Dimples Romana: "Magkita-kita tayo pagkatapos ng unos na ito."

Video: James Patrick Anarcon.

Nagbigay ng mensahe ng pag-asa ang Kapamilya actress na si Dimples Romana.

Katulad ng lahat ng nakakaranas ng krisis na dulot ng COVID-19, nasa bahay lang si Dimples at ang kanyang pamilya.

Nagpaunlak naman ng maikli ngunit makabuluhang mensahe ang mahusay na aktres nang hingan siya nito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa kanyang maikling mensahe, hinikayat niya ang lahat na patuloy na magdasal at palakasin ang loob ng isa't isa.

Nagpasalamat din si Dimples sa lahat ng frontliners at iba pang nagsasakripisyo na malayo sa kani-kanilang mga pamilya't mahal sa buhay para lang makapagbigay-serbisyo sa komunidad.

Heto ang kabuuan ng mensahe ni Dimples:

"Ito pong mga nakaraang araw ay hindi naging madali para sa ating lahat.

"Sabay-sabay po tayong nagdarasal para sa isa't isa.

"Kadalasan po, nakakaramdam tayo ng pag-aalala, hindi lang para sa ating mga sarili kundi para din sa ating mga pamilya at sampu pa ng ating mga kababayan sa ating mga komunidad.

Continue reading below ↓

"Sa bawat araw po na dumadaan ay nagdadasal ako na ang aking mga anak ay mayroong magandang kinabukasan na hinaharap.

"Nagdadasal po ako na sana ay protektado ang bawat pamilya ko na nandidito sa tahanan at ang mga pamilya ko na malayo sa amin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kasama pa po ang libu-libong mga taong patuloy na nagsasakripisyo para sa ating lahat ang atin pong mga minamahal at magigiting na frontliners.

"Lahat po ng araw-araw ay patuloy na lumalabas at nalalayo sa kanilang mga pamilya para makapagbigay ng serbisyo sa atin at sa ating mga komunidad, lubos po ang aking pasasalamat.

"Kaya naman po sa araw-araw na dumadaan, kasama kayong lahat sa aking mga dasalin.

"At sana dumating ang araw na muli po tayong makalabas ng ating mga tahanan at mayakap ang ating mga minamahal nang mahigpit, mahalikan sila, at masabi sa kanila kung gaano sila kaimportante sa ating buhay.

"Sana po ay patuloy nating palakasin ang loob ng isa't isa.

Continue reading below ↓

"Mabuhay po kayong lahat at magkita-kita tayo pagkatapos ng unos na ito."

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results