Luis Manzano, Karen Davila worried for poor families with the possible extension of quarantine 

by Jet Hitosis
Apr 3, 2020
In separate tweets, Luis Manzano (left) and Karen Davila (right) express concern for the welfare of poor Filipino families amid government plans to extend the enhanced community quarantine several more weeks.
PHOTO/S: @luckymanzano, @iamkarendavila on Instagram

Nagpahayag ng pag-aalala ang TV host na si Luis Manzano at ang broadcast journalist na si Karen Davila para sa mga nawalan ng pinagkakakitaan dahil sa enhanced community quarantine.

Lalo pa ngayong lumulutang na i-extend pa ang quarantine sa Luzon.

Ito ay dahil sa tuluy-tuloy na pagdami ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Batay sa latest update ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes, April 3, nasa 3,018 na ang tinamaan ng virus sa Pilipinas.

Sa kanila, 52 ang gumaling, habang 136 ang nasawi.

Continue reading below ↓

LAWMAKERS, SCIENTIST WANT TO EXTEND QUARANTINE

Dahil sa pandemic, sinimulan noong Marso 17 ang pagpapatupad sa Luzon-wide quarantine.

Epektibo ito hanggang Abril 12.

Pero ngayong patuloy na nadadagdagan ang nagpopositibo sa virus sa bansa, may mga mungkahing palawigin pa ito nang ilang linggo.

Lalo na at kinumpirma ng DOH na sisimulan na nito ang mass testing sa April 14.

Kabilang sa mga una nang nagmungkahi ng quarantine extension ay sina Albay Representative Joey Salceda at Caloocan City Congressman Edgar Erice.

Dalawang linggo pang extension ang hiling ni Salceda para matiyak na hindi na magkakahawahan kapag na-lift ang quarantine.

Karagdagang 30 araw ang rekomendasyon ni Erice.

Pero sa taya ng isang scientist mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Los Baños, kakailanganin daw ng bansa ng dalawa hanggang tatlong buwan para masigurong hindi na kakalat pa ang virus.

Paliwanag ni Dr. Darwin Bandoy sa ABS-CBN News: “My model is a do-nothing scenario, meaning we don't implement lockdown.

Continue reading below ↓

"The peak number of cases in my estimate is around 250,000. That includes the asymptomatics.

"But the approximate estimate is 1 to 3 percent of the 250,000 would be severe cases.

“If we remove the enhanced community quarantine on April 13 and will resume to normal activity at April 14, the epidemic curve would rise again."

Kaya, ani Dr. Bandoy: "So based on these predictive models, I wouldn't recommend removing it. So it should be extended."

LUIS: “IT WOULD BE MUCH MUCH HARDER” FOR THE POOR

Ngayong Biyernes, ni-retweet ni Luis Manzano, 38, ang artikulo ng ABS-CBN News sa interview ni Dr. Bandoy.

Reaksiyon ng TV host: “Wow, it would be much much harder for most of the Pinoys [sad emoji]”

Magkakaiba ang komento ng Twitter followers ni Luis.

May mga sumang-ayon sa kanya, at sinabing mahihirapan talaga ang mga arawan ang kita.

Continue reading below ↓

Kung iyong isang-buwang quarantine nga raw ay hirap na ang mga maralita, paano pa kung tatagal ito ng hanggang tatlong buwan.

Sabi naman ng isang netizen, hindi nakakabahala ang extension kung naaayudahan ng gobyerno ang mga nangangailangan.

Continue reading below ↓

Mas marami naman ang pabor na palawigin pa ang quarantine upang matiyak na hindi na dadami ang tatamaan ng COVID-19.

Baka raw kasi ipalagay ng publiko na dahil na-lift na ang quarantine ay wala nang virus, at hindi na mag-ingat ang mga ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

more NETIZENS FAVOR QUARANTINE EXTENSION

Pabor din sa pagpapatuloy ng quarantine ang mga nagkomento sa tweet ni Karen Davila, 49.

Ini-repost kasi ng Kapamilya broadcaster ang artikulo tungkol sa two-week extension na panukala ni Congressman Salceda.

Patanong ang tweet ng Kapamilya broadcaster: “Kaya pa, kapamilya? [praying hands emoji]”

Sagot ng Twitter users, hindi naman isyu kung kakayanin pa ng mahihirap ang quarantine.

Continue reading below ↓

Ang pinakamahalaga, anila, ay kung ano ang kinakailangan upang mapigilan ang pandemic.

Continue reading below ↓

Opinyon ng isa, walang problema sa extension basta ibinibigay ng pamahalaan ang kinakailangang ayuda sa mga apektado nito.

Giit ng netizens, kung walang maipakain ang gobyerno sa mahihirap na binawalang magtrabaho, tiyak daw na mamamatay pa rin ang mga ito.

Pero hindi sa COVID-19, kundi sa gutom.

Continue reading below ↓

Katwiran naman ng isang Twitter user, mas nakakatakot pa rin ang COVID-19 kaysa magutom.

Continue reading below ↓

SENATORS EXPRESS SUPPORT

Ilang senador din ang pabor sa quarantine extension.

Sa report ng GMA News ngayong Biyernes, sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na pabor siyang palawigin ang quarantine hanggang April 30.

Mahalaga lang daw na tiyakin ang supply ng pagkain para sa lahat ng maaapektuhan ng panibagong dalawang linggong quarantine.

“We are only beginning to see data of symptoms post-quarantine," quoted ng GMA News si Drilon.

"And I see some data that shows it is effective.

"But too early to tell. An extra two weeks would help," aniya.

Payag din sina Senate President Tito Sotto, Senate Pro Tempore Ralph Recto, at Senators Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian.

Anila, mahalagang i-analyze muna ang resulta ng gagawing mass testing ‘tsaka magpasya kung tatapusin na ang quarantine.

MALACAÑANG CAREFULLY WEIGHING OPTIONS

Kasabay nito, kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na bumuo na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ng Technical Working Group (TWG).

Continue reading below ↓

Sa kanyang virtual press conference ngayong Biyernes, sinabi ni Nograles na itatakda ng TWG ang parameters na pagbabasehan kung babawiin na o palalawigin pa ang Luzon-wide quarantine.

Ayon kay Nograles, tinatanggap na ng TWG—na pinamumunuan ng DOH—ang mga rekomendasyon mula sa iba’t ibang sektor tungkol sa pinakamainam na gawin.

Nilinaw ng Cabinet Secretary na, sa ngayon, wala pa talagang pinal na pasya ang Malacañang kung kailangang palawigin ang quarantine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In separate tweets, Luis Manzano (left) and Karen Davila (right) express concern for the welfare of poor Filipino families amid government plans to extend the enhanced community quarantine several more weeks.
PHOTO/S: @luckymanzano, @iamkarendavila on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results