DOJ receives complaint against Senator Koko Pimentel over Makati Med visit

by Jet Hitosis
Apr 6, 2020
Atty. Rico Quicho (left) has filed a formal complaint against Senator Koko Pimentel (center) over the lawmaker's breach of quarantine protocols when he went to Makati Medical Center as a Person Under Investigation (PUI). Department of Justice Secretary Menardo Guevarra (right) has announced that "the Justice Department will apply the law fairly and uniformly."
PHOTO/S: Rico Quicho, Koko Pimentel on Facebook, Presidential Communications Operations Office

Naihain na ang reklamo sa Department of Justice (DOJ) laban kay Senator Aquilino “Koko” Pimentel III.

Kaugnay ito ng maituturing na paglabag ng 56-anyos na senador sa quarantine protocols ng Department of Health (DOH).

Ito ay matapos magtungo sa Makati Medical Center (MMC) si Senator Pimentel kahit isa na siyang Person Under Investigation (PUI).

Ngayong Lunes, April 6, kinumpirma ni Atty. Rico Quicho na naipadala na niya sa DOJ ang kanyang “Letter-Complaint” laban sa senador.

Ini-email raw ito ng abogado sa DOJ bago magtanghali ngayong Lunes.

Tinotoo ni Atty. Quicho ang banta niyang kakasuhan ang dating Senate President upang papanagutin sa kasalanan nito.

VIOLATION OF MANDATORY REPORTING OF NOTIFIABLE DISEASES

Sa isang Facebook post, sinabi ng abogado na idinedetalye ng kanyang letter-complaint ang “clear facts and circumstances that establish his [Senator Pimentel] direct violation of RA No. 11332 and its implementing rules and other DOH regulations.”

Ang Republic Act 11332 ay ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events.

Continue reading below ↓

Alinsunod sa Section 9 (d) ng RA 11332, ipinagbabawal ang “non-cooperation of persons or entities that should report and/or respond to notifiable diseases or health events of public concern;”

May parusa rin sa (e) “non-cooperation of the person or entities identified as having the notifiable disease, or affected by the health event of public concern.”

Ang mga mapatutunayang lumabag sa batas na ito ay pagmumultahin ng PHP20,000 hanggang PHP50,000, o makukulong ng isa hanggang anim na buwan, o pareho, depende sa pasya ng korte.

ONLINE PETITION GETS 200,000+ SIGNATURES

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Atty. Quicho sa pamamagitan ng private messaging, nilinaw ng abogado na siya lang ang naghain ng complaint laban kay Senator Pimentel.

Pero katuwang daw niya ang ilang abogado at law students sa paghahanda sa mahahalagang detalyeng nasa letter-complaint na magpapatibay sa kanilang argumento.

“My law office lawyers, associates, law students and lawyer friends, they helped in the research and study of the facts, evidence and jurisprudence,” paliwanag ni Atty. Quicho.

Continue reading below ↓

“But I am the only one filed it together with around 200k signatures in the change.org petition," dagdag niya.

Tinukoy ng abogado ang petisyong “Expel Koko Pimentel from the Senate and Charge Him with Violation of RA9271 and RA11332” sa Change.org.

At press time, mayroon nang 200,894 signatures ang online petition.

“We are one with the Filipino people in condemning negligent and reckless acts which expose the public, especially our health workers to unnecessary risks,” bahagi ng post ni Atty. Quicho.

"As a lawyer and advocate of the rule of law, I cannot in good conscience allow the reckless actions of Senator Koko Pimentel to be brushed aside so easily.

“He blatantly violated laws, which put the lives and health of frontliners and even ordinary citizens at grave risk.”

Ayon kay Atty. Quicho, sa kabila ng pag-amin ni Pimentel sa kanyang pagkakamali, walang nangyayari: “yet because of his position, he is still not being made accountable.”

Continue reading below ↓

SENATOR KOKO SAYS HE HAS YET TO READ THE COMPLAINT

Nang hingan ng komento, sinabi ni Senator Pimentel na wala pa siyang kopya ng letter-complaint ni Atty. Quicho.

Quoted ng Senate reporters si Pimentel: “Haven't read it.

“Sana to be fair to me, he [Atty. Quicho] furnishes me with a copy so I can answer/respond."

Continue reading below ↓

Dahil dito, umaasa ang dating Senate President na ang DOJ ang magbibigay ng kopya ng complaint sa kanya.

“DOJ, I think, will find a way to give me a copy,” dagdag ni Senator Koko.

“Bago kasi itong email filing. I am not familiar with the procedure.”

THE MAKATI MED TRIP

March 24 ng gabi nang ihatid ni Senator Pimentel sa MMC ang asawang si Kathryna Yu-Pimentel para magsilang ng kanilang baby girl.

Umaga ng March 25, inianunsiyo ni Pimentel na positibo siya sa coronavirus disease o COVID-19.

Ayon sa senador, natanggap niya ang resulta ng COVID-19 test sa kanya noong March 24 ng gabi.

Nang mga oras na iyon, nasa MMC si Pimentel.

Lumabas ang test result apat na araw matapos siyang magpa-swab test nitong March 20.

