Erik Santos during quarantine: “Nawala yung attachment ko sa material things."

by Bernie V. Franco
Apr 8, 2020
Singer Erik Santos talks about his realizations in the time of quarantine, and the "bold" things he plans to do when this crisis is over.
PHOTO/S: @eriksantos on Instagram

Hindi materyal na bagay ang mahalaga sa buhay.

Ito raw ang napagtanto ni Erik Santos, 37, sa gitna ng COVID-19 pandemic na nararanasan ngayon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

“Nawala yung attachment ko sa material things," sabi ng singer.

“Kahit gaano kadami yung pera mo, kahit gaano kagaganda yung gamit mo, hindi mo naman magamit, kasi lagi kang nasa loob ng bahay.”

Sinabi ito ni Erik sa Lunch with the Stars Live! ng Cornerstone Entertainment, via Facebook, nitong Martes, April 7.

Kaya naman pangako ni Erik sa sarili, gagawin niya ang mga hindi pa niya nagagawa sa oras na matapos ang krisis na ito.

May naiisip ba siyang gustong gawin kapag normal na ang lahat?

“Something na hindi ko pa nagagawa in my life,” sagot niya.

“Ayoko munang sabihin, pero marami akong naiisip—something bold.

“Something na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko.

“Life is short, so gawin mo na yung gusto mong gawin.”

Continue reading below ↓

ERIK LEARNS THE VALUE OF RELATIONSHIPS

Dahil sa enhanced community quarantine, na extended hanggang sa katapusan ng Abril, mas na-realize raw ni Erik kung gaano kahalaga ang oras kasama ang pamilya.

“Yung mas i-cherish mo yung relationships mo with your friends, relationship with your family.

“And then, [mas sa] experience ako now.

“Mas gusto kong mag-invest sa experience, sa magagandang experiences after nito.

“Yung mas gugustuhin kong mag-travel, kesa mas bumili ng mga bagay na alam mong panandalian lang, na hindi ganoon ka-permanente.”

Dugtong niya, “Kapag nagdadasal talaga ako, parang sabi ko, pag yung mag-isa lang ako, parang sabi ko, nakikita ko yung mga materyal na nabili ko na, dami ko ngang damit, di ko naman magamit.

“Marami nga akong shoes, hindi ko naman masuot.”

Nililimitahan din daw ni Erik ang panonood at pagbabasa ng anumang negatibo para sa kanyang peace of mind.

Bunsod ng enhanced community quarantine, naging pangunahing medium ng publiko ang social media.

Continue reading below ↓

At dahil sa magkakaibang kuro-kuro’t opinyon dito, maraming tensiyon.

“Hindi na ako nagbabasa ng negative na mga news, kasi grabe yung anxiety natin,” pag-amin ni Erik.

“So ako, positive lang, kasi yun yung mga bagay na di mo mako-control, e.

“Opinyon ng mga tao, hindi mo makokontrol.

"So, ikaw na lang magkontrol sa sarili mo para at peace ka palagi."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer Erik Santos talks about his realizations in the time of quarantine, and the "bold" things he plans to do when this crisis is over.
PHOTO/S: @eriksantos on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results