What quarantine has made celebrities realize

by Rose Garcia
Apr 7, 2020
(L-R) Glaiza de Castro, Roxanne Barcelo, Derek Ramsay, Gelli de Belen, and Dimples Romana reveal how the enhanced community quarantine has affected their lives and their outlook in life.
PHOTO/S: Instagram

Mahigit isa't kalahating buwan—o anim na linggo na—ang itatagal ng Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw, April 7, ang pagpapalawig ng quarantine dahil sa COVID-19.

Nagsimula ito noong March 17 at magtatagal na hanggang April 30.

Katulad ng mga ordinaryong Pilipino, apektado ng quarantine ang mga artista.

Kung dati-rati ay tila kulang ang isang araw sa patung-patong na trabaho nila sa showbiz, ngayon ay kasama sila sa milyun-milyung Pilipino na nananatili sa kani-kanilang tahanan.

Sa pamamagitan ng social media, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang ilang mga artista kung ano ang nagiging aral at realization nila sa pandemic na nakaapekto sa buhay ng halos lahat ng tao sa mundo.

Ito ang kanilang mga sagot...

GLAIZA DE CASTRO

Na minsan may mga bagay tayong nate-take for granted tulad ng oras sa pamilya.

Dahil sa quarantine, mas na-appreciate ko yung time ko kasama ng mga magulang ko, at makasama sila na wala akong ibang iniisip na gagawin kundi ang pasayahin sila sa simpleng paraan.

Continue reading below ↓

Na ang daming pwedeng matutunan na hindi ko natutunan kapag busy ako sa trabaho, tulad ng pagluluto at pagpintura ng bahay.

At masaya ang simpleng pamumuhay.

ANDREA TORRES

Marami pong realizations. Kung isa-sumarize ko, siguro it’s learning to appreciate the little things again.

This situation puts us in a place where we’re back to basics.

Continue reading below ↓

Sa sobrang daming devolopments at sobrang siksik ng araw-araw natin, minsan hindi na natin napapansin, di ba?

Marami rin akong nabalikang hobbies na parang high school pa ako nung huli kong ginawa.

Siyempre, nandoon din yung nakahabol ng bonding time with parents, with yourself and the Lord.

Mas lumalim din yung pagpapahalaga sa mga simpleng bagay, simpleng gesture at yung mga relationships mo.

Dapat talaga we live life to the fullest and make each day count.

Dito mo makikita kung gaano ka-precious ang buhay kaya, I think, after this, we will all come out as better people. Mag-iiba yung approach natin sa buhay.

Continue reading below ↓

SUNSHINE DIZON

Our situation right now is the great equalizer.

Marami na sa atin siguro ang nakalilimot na din, kaya baka isa itong paraan ng Diyos upang muli natin maalala na hindi natin kaya mag-isa at wala tayong ibang makakapitan kung hindi si Jesus lang.

Ngayon din natin malalaman kung sino at anong klase ba tayong mga tao.

Maiisip mo rin kung tama ba ang mga taong niluklok natin sa puwesto.

Continue reading below ↓

PAUL SALAS

Na-realize ko na first time ko, after ilang months, ulit na makipag-bond sa family ko 24/7.

Yung mga things na hindi ko nagagawa dati na nagagawa ko na, tulad ng paghugugas ng plato.

Yung mga yaya, pinauwi muna namin sa kanilang pamilya, dahil sa panahon ngayon, kailangan lang na ang makasama mo ay ang pamilya mo.

Magdasal, and pinaka-narealize ko talaga is appreciate what you have kahit small thing lang ‘yan.

Continue reading below ↓

BENJAMIN ALVES

We have some of the bravest Filipinos working at the frontlines.

ANGELU DE LEON

I realized we should take the things one day at a time. No need to over analyze everything.

I also realized I needed to make new habits.

We all adjusted to the situation right away.

Continue reading below ↓

I also stopped reading every news about COVID and always double check news site.

As much as possible, dedma ko ang mga fake news and I also verify the source.

I also saw and focused on the good that this quarantine brought us.

