↓

Ayon kay Arnell, ang tinutukoy ng Pangulo sa kanyang speech na "shoot them dead" ay ang mga makakaliwa.

Hindi raw bini-baby ang mga nanggugulo, lalo na ang mga miyembro ng grupong Kadamay na nang-agaw daw ng bahay ng mga sundalo noon.

Saad niya, "Magkatapatan tayo, ang Pilipino ba madaling pasunurin?

"Napakahirap pasunurin. Simpleng trapik lang, hindi sumusunod, e.

"Sa ganitong krisis, ang hirap, kung anu-ano pa ang nangyayari, ayaw niyong pakilusin nang todo ang mga enforcers natin?"

Patungkol pa rin sa "shoot them dead" statement ng Pangulo, ayon kay Arnell, "Kanino niya ina-address ito?

"Sinasabihan niya ang mga sundalo niya at pulis, 'Kapagka ang buhay ninyo, e, mati-threaten na dahil sa gagawin nitong mga nanggugulo na ito, barilin mo.'"

Patutsada pa niya: "It's incredible that something so basic, so elementary needs to be explained to you.

"Oo, talaga lang, kasi iba ang pinanggalingan niyo?

"It’s either that o mga summa cum laude kayo sa kabobohan."

Continue reading below ↓

DIREK MANNY CASTANEDA

“Disgusting” naman para sa actor-director na si Manny Castaneda ang panghihimasok umano ng makakaliwa para guluhin ang gobyerno ngayong may health emergency sa bansa.

Sabi niya: “Exploiting the current health crisis to destabilize the govt and further advance their obsolete ideology is totally disgusting. Karma is digital."

Continue reading below ↓

KEANNA REEVES

Ayon naman sa sexy comedienne na si Keanna Reeves, dapat daw bumalik sa grade one ang mga hindi nakakaintindi sa speech ng Pangulo.

Mensahe niya sa Facebook: “Balik ka ng Grade1 baka masagot n’yo ng maayos at ng maintindihan n’yo, kung naintindihan n’yo na pero galit ka parin kay Duterte e d paadmit kana sa Mandaluyong ASAP!!!”

Continue reading below ↓

JANICA NAM

Payo naman ng modelong si Janica Nam, dapat panoorin nang buo ng mga tao ang talumpati ni President Duterte bago sila manggalaiti sa galit.

Tweet niya: “Please watch the full interview of President Duterte. Baka kaya ganun nalang galit ng ibang tao kasi hndi nila napanood and inintindi."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Nam: “Our country needs Unity hindi yung puro reklamo.”

Continue reading below ↓

Humihingi naman siya ng dispensa sa iba na hindi sang-ayon sa kanyang opinyon.

Nakalagay sa kanyang apology letter, "My apologies to those who opposed to my tweets.

"It's my own opinion at this time of crisis.

"I believe everyone has their own opinions naman and I respect yours, hope you respect mine too.

"Based on my understanding and beliefs at this time of crisis what we should do is to help each other not fighting about things which are out of our control.

"What is happening now is very sad and depressing and I just thought we should have this "hope and positivity" which might help us live without hurting each other.

"I'm just thinking to have better minds so we can have better actions ahead of us.

"Pray for this world.

"Pray for our country."

Continue reading below ↓

Si Nam ay girlfriend ng namayapang Hashtags member na si Franco Hernandez.

NATHALIE HART

Pasimple namang naghayag ng suporta sa Pangulo ang aktres na si Nathalie Hart.

Sa kanyang Instagram Stories kagabi, nagbahagi siya ng dalawang larawan ni Duterte.

Nakasulat sa unang larawan ni Duterte, na nakataas ang middle finger: “KAYA HINDI NATATAPOS YUNG COVID DAHIL SA INYO.. MGA P*T*NG INA NIYO!!.”

Continue reading below ↓

Sa pangalawang larawan, ito ang caption ni Nathalie: “Lol I love him (heart eyes emoji)

ROBIN PADILLA

Sa kanyang mahabang post sa Facebook kahapon, April 2, sinabi naman ng aktor na si Robin Padilla na hindi ito ang tamang panahon upang mambatikos.

Sabi ng masugid na Duterte supporter: “Hindi ito ang oras para magpagalingan sa salita at tula lalo ng talumpati nakalipas na ang panahon na yun sapagkat ito na oras ng aksyon at paglakad kung maari ay pagtakbo upang makagawa ng mabuti hindi lamang sa kapwa kundi para sa sarili unang una.

Continue reading below ↓

“Ang virus na ito ay panggising sa ating mga mundo at ang nakikinabang ng higit ay ang Inang kalikasan marami ang namamatay at nagsasakripisyo kayat ang kanilang pagiging mga martyr kailanman ay hindi kalilimutan ng Inangbayan may mga napapabayaan ng nga LGU pero yun ang paraan para makilala ninyo ang inyong mga pinuno meron naman tumutulong ng walang kapalit "hindi sa nais na magpakilala kundi dumaramay lamang at nakikipagkapwa tao ang buong mundo ay mababago at mag uumpisang muli hindi mainam na maiwan tayo sa nakaraan at mabuhay pa rin sa pagbatikos the world itself is changing and we cannot stop it walang sinoman ang makakakontra sa pag ikot ng mundo at ng ating mga buhay this is the time to make something out of ourselves our reel lives has just passed Alhamdulillah Praise God for all his blessings he prepared us well for this very real very tough and very rough times maging pangpalakas tayo sa iba at maging pangpalakas natin ang iba we are at war ladies and gentlemen let us use our bodies and mouth including our resources to fight for the survival of Humanity kung wala tayong sasabihin na totoo at hindi makakatulong sa laban mainam ay manahimik at tumulong na lang sa mga frontliners o sa mga malalapit ninyong kapitbahay na naghihirap at naghihikahos.

Continue reading below ↓

“Magtiwala tayo sa Panginoong Maylikha dahil nasa kanya ang awa kumilos tayong lahat dahil nasa atin ang gawa nobody will do the battle for us in this war! all of us are in this war!

“all of us are soldiers this is not the time for politicking and speeches destabilizing the GOVERNMENT now is clear treason.

“We cannot surrender the fight we fight together we will win! we fight among ourselves we lose....and we cannot be the author of our own extinction as filipinos God forbid God have mercy”

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla, Jimmy Bondoc, Arnell Ignacio, Nathalie Hart show support for President Rodrigo Duterte after backlash from fellow celebs over the President's "shoot them dead" declaration against leftist groups.
PHOTO/S: Courtesy: Robin Padilla / Jimmy Bondoc / DA Arnell OWWA on Facebook / @imnathaliehart on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results