Angel Locsin defends Sharon Cuneta against carping netizen; reveals the Megastar's donation of P3M  

by Bernie V. Franco
Apr 9, 2020
Angel Locsin (left) reveals that Sharon Cuneta donated no less than P3M to Angel's relief efforts to put up tents outside hospital premises for frontliners and COVID-19 patients.
PHOTO/S: @therealangellocsin and @reallysharoncuneta on Instagram

Ibinunyag na ni Angel Locsin ang milyong-halagang donasyon ni Sharon Cuneta sa kanyang isinusulong na relief efforts.

Sa proyekto ni Angel na #UniteTENTweStandPH, nagtatayo ng mga tents sa labas ng hospital premises para maging sleeping quarters ng frontliners at maging karagdagang espasyo na rin para sa COVID-19 patients.

Tatlong milyong piso ang donasyon ng Megastar, 54, sa proyekto ni Angel, 34.

Ibinunyag ito ni Angel matapos kuwestiyunin ng isang basher ang ginagawang pagtulong ng Megastar sa kinakaharap na health crisis.

SHARON COMMENDS ANGEL

Nag-umpisa ang isyu noong April 6, Lunes.

Ni-repost ni Sharon sa kanyang Instagram account ang video ni Angel, na nagpapasalamat sa mga nag-donate, kabilang na si Sharon.

Sa caption, pinuri ng Megastar si Angel.

“Thanks so much dearest Angel. And may God our Father keep you safe and healthy as you continue your mission to provide comfort to our frontliners who put their lives on the line for us every single day. Love you.”

Continue reading below ↓

SHARON BASHED FOR HELPING THE RALLYISTS

Sa comments section, may netizen na bumatikos kay Sharon.

May kinalaman ito sa pagtulong niya, pati ang asawang si Senator Kiko Pangilinan, at anak nilang si Frankie Pangilinan, para makapagpiyansa ang 21 rallyistang hinuli ng Quezon City Police noong April 1.

Nilabag ng mga rallyistang taga-Sitio San Roque, Bgy. Bagong Pag-Asa ang direktibang iwasan ang mass gathering ngayong may enhanced community quarantine.

Nagprotesta sila sa may North Edsa, Quezon City upang humihingi ng ayuda mula sa local government.

Matapos maiulat ang paghuli at pag-aresto sa kanila, may mga artistang gusto tumulong sa kanilang pagpiyansa.

Bukod sa pamilya ni Sharon, nagsabing tutulong din sina Jodi Sta. Maria, Ria Atayde, at Enchong Dee.

Bawat rallyista ay kinakailangang magpiyansa ng P15,000.

Samakatuwid, P315,000 ang kabuuang pampiyansa sa mga hinuling rallyista.

Nitong Lunes, April 6, napaulat na nakalaya na ang mga ito dahil sa tulong ng mga artistang nabanggit.

Continue reading below ↓

Ang isyung ito ang pinanggalingan ng netizen na bumatikos kay Sharon.

SHARON SLAMS NETIZEN

Halatang maka-Duterte administration ang netizen.

Inakusahan nito si Sharon, ang kanyang pamilya, at ang mga artistang tumulong sa mga rallyista na “leftist,” o mga laging salungat sa current administration.

Bilang panimula, pinuri ng netizen si Angel, pagkatapos ay biglang pinaringgan sina Sharon sa pagtulong sa mga rallyista.

Bahagi ng komento (published as is): “ang iba diyan tinutulungan iyong mga mahilig mag stage nang rally sa ating bansa inshort mga leftist ang tinutulungan!

“Huwag tumulad sa kanila and you [Angel] are doing the noble way to help?

“Tanong ko sa iba! Would you even support and assist group of leftists, rallyists or rebels who are staging a commotions against our government lalu na ngayon me pandemic outbreak?”

Continue reading below ↓

Noong simula, kalmado pa ang sagot ni Sharon.

Sabi niya, hindi niya sinisisi ang mga pulis, at ginagawa lamang ang kanilang trabaho kaya hinuli ang mga rallyista.

“Mali lumabag sa batas at DAPAT SUMUNOD LAHAT,” komento ni Sharon.

Pero hindi raw niya masisisi ang mga nag-rally dahil kumakalam ang kanilang mga sikmura.

Sagot ni Sharon: “paano mabubuhay ang limang pamilyang nakakulong dahil di ba nakakaiyak kailangan labagin ang batas kahit mapatay dahil sa GUTOM?

“I DO NOT CONDONE REBELS AND RALLYISTS.

“I JUST WANT NO FILIPINO TO HAVE TO LAY THEIR LIVES ON THE LINE BECAUSE THEY ARE HUNGRY,” sabi ni Sharon.

Continue reading below ↓

Sa sumunod na comment, tila nagpupuyos na ang damdamin ng singer/actress/host.

Halatang hindi niya nagustuhan ang pagsumbat sa kanya ng netizen sa ginawa niyang pagtulong.

Hinamon pa ni Sharon ang basher na gawing kapaki-pakinabang ang sarili sa pamamagitan ng pagtulong.

“Ni hindi mo alam kung ANO ANG TINULONG KO KAY ANGEL,” hirit ni Sharon.

“Lahat ng tumutulong dapat pasalamatan kahit ipuwera mo na ako.”

“Kakapalan yan.

“Si Angel nagpapasalamat ikaw parang walang ibang tao sa mundo.

“Magtayo ka ng tent nang may saysay ang buhay mo.”

Continue reading below ↓

Kasunod nito, nagkaroon ng mainit na sagutan sa pagitan ng netizen at mga supporters ni Sharon.

Dito na sumagot si Angel na binanggit na ang halaga ng donasyon ni Sharon.

Ani Angel: “BTW, Ms. Sharon donated a whopping 3 MILLION PESOS para makatulong kahit paano sa overcrowded hospital situation ngayon [smiley]

“Binigay nya ito ng KUSA at AYAW IPAALAM [smiley]

“Pasensya na po Ms. Sharon at nasabi ko, ha?

“Just wanted to share my experience sayo kung gaano ka ka-charitable [smiley]”

Pinakiusapan din ni Angel ang pasimunong netizen na itigil na ang pagpuna at tumulong na lamang.

Mensahe ng aktres sa netizen: “let’s help each other at maging source ng positive energy! [smiley]

“kailangan natin lahat ngayon nyan [smiley]”

Continue reading below ↓

Hindi na sumagot ang netizen at si Sharon.

Samantala, sa pinakahuling update ni Angel sa kanyang social media post kahapon, nakapagtayo na ang kanyang proyekto ng 95 hospital tents at 14 sanitation tents, distributed sa 51 hospitals, na nasa ibat-ibang bahagi ng Metro Manila at mga karatig probinsiya, kagaya ng Las Piñas, Laguna, Cavite, at Batangas.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin (left) reveals that Sharon Cuneta donated no less than P3M to Angel's relief efforts to put up tents outside hospital premises for frontliners and COVID-19 patients.
PHOTO/S: @therealangellocsin and @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results