DEREK RAMSAY

I realized how we have taken for granted the important things in life and how we only turn to our Lord when we are in fear.

Continue reading below ↓

Money shouldn’t be the most important thing in life.

Our faith in the Lord, our families and our health is more important.

JERALD NAPOLES

Naisip ko kung paano tayo ibinalik sa basic.

Hindi mahalaga ngayon ang bagong sapatos at damit.

Ang mahalaga ngayon, yung sardinas na bihira natin hawakan na sa grocery, yung yakap na di natin magawa sa mga mahal natin.

Continue reading below ↓

Yung kalayaang makapunta sa mga lugar na gusto nating puntahan.

At higit sa lahat, yung health natin na naba-bypass ng mga material priorities natin sa life.

Na-realize ko na rin na, after this, iba na ang disposition ng tao.

"ba na tayo pagkatapos nito. Para tayong nadala.

Marami na ang mas magtatrabaho para makapag-ipon, marami na ang pahahalagahan ang kalinisan.

At alam natin na ang buhay, maaaring mawala anytime.

Pero, malalagpasan natin ito. Naghi-heal lang si Mother Earth.

Sabi ko nga sa isang status, 'Ah wala kayong respeto sa Akin ha!! Pwes pasok!! Walang lalabas! Ang lumabas makakatikim!'

Continue reading below ↓

ROXANNE BARCELO

Realization in general is that, no matter what, my loved ones are top priority.

Time and again, in trying times, ‘yan ang lagi kong naiisip.

You must fiercely protect your joy and the joy of those you love.

Being understanding and patient during these times will help build a harmonious and lasting relationship.

Continue reading below ↓

GELLI DE BELEN

I realized that you may have lots of friends, lots of followers on social media, you may have power, and all that is tangible, but without your health, all worldy possessions and fame mean nothing.

We all knew this, but now it is so real.

RYZA CENON

Na-realize ko na napapagod din pala ang Mother Earth sa ating lahat.

Continue reading below ↓

Kung paano natin po siya inabuso kaya ganito ang nangyari.

Siya na gumawa ng paraan para makahinga nang maluwag, na pinapasok niya tayong lahat, ang buong mundo para makahinga sya.

Kaya sana maging lesson din sa atin pong lahat na after nito, huwag natin abusuhin ang Mother Earth

Alagaan natin po para protektahan din niya tayo.

Continue reading below ↓

PAULEEN LUNA

I realized that we should really cherish and appreciate each moment with our loved ones.

AIKO MELENDEZ

It’s the time to pause.

Because I’m used ng life na fast-paced, so now, I get to reflect more and be more sensitive with the small things around me.

I get to appreciate the beauty of life amidst life chaos now.

Continue reading below ↓

And the time I get to spend with family is priceless and my Time with the Lord.

I appreciate Him more because Im blessed to be alive.

KATRINA HALILI

Naisip ko po na after this quarantine, sana magkaroon tayo ng kahit once-a-week na quarantine para less pollution and quality time for your love ones.

Continue reading below ↓

KRIS BERNAL

I valued and appreciated more the things that money can’t buy such as time, peace, manners, true friends, and health.

Continue reading below ↓

DIMPLES ROMANA

Sa mga panahon na ito, we truly and fully realize the importance of helping one another.

Yung time kasama ng pamilya at mga kaibigan.

Kung gaano ka-importante to take care of our health and our environment.

GLADYS REYES

I realized that you can do a lot of things with your family at home and God will always provide.

Continue reading below ↓

SUNSHINE CRUZ

I’d rather be sick, ‘wag lang ang mga bata.

Though we followed social distancing sa bahay, I slept na kasi with them the night after I found out na need ko mag-self-quarantine.

Been praying hard na sana nga, we will be okay, kasama pati mga kasambahay namin na madalas kong kachikahan at kasama magluto.

Continue reading below ↓

OGIE ALCASID

Life is really a gift from God and we should not take it for granted. The material things around us have no value.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Glaiza de Castro, Roxanne Barcelo, Derek Ramsay, Gelli de Belen, and Dimples Romana reveal how the enhanced community quarantine has affected their lives and their outlook in life.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results