Ella Cruz calls current setup with Julian Trono LDR (LockDown Relationship)

by Jojo Gabinete
Apr 8, 2020
Ella Cruz's prayer amid COVID-19 pandemic: Sana mawala na ang COVID-19 at gumaling na sana ang lahat ng may sakit. Yung health ng family and friends ko ang ipinagdarasal ko. Sana, walang magkasakit sa amin at nagdarasal din ako na may makain ang lahat."
PHOTO/S: Instagram

Mula nang magsimula ang acting career ni Ella Cruz bilang child actress, nasanay na siyang maraming ginagawa sa araw-araw.

Kaya sa kauna-unahang pagkakataon, dahil sa enhanced community quarantine, naranasan niyang manatili nang matagal sa loob ng bahay.

Para malibang at hindi masayang ang kanyang oras, may routine na sinusunod si Ella para sa sarili at sa kanyang mga tagahanga.

"I play video games, I stream, and I watch Netflix with my family po.

"Nagbi-video call ako with my friends every day.

"Nagwo-workout din ako because I’m trying to improve my flexibility.

"Almost every other day rin ang live chat ko para kumustahin naman fans ko," pahayag ng 23-year-old Viva actress sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, April 7.

Hindi lamang ang fans niya ang regular na nakakausap ni Ella.

May constant communication din sila ng kanyang rumored boyfriend na si Julian Trono, sa pamamagitan din ng video call.

Continue reading below ↓

"LDR" ang tawag ni Ella sa current situation nila ni Julian—LDR for Lockdown Relationship, hindi Long Distance Relationship.

ELLA'S PRAYER

Ang masugpo ang COVID-19 para muling bumalik sa normal ang buhay ng lahat ang taimtim na ipinagdarasal ni Ella.

Pahayag niya, "Ipinagdarasal ko po every night na, sana, matapos na itong crisis na’ to.

Continue reading below ↓

"Sana mawala na ang COVID-19 at gumaling na sana ang lahat ng may sakit.

"Yung health ng family and friends ko ang ipinagdarasal ko.

"Sana, walang magkasakit sa amin at nagdarasal din ako na may makain ang lahat."

Dagdag ni Ella, "Right now, I'm with my family, spending time with them, and still trying to be productive.

"We should always be cautious pagdating sa health natin.

Ayon kay Ella, may "good side at bad side" ang COVID-19 crisis na nangyayari ngayon sa buong mundo.

"Isa po sa good thing ay nakasama ko na ulit ang family ko for the longest time, at ang bad side naman is siyempre maraming tao ang naghihirap kasi wala silang makain.

"Higit sa lahat, marami ang nagkakasakit at nawawalan ng buhay dahil sa COVID-19."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ella Cruz's prayer amid COVID-19 pandemic: Sana mawala na ang COVID-19 at gumaling na sana ang lahat ng may sakit. Yung health ng family and friends ko ang ipinagdarasal ko. Sana, walang magkasakit sa amin at nagdarasal din ako na may makain ang lahat."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results