Valenzuela Mayor Rex Gatchalian under fire for Holy Week procession in "Venezuela"

by Arniel C. Serato
Apr 9, 2020
Valenzuela Mayor Rex Gatchalian: “Mga sirs and ma'ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela.”
PHOTO/S: Courtesy: REX GATCHALIAN OM FACEBOOK / SCREENSHOT: ABS-CBN NEWS FACEBOOK PAGE

Idinaan na lang sa biro ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pag-aakala ng ilang netizens na siya ang pinuno ng bansang Venezuela.

Ang Venezuela ay isang bansang matatagpuan sa South America.

Ang Valenzuela naman ay isa sa mga siyudad sa National Capital Region, na matatagpuan dito sa Pilipinas.

Ngayong araw, April 8, inilabas ng ABS-CBN News sa Facebook page nito ang balitang itinuloy pa rin ang prusisyon ng Nazarene of St. Paul sa Venezuela.

Ito ay kahit may nationwide quarantine ding ipinatutupad doon.

Continue reading below ↓

Pero ang basa sa "Venezuela" ng ilang nagkomento ay “Valenzuela.”

Sa comments section ay inulan ng batikos si Mayor Rex dahil sumuway daw ito sa ipinatutupad na enhanced community quarantine at social distancing.

Nakarating naman agad kay Mayor Rex na "ang daming nagagalit" sa kanya.

Sa Facebook ngayong araw, April 9, ni-repost ng alkalde ng Valenzuela ang screenshot ng report ng ABS-CBN tungkol sa prusisyon sa Venezuela.

Kalakip dito ang komento ng isang netizen: “Grabe naman yan, Mayor Rex Gatchalian bakit pinapayagan niyo magprusisyon ang Nazareno sa Valenuzela? Eh malinaw na quarantine dapat?”

Komento naman dito ng isa pang netizen: “basa2x din sis.. wag shungga..”

Ibig sabihin, mali ang pagkakabasa ng unang netizen at napansin ito ng pangalawang netizen.

Sa kanyang caption ay nag-react din si Mayor Rex sa "wow, mali" moment na ito.

Sabi niya: “Hindi ko alam na ako na din pala ang pinuno ng bansa na Venezuela."

Continue reading below ↓

Pero paglilinaw rin ni Mayor Rex, “Mga sirs and ma'ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela.”

Kasunod na ipinost ng alkalde ang screenshot ng trending topics sa Twitter ngayong araw.

Isa rito ay ang pangalan niya: "Mayor Rex."

Sabi niya sa caption: “Trending for the wrong reason, wrong location. (white smiling emoji)”

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Valenzuela Mayor Rex Gatchalian: “Mga sirs and ma'ams, Mayor po ako ng dakilang lungsod ng Valenzuela. Hindi po ng bansa na Venezuela.”
PHOTO/S: Courtesy: REX GATCHALIAN OM FACEBOOK / SCREENSHOT: ABS-CBN NEWS FACEBOOK PAGE
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results