Aiko Melendez, saludo rin sa janitors, garbage collectors, mga nagtatao sa grocery  

Video: Arniel Serato.

Pinasalamatan ng aktres na si Aiko Melendez ang lahat ng magigiting na frontliners.

Ngayong Araw ng Kagitingan, marapat lang na bigyang-pugay ang mga tunay na patuloy na nagsasakripisyo para sa bayan.

Nang hingan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating Quezon City 2nd District Councilor at aktres ng mensahe para sa frontliners, hindi lang medical at uniformed personnel ang kanyang pinasalamatan.

Binigyang-pugay rin niya ang iba pang nag-aalay ng serbisyo para maipagpatuloy ang takbo ng buhay ng mamamayan sa kabila ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Mensahe ni Aiko: "Sa ating mga frontliners, kagaya ng mga doctors, nurses, mga sundalo, pulis, security guards, bank personnels...

"Mga nagtatrabaho sa groceries, at ating mga janitors, garbage collectors, araw-araw pong nakikipaglaban para sa karamihan po, maraming-maraming salamat po.

"Kayo po ang maituturing na mga tunay na bayani ng ating bayan.

"Patuloy niyo pong ginagampanan ang inyong tungkulin at responsibilidad para sa nakakarami.

"Mula sa akin at sa aking pamilya, maraming-maraming salamat po sa pagpapakita ng inyong pagmamahal sa nakakarami katulad ko.

Continue reading below ↓

"Thank you po at ipagpapatuloy ko po ang pagdarasal para sa inyong kaligtasan at kalusugan na sana nawa ay dumami pa ang katulad niyo na may malasakit para sa ating bayan at sa kapwa.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Isa pong malaking pasasalamat. God bless you all and take care.

"Kayo ang idol namin."

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Get the latest stories on COVID-19.
All you need to know from your trusted Summit Media network. Sign up here for regular updates delivered to your mailbox.
The email address you entered is invalid.
Thank you for signing up. We'll send updates directly to your inbox!
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results