Netizens rain insults on 4Ps woman who says P8K amelioration/month not good enough 

by Arniel C. Serato
Apr 8, 2020
Keanna Reeves (left) on Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary Alma Aquino (R): "Pwd bang bawiin nalang din tong 8k na binigay kay ate? Kasi nakakahiya naman kay ate... Ang sweldo daw kasi n’ya 50k a month kaya yong tulong ng gobyerno na 8k kulang daw!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Keanna Duterte Reeves on Facebook / Courtesy to the owner

Isang linggo lang daw ang itatagal ng P8,000 na social amelioration grant ng pamahalaan.

Ito ay ayon sa isang miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na kabilang sa benepisaryo ng ayudang ito.

Ang P8,000 ay bahagi ng P200B na pondong ilalabas ng gobyerno para tulungan ang informal workers at poorest of the poor ngayong pinalawig pa lalo ang Luzon-wide enhanced community quarantine hanggang April 30.

Pero ayon sa miyembro nilang si Alma Aquino, hindi kasya sa isang buwan ang P8,000 para sa kanilang pamilya.

"Mga ano nga lang yun, mga one week lang 'ata," sagot nito sa panayam ng GMA News reporter na si Tina Panganiban-Perez para sa 24 Oras kagabi, April 7.

Walong katao ang kabilang sa household ni Alma, kaya hindi raw magkakasya ang walong libong piso sa loob ng isang buwan.

Continue reading below ↓

KULANG NGA BA ANG p8K A MONTH?

Ang video clip ng panayam ng 24 Oras sa 4Ps member ay kumalat sa social media matapos itong ibahagi sa Facebook page na Most Viral Videos.

Nakalagay sa post: “4P’s Beneficiary 8,000 pesos for 1 week KULANG?"

Sa kasalukuyan, mayroon na itong lagpas sa 800,000 views, 11,000 comments, at 22,000 shares.

Continue reading below ↓

Liban sa netizens, may personalities din nagkomento rito.

Karamihan sa kanila ay nainis sa aleng miyembro ng 4Ps na tila hindi kuntento sa pinansiyal na tulong ng pamahalaan.

Pasaring ng sexy comedienne na si Keanna Reeves, "nakakahiya" naman sa 4Ps member ang tulong na P8K dahil ang sweldo raw kasi nito ay "50k a month."

Buong komento niya sa Facebook (published as is): “Kung may binawi na isang sakung bigas dahil nag post daw ang binigyan na “may makain na ang mga aso ko” kaya nagalit ang mga tao at pinatawag ni mayor!

"Pwd bang bawiin nalang din tong 8k na binigay kay ate?

"Kasi nakakahiya naman kay ate...

"Ang sweldo daw kasi n’ya 50k a month kaya yong tulong ng gobyerno na 8k kulang daw!!!

"Kawawa naman si ate, manager po kasi s’ya ng company tapos sinama n’yo s’ya sa listahan ng mga poorest??? Hahahahahahahahahahaha!”

Continue reading below ↓

Ang social media personality namang si Senyora ay nagpa-survey sa kanyang Facebook ngayong araw, April 8.

Tanong niya sa kanyang followers: "Ano sa tingin n’yo ang breakdown ng 1 week na gastos nila Aling Alma?"

Sa loob lamang ng dalawang oras, umani na ito ng 39,000 likes,13,000 comments, at halos 10,000 shares.

Continue reading below ↓

Inulan din ng batikos at pang-iinsulto ang 4Ps member:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Keanna Reeves (left) on Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiary Alma Aquino (R): "Pwd bang bawiin nalang din tong 8k na binigay kay ate? Kasi nakakahiya naman kay ate... Ang sweldo daw kasi n’ya 50k a month kaya yong tulong ng gobyerno na 8k kulang daw!!!"
PHOTO/S: Courtesy: Keanna Duterte Reeves on Facebook / Courtesy to the owner
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results