Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

JC de Vera to netizen saying he pays more attention to push-ups than helping the needy: "Wala ka palang alam."

by Rachelle Siazon
Apr 8, 2020
JC de Vera answers netizen telling him: "Unahin muna po tumulong sa mga tao. Kesa mag push up challenge pa."
PHOTO/S: JC de Vera Facebook

Binatikos si JC de Vera, 34, na mas inaatupag pa raw ang push-ups challenge kaysa pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.

Si JC ay huling napanood sa ABS-CBN afternoon series na Pamilya Ko, na nagtapos noong March 13.

Ngayong Miyerkules, April 8, nagbahagi si JC ng isang exercise video challenge.

Makikita rito ang kanyang vertical push-up habang isinusuot niya ang puting T-shirt.

Continue reading below ↓

Isang netizen ang nag-iwan ng mensahe kay JC:

"Unahin muna po tumulong sa mga tao. Kesa mag push up challenge pa. No hard feelings."

Naglagay ng peace sign at smile emoji ang netizen.

Tinabla ni JC ang netizen.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sinabi ng aktor na hindi dahil wala siyang post ay wala na siyang tulong.

"Inuna ko na. matagal na. Wala ka lang nakita sa social media ko," sabi ni JC.

Dagdag ng Kapamilya actor, hindi dapat basta na lang manghusga ang netizen.

"Wala ka palang alam. Quiet ka nalang jan. No hard feelings," ani JC kalakip ng silence emoji.

Continue reading below ↓

NO NEED FOR "PRESS RELEASE"

Noon lamang Sabado, April 3, si Toni Gonzaga ang nakatanggap ng pambabatikos ng isang netizen dahil sa hindi raw niya pagsagawa ng relief efforts sa gitna ng COVID-19 crisis.

Naikumpara pa si Toni sa kapatid niyang si Alex, na kasama ang mga magulang na nagbalot ng relief packs sa Taytay, Rizal.

Ipinaliwanag naman ni Toni na hindi kailangang mag-post sa social media ng anumang tulong ang binigay niya.

Pati si Sharon Cuneta ay pinasaringan din ng isang netizen.

Ayon sa netizen, ito raw ang tamang panahon para tulungan ng Megastar ang masang nagpasikat sa kanya.

Maayos namang sinagot ni Sharon na hindi kailangan ng "press release" sa pagtulong sa kapwa.

HOT STORIES

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JC de Vera answers netizen telling him: "Unahin muna po tumulong sa mga tao. Kesa mag push up challenge pa."
PHOTO/S: JC de Vera Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results