Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Local officials condemn stoning of house of family with COVID-19: "Lambunao, we are better than this."

by Arniel C. Serato
Apr 6, 2020
Local authorities in Iloilo province strongly condemn the stoning of the home of a family infected with COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: Province of Iloilo on Facebook

Pinagbabato ang bahay ng isang pamilya matapos pumutok ang balita na anim sa mga miyembro nito ay may COVID-19.

Habang inuulan ng bato ang bahay, nasa loob ang buong pamilya.

Nangyari ito sa Lambunao, Iloilo, noong Biyernes ng gabi, Abril 3.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin kahapon, Abril 5, anim na miyembro ng isang pamilya sa Lambunao ang nagpositibo sa COVID-19, at ang isa sa kanila ay namatay na.

Nagpositibo sa virus ang ina, 70 taong gulang; tatlong anak na babae na may edad 48, 44, at 39; at ang anak na lalaking edad 41.

Ang 70-ayos na padre de pamilya ay pumanaw noong March 29.

Mahigpit na tinuligsa ng pamahalaang bayan ng Lambunao, Iloilo, ang pambabatong ginawa ng ilang residente.

THE FAMILY GAVE CONSENT TO RELEASE THEIR NAMES

Binigyan ng pamilya ng pahintulot si Lambunao Mayor Reynor Gonzales na ihayag sa publiko ang kanilang pagkakakilanlan upang makapag-ingat agad ang kanilang mga nakasalamuha.

Continue reading below ↓

Ngunit matapos maisapubliko ang kanilang pangalan, doon na pinagbabato ang kanilang tahanan.

Kinondena ni Mayor Gonzales ang insidente kunsaan sangkot ang ilang residente ng kanyang siyudad, ngunit ito ay nanawagan din.

Ayon sa ulat ng Iloilo Metropolitan Times noong April 5, hiningi ng alkalde na bigyan ng unawa ang pamilya dahil hindi nila hininging magkasakit sila.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Saad ni Gonzales sa wikang Ilonggo: “Akon gid ginapangabay ang pag-intyende sa mga biktima sang COVID-19 kay isa ini ka insidente nga wala ginapangayo sang bisan sin-o man.”

Translation: “Aking hinihingi ang pag-intindi sa mga biktima sa COVID-19 dahil ito ay isang insidente na hindi nila hinihiling o kahit ninuman.”

Pinapaimbestigahan na rin daw ng alkalde ang insidente.

Kinondena rin ni Provincial Board Member Jason Gonzales ang pambabato sa bahay ng pamilyang tinamaan ng COVID-19.

Pahayag ni Jason sa kanyang Facebook post: “They didn’t choose to get sick.

"Instead, they gave their consent to having their names published which helped allay the fears of the public about the 4 new cases of COVID19 infections in Lambunao.

Continue reading below ↓

“They don’t need stones. They need understanding and help.

“Lambunao, we are better than this.

"May this crisis bring out the best in us.”

Si Jason ay dati ring alkalde ng Lambunao.

Kinumpirma naman ni Vice Mayor Arvin Losaria sa Manila Bulletin na nasa loob ng bahay ang mga miyembro ng pamilya noong binabato ang kanilang tahanan.

Asymptomatic daw ang mga pasyente kaya naka-strict home isolation lamang ang mg ito hanggang sa maka-recover.

Mariing bilin at pakiusap ng Department of Health (DOH) na huwag mag-discriminate sa mga pasyenteng may COVID-19, ang mga Person Under Monitoring (PUMs) at Person Under Investigation (PUIs), at medical frontliners.

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Local authorities in Iloilo province strongly condemn the stoning of the home of a family infected with COVID-19.
PHOTO/S: Courtesy: Province of Iloilo on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results