Mayor Sara Duterte angered by peddlers of President Duterte's selfie with health workers; calls it "political toxicity"

by Arniel C. Serato
Apr 6, 2020
Davao City Mayor Sara Duterte: "Our common enemy is toxic and deadly enough. We should not allow our common resolve to overcome this health crisis be poisoned by the political toxicity of those who are against the government.”
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go / City Government of Davao on Facebook

Pinalagan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kumakalat na larawan ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na nakikipag-selfie sa maraming health workers ng isang ospital.

Ang larawan ay lumabas sa Facebook page ng Freedom Society.

Ilang netizens ang nagkomento rito.

Sabi ng isang netizen: “No social distancing, no face masks, he is not wearing any PPE. This is how virus spreads.”

Komento ng isa pang netizen: “Dapat barilin mga nde sumusunod diba?”

Ang pakahulugan nito ay hindi raw sumusunod ang Pangulo sa social-distancing orders ng sarili niyang gobyerno.

Mariing pinabulaanan ni Mayor Sara ang balita, at naglabas ito ng pahayag sa Facebook ng Davao City government kagabi, April 5.

Hindi raw kuha ang larawan sa panahon ng COVID-19. Kuha ito tatlong taon na raw ang nakakaraan.

Binisita raw ni Pangulong Duterte ang isang ospital sa Davao City noong 2017, nang isinilang ni Mayor Sara ang kanyang bunsong anak na si Stonefish.

Continue reading below ↓

Pahayag ng panganay na anak ng Pangulo: “This photo showing President Rodrigo Duterte in a spontaneous selfie session with some healthcare workers was taken early in March 2017 in Davao City — when he visited a private hospital after his grandchild, Stonefish, was born.

“This photo has been going the rounds on social media now and presented to appear like it was recently taken. That it is malicious and presented to confuse the public and stir outrage against the President and the healthcare workers is obvious.

“It tastes poorly as the country is fighting against the spread of the deadly Covid-19 infection.

“The use of this photo to attack the President shows the desperation of anti-Duterte groups.

“It also shows their disrespect of the sacrifices of the healthcare workers who are on the frontlines.”

Ayon pa kay Mayor Sara, dapat kondenahin ang ganitong klaseng pamumulitika ngayong may kinahaharap na COVID-19 pandemic.

Continue reading below ↓

“This kind of political attack in this time of health crisis deserves nothing but our outright rejection and condemnation.

“Our common enemy is toxic and deadly enough. We should not allow our common resolve to overcome this health crisis be poisoned by the political toxicity of those who are against the government.”

Continue reading below ↓

THE PHOTO

Isa namang netizen ang nag-post ng screenshot mula sa isang website ng nasabing larawan ni Pangulong Duterte kasama ang health workers.

Makikita sa petsa na noong "March 2017" ito lumabas.

Nakalagay sa mensahe ng netizen: “Hoyy ANDY VELON DILAWAN kang dako ,ayaw patakag post dira,Kaklaro anang 2017 pana..PASAGPA KA??? [pouting face, serious face with symbols covering mouth, pouting face emoji]
#FAKENEWSisREAL [thumbs down emoji]

Translation: Hoyy ANDY VELON DILAWAN kang malaki, huwag kang mag-post ng mali, ang linaw 2017 pa ‘yan. PAPAPASAMPAL KA???

Continue reading below ↓

Makikita rin ang kahalintulad na larawan sa artikulo ng Tempo, isang tabloid, na may petsang March 4, 2017.

PEDDLERS OF FAKE NEWS

Sa bagong batas na pinirmahan ni Pangulong Duterte, ang Bayanihan to Heal as One Act (Republic Act 11468), nakasaad dito ang mahigpit na parusa laban sa mga magpapakalat ng pekeng balita.

Continue reading below ↓

Nakalagay sa nasabing probisyon (Section 6F): “Individuals or groups creating, perpetrating, or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms, such information having no valid or beneficial effect on the population and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear or confusion.

“Those participating in cyber incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on public through scams, phishing, fraudulent emails or other similar acts.”

Ang mga mapatutunayang nagpapakalat ng fake news ay maaaring makulong ng dalawang buwan at magbabayad ng multang P10,000 hanggang P1 million.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Davao City Mayor Sara Duterte: "Our common enemy is toxic and deadly enough. We should not allow our common resolve to overcome this health crisis be poisoned by the political toxicity of those who are against the government.”
PHOTO/S: Courtesy: Senator Bong Go / City Government of Davao on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results