Hindi basta nanahimik si Toni Gonzaga, 36, nang pagmumurahin siya ng isang netizen dahil hindi raw siya tumutulong sa mga apektado ng COVID-19.
Umani si Toni ng litanya ng akusasyon mula sa isang netizen matapos siyang magbahagi ng inspirational quote noong Sabado, April 4.
Sa quote card, inilarawan kung paano nawalan ng halaga ang "power, wealth, and beauty" dahil walang pinipiling biktimang dadapuan ang novel coronavirus.
Apektado raw ang sangkatauhan, habang nananatiling indestructible ang kapaligiran.
Walang inilagay si Toni na caption sa kanyang post.
NETIZEN REACTS
Hindi pasado sa isang netizen kung anuman daw ang realization ng Kapamilya TV host-actress.
Pang-aakusa ng netizen, hindi raw marunong si Toni magbahagi ng blessings nito sa mga taong nangangailangan.
Ikinumpara rin si Toni sa nakababatang kapatid na si Alex Gonzaga, na nagsagawa ng relief operations dalawang linggo ang nakararaan.
Tuluy-tuloy na komento ng netizen: "T*ng in* toni puro ka ganyan wala kami nababalitaan na tumulong ka na sa mga nangangailangan puro si alex lang marunong tumulong sa kapwa.
"Pinayaman ka ng taon bayan sa pag suporta sayo matuto ka magbalik palibahsa nakahiga ka sa pera nakakain ka ng masarap nakakatulog ka ng mahimbing
"mga kapwa mo pilipino kahit kailan wala ka tulong mahiya ka
"proud ka pa ipakita sa Instagram mo na kumakain ka ng masarap habang maraming namamatay na pilipino
"t*ng *n* wala ka silbi"
NO NEED FOR "VALIDATION"
Sinagot ni Toni ang panghuhusga sa kanya.
Aniya, hindi kailangang ipangalandakan sa social media kung anuman ang ginagawa niyang pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.
"so much hate in your heart. I hope the lockdown will make u reflect on how you speak to others.
"I NEVER broadcast the help we give. I don't need your validation and praise for it.
"Some people can work and help in silence. Respect that.
"Not everything is publicized like how u want it."
Payo pa ni Toni sa hindi magandang pananalita ng netizen: "After washing your hands today wash your mouth also.
"It badly needs it."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi na makikita sa Instagram feed ni Toni ang post na ito.