President Duterte “inclined” to extend lockdown until April 30

by Arniel C. Serato
Apr 7, 2020
President Rodrigo Duterte says his Inter-Agency Task Force for Managing of Infectious Diseases recommends a ockdown extension in the National Capital Region for another 15 days.
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communications on Facebook

Posibleng ma-extend hanggang April 30 ang enhanced community quarantine sa Pilipinas.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrrigo Duterte sa kanyang address to the nation ngayong Lunes ng gabi, April 6.

Bago pa magtapos ang enhanced community quarantine sa April 14, may usap-usapan nang baka palawigin ng gobyerno ang lockdown.

Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19.

Kinumpirma ng Pangulo ang posibilidad na ito sa kanyang televised speech kanina.

Ayon kay Duterte, napag-usapan nila sa Inter-Agency Task Force for Managing of Infectious Diseases (IATF-MID) na baka i-extend ang lockdown ng dalawa pang linggo.

Pahayag ng Pangulo bago matapos ang kanyang talumpati: “If you really want to know, we have discussed it actually even before this.

"We are inclined to extend the lockdown up to April 30.

“Tingnan natin after that.

“In the meantime, magdu-double time kami.”

Ito rin ang suhestiyon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

Continue reading below ↓

Saad ni Año sa panayam ng ABS-CBN News, “As far as I am concerned, I think it’s better to continue the lockdown until we have flattened the curve so we will not have any relapse.

"If we did not do the lockdown, the projection would be about 20,000 plus by now.”

Ayon naman kay Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Carlito Galvez Jr., mas makabubuti sa bansa ang pag-extend ng lockdown.

Si Galvez ang chief implementer ng enhanced community quarantine.

Saad niya sa panayam ng DZBB Radyo Na, TV Pa: “Maganda po ang nagawa ng lockdown. Na-slow down… ang spread ng virus.

“With that, nakita namin na malaki ang possibility na magkakaroon ng lockdown ng 15 more days.”

Ito rin ang paniniwala ng scientist na si Dr. Darwin Bandoy, assistant professor sa College of Veterinary Medicine University of the Philippines-Los Baños.

"If we remove the enhanced community quarantine on April 13 and will resume to normal activity at April 14, the epidemic curve would rise again.

Continue reading below ↓

"So, based on these predictive models, I wouldn't recommend removing it so it should be extended..." pahayag ni Dr. Bandoy sa panayam ng ANC.

Sa datos ng Department of Health ngayong araw, nakapagtala ang kagawaran ng 414 bagong COVID-19 positive cases.

May kabuuang 3,600 COVID-19 positive cases na sa Pilipinas.

Mayroon namang nadagdag na 9 recoveries kaya umabot na ang numero ng gumaling sa COVID-19 sa 73.

May 11 new deaths naman, kaya umabot na ang kabuuang bilang ng namamatay sa 163.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
President Rodrigo Duterte says his Inter-Agency Task Force for Managing of Infectious Diseases recommends a ockdown extension in the National Capital Region for another 15 days.
PHOTO/S: Courtesy: Presidential Communications on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results