Diether Ocampo, may panalangin ng proteksyon para sa frontliners
Apr 10, 2020

Nanawagan ng panalangin ang Kapamilya actor na si Diether Ocampo para sa frontliners na aniya'y patuloy na itinataya ang sari-sariling buhay sa panahon ng COVID-19.

Bilang dasal, binasa ni Diether ang isang salmo mula sa Book of Psalms ng Christian Old Testament, ang Psalm 91.

Ang salmong ito ay kilala bilang salmo ng proteksyon at sinasambit sa mga panahon ng kagipitan at panganib.

Ang version na binasa naman niya ay ang New Living Translation (Modern English) ng Holy Bible na unang na-publish nung 1996.

Heto ang dasal ni Diether:

"Those who live in the Most High will find rest in the shadow of the Almighty.

"This, I declare, about the Lord, 'He alone is my refuge, my place of safety, is my God, and I trust Him.

"For He will rescue you from every trap and protect you from deadly disease.

"He will cover you with His feathers. He will shelter you with His wings. His faithful promises are your armor and protection.

"Do not be afraid of the terrors of the night, nor the arrow that flies in the day.

"Do not dread the disease that stalks in darkness, nor the disaster that strikes at midday.

"Though a thousand fall at your side, though ten thousand are dying around you, these evils will not touch you."

Naputol ang video na ipinadala ni Diether sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nawala ang verse 8 to 14 ng Psalm 91 na kanyang binabasa.

Nakapagpadala naman siya ng kaputol na video, ngunit nasa huling dalawang verse na ang aktor.

Pagpapatuloy ni Diether sa kaputol na video, "When they call on me, I will answer; I will be with them in trouble. I will rescue and honor them.

"I will reward them with a long life and give them salvation."

DIETHER SALUTES MEN IN UNIFORM

Bago magtapos ang video, ipinahayag ni Diether ang kanyang pagsaludo sa mga miyembro ng PNP (Philippine National Police), AFP (Armed Forces of the Philippines), at Philippine Coast Guard Auxiliary.

Tinawag niyang "mga kasama natin" ang huling grupo ng men in uniform dahil nag-training si Diether para maging miyembro ng civilian support group na ito ng Philippine Coast Guard.

May ranggong Lieutenant Commander si Diether sa Philippine Coast Guard Auxiliary.

Ani Diether, "Alam namin na hindi madali ang inyong trabaho kaya naman mataas ang respeto namin sa inyo.

"Nandito lang ho kami. Sama-sama ho nating malalagpasan itong pagsubok na ito.

"Sama-sama para sa Pilipinas at para sa bawat mamamayang Filipino," pagtatapos ni Diether.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Recommended Videos

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results