JK Labajo stops search for German father: "His bio says ‘Life is beautiful.’ He definitely doesn’t want me to be part of it.”

by Bernie V. Franco
Apr 6, 2020
For many years, singer JK Labajo (left) tried to reach out to his German biological father, Oliver Stolz (right). But JK says he realizes now that his father does not want to even communicate with him. JK has given up.
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Tinatapos na ni JK Labajo ang ilang taong paghahanap niya sa kanyang biological father.

"This concludes the end of my search," mensahe ng 19-year-old singer sa kanyang Instagram Story nitong weekend.

Dahil 24 hours lamang ang itinatagal ng posts sa Instagram Story, hindi na makikita ang mga mensahe ng singer tungkol sa paghahahanap sa tunay na ama.

Pero may mga netizen na nakapag-screenshot ng ibang mensahe ni JK, at ni-repost ang mga ito sa Twitter.

JK LABAJO LONGING FOR FATHER’S LOVE

Nakilala si JK dahil sa singing search program ng ABS-CBN na The Voice Kids Season 1 noong 2014, kung saan naging third placer siya.

Sa kanyang interviews noon, madalas sabihin ni JK ang kagustuhang makilala ang kanyang biological father—isang German na nagngangalang Oliver Stolz.

Ayon kay JK, iniwan sila ng kanyang ama noong sanggol pa lamang siya.

Ang kanyang ina ay isang Pilipina na taga-Cebu, na siyang nagpalaki kay JK.

Continue reading below ↓

Pero binawian ng buhay ito noong 2013 sa sakit na cancer.

Nang mamatay ang ina, kinupkop si JK ng maternal grandmother niyang si Erlinda Labajo.

Pahayag pa ni JK sa TV Patrol interview niya noong September 2014: “I want the love mismo from my father. The care from my father.

“Simula noon po, ano po talaga, gusto ko po talaga siya makita.

“Pero hanggang ngayon po, walang nangyari,”

Ang tanging ipinapakita noon ni JK sa interviews ay ang bitbit na lumang larawan ng ama.

JK REACHES OUT TO DAD

Hanggang nitong weekend, inilahad ni JK na nakahanap siya ng paraan upang magkaroon ng komunikasyon sa ama.

Pero mukhang walang intensiyon ang kanyang ama na kausapin ang young singer.

Lahad ni JK, “I have been looking for my father for years now, and I have tried everything possible to look for him.

“It’s not as simple as a facebook search.”

Ang nalaman daw niya ay nakatira ang ama sa Munich, Germany.

Continue reading below ↓

Noon nga raw ay nakuha niya ang contact number ng ama, pero wala siyang nakuhang sagot nang kontakin ito.

Kamakailan, nakahanap siya ng paraan para magkaroon muli ng ugnayan sa ama.

Pero hindi naging maganda ang resulta ng tangka niyang pagkontak sa ama.

Ani JK sa Instagram Story: “Years ago natulungan ako ni kuya bonnie ko na mahanap ang number ng tatay ko.

Continue reading below ↓

“We have been trying to reach out to him, but got no response.

“Two days ago, someone who was helping me find him found out that he made a whatsapp account around November last year.

“I messaged him two days ago asking if he was Oliver Stolz. The messages got delivered.

“Today, I tried to message him again just to see that he blocked me.”

Continue reading below ↓

Ayon kay JK, hindi siya nasaktan o nalungkot na hindi niya kasama ang ama sa kanyang paglaki dahil na rin sa pagmamahal ng ina, tito, at lola niya.

Pero aniya, “Ang pinakamasakit lang para sa akin ay yung wala siya sa mga panahong sobrang kinailangan siya ng nanay ko.

“Hanggang sa huli niyang hingalo, hindi man lang siya nagpakita.”

Continue reading below ↓

Pangongonsensiya pa ni JK sa ama: “wag mong takasan ang iyong responsibilidad.”

Dahil wala pa rin siyang nakuhang sagot mula sa ama, para kay JK, indikasyon ito na tapos na ang paghahangad niyang makilala ang ama.

“This concludes the end of my search.

“His bio says ‘Life is beautiful.’

“I guess he has a family now and he definitely doesn’t want me to be part of it.”

Continue reading below ↓

Sa huli, nagpasalamat si JK sa lahat ng tumulong sa paghahanap niya sa kanyang biological father.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
For many years, singer JK Labajo (left) tried to reach out to his German biological father, Oliver Stolz (right). But JK says he realizes now that his father does not want to even communicate with him. JK has given up.
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results