Batay sa DOH guidelines, pagkatapos magpasuri ang isang tao para sa COVID-19, dapat istriktong naka-quarantine ito nang 14 na araw.

Sa isang pahayag, kinondena ng MMC ang “irresponsible and reckless action" ng mambabatas.

Continue reading below ↓

Naglabas ng public apology ang senador, na tinanggap naman ng ospital.

Pero kinabukasan, March 26, kinumpirma ng S&R, isang malaking membership grocery, na namili si Pimentel sa branch nila sa BGC sa Taguig City noong March 16.

Batay sa naunang pahayag ng senador sa media, nang mga panahong iyon ay nagsisimula na siyang makaramdam ng mga sintomas ng COVID-19.

COVID-19-POSITIVE SENATOR KOKO ENRAGES NETIZENS

Dumagsa ang pambabatikos kay Senator Pimentel sa social media.

Nais ng mga galit na galit na netizens na papanagutin ang senador sa paglabas nito ng bahay kahit alam na may posibilidad na positibo ito sa virus.

Ilan ang nanawagan na magbitiw si Senator Koko sa tungkulin at sampahan ng kaso.

Pero umapela si Justice Secretary Menardo Guevarra ng “compassion” para sa mga lumalabag sa batas “during abnormal times like this.”

Gayunman, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong April 1 na iniimbestigahan nila ang senador sa posibleng quarantine protocol violations.

Continue reading below ↓

Ang NBI ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng DOJ.

Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, pagpapaliwanagin nila si Pimentel kapag gumaling na ito sa COVID-19.

DOJ SAYS IT “WILL APPLY THE LAW FAIRLY, UNIFORMLY”

Sa panig ng DOJ, sinabi ni Justice Secretary Guevarra na magiging patas ang gagawin nilang preliminary investigation sa reklamo ni Atty. Quicho.

“We assure everyone that the Justice Department will apply the law fairly and uniformly, regardless of the status of the respondent, with due respect at all times to the rights of the respondent,” saad sa press statement ng kalihim.

Si Pimentel ang presidente ng ruling party na Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Miyembro ng PDP-Laban si Pangulong Rodrigo Duterte, at malapit niyang kaalyado ang senador.

Nilinaw rin ni Justice Secretary Guevarra na hiwalay ang reklamo ni Atty. Quicho sa imbestigasyong ginagawa ng NBI laban sa senador.

Ayon sa kalihim, itatakda ng DOJ “immediately” ang preliminary investigation sa complaint ni Atty. Quicho.

Continue reading below ↓

“The Justice Department will immediately schedule the preliminary investigation on such date as may be appropriate, considering the current lockdown in Metro Manila,” patuloy ni Secretary Guevarra.

Alinsunod sa legal proceedings, pagkatapos tanggapin ang complaint ay isasalang ito sa preliminary investigation.

Sa preliminary investigation, aalamin ng mga prosecutor kung may probable cause na ginawa nga ng respondent, o inirereklamo, ang ibinibintang sa kanya.

Kung walang probable cause, irerekomenda ng prosecutor na ibasura ang complaint.

Kung may probable cause, hihingian ng counter-affidavit ang respondent para idepensa ang kanyang sarili.

Pagkatapos masuri ang mga argumento at dokumento ng magkabilang panig, magpapasya ang prosecutors kung dapat bang kasuhan at litisin sa korte ang respondent.

Pero bago pa ideklara ang enhanced community quarantine sa Luzon, ipinag-utos ni Secretary Guevarra ang suspensiyon ng preliminary investigation sa mga reklamong idinulog sa prosecution offices.

Ngunit dahil mismong ang kalihim na ang nagbanggit na sisimulan kaagad ang paunang imbestigasyon, posibleng magbigay ang DOJ ng exemption sa reklamo ni Atty. Quicho.

Continue reading below ↓

ATTY. QUICHO AND SENATOR PIMENTEL

Si Atty. Quicho ay dating dean ng University of Makati School of Law.

Ang abogado ay dati ring spokesman ni Vice President Jejomar Binay.

Taong 2014 nang pangunahan ni Senator Pimentel ang imbestigasyon ng Senado sa iba’t ibang corruption allegations laban sa pamilya Binay.

Si Pimentel noon ang chairman ng Senate Blue Ribbon sub-committee na nagsiyasat sa mga reklamo laban sa mga Binay.

Nagsimula ang imbestigasyon sa umano’y overpriced Makati City Hall II Parking Building.

Tumagal nang mahigit isang taon ang naturang Senate probe.

Isa ito sa pinakamahabang imbestigasyon sa kasaysayan ng Upper Chamber.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atty. Rico Quicho (left) has filed a formal complaint against Senator Koko Pimentel (center) over the lawmaker's breach of quarantine protocols when he went to Makati Medical Center as a Person Under Investigation (PUI). Department of Justice Secretary Menardo Guevarra (right) has announced that "the Justice Department will apply the law fairly and uniformly."
PHOTO/S: Rico Quicho, Koko Pimentel on Facebook, Presidential Communications Operations Office
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results