Marvin Agustin reveals sister's ordeal as frontliner in Canada: "Gusto na nila sumuko, pero di nila gagawin..."

by Bernie V. Franco
Apr 10, 2020
Actor-entrepreneur Marvin Agustin posts on Twitter his conversation with his sister, a nurse in Canada.
PHOTO/S: @marvinagustin on Instagram

Ibinahagi ni Marvin Agustin, 41, ang hirap na dinaranas ng kapatid na isang frontliner sa Canada.

Nitong Huwebes, April 9, ipinost ni Marvin sa Twitter ang screenshot ng mensahe ng kanyang Ate Cheng, na nagtatrabaho bilang nurse.

Binanggit ng actor-businessman na nahihirapan na ang kanyang ate at gusto na raw nitong sumuko.

Tweet ni Marvin (published as is): “I checked on my sister, shes a nurse in Canada.

“Yan ang text back nya... Hirap na hirap sila, 1st world pa yun.

“Lalo na mga kababayan natin dito...

“Mahalin at kamustahin nyo mga kamag-anak nyo lalo na kung nasa health/medical industry sila.

“Palakasin nyo loob nila...”

Kasunod niyang tweet: “Grabe dusa at sakripisyo nila.

“Grabe panganib sa buhay nila.

“Gusto na nila sumuko pero di nila gagawin para sa atin.

“Sa mga kayang manatili sa bahay, PLEASE STAY HOME.

“Wag na natin dagdagan ang bigat na nararamdaman nila [praying hands emoji] #frontlineworkers”

Continue reading below ↓

MARVIN’S SISTER OPENS UP

Sa screenshot, mababasa ang palitan ng mensahe ni Marvin at ng kapatid nito.

Tanong ni Marvin: “Kamusta ka?”

Ang maikling pangungumusta ng aktor ay sinagot ng kapatid ng isang mahabang mensahe.

Ikinuwento ni Cheng ang hirap na pinagdaraanan nito bilang nurse sa ibang bansa, ngayong may kinahaharap na pandemic ang buong mundo.

Continue reading below ↓

Bungad nito: “Pagod lagi sa trabaho. Hindi lang physical.

“Mababa din ang morale sa workplace ko.

“Even before COVID pa naman. Worse pa ngayon.”

Emosyonal din daw siya kapag pumapasok sa trabaho.

“But as soon as I get to work, mukhang okay lang ako.”

Ibinahagi rin ng kapatid ni Marvin na isang kapwa Pilipino ang tinamaan ng COVID-19 at binawian ng buhay.

Sabi ni Cheng, “I learned from the news a Filipino in his 40s had died last weekend.”

Ang COVID-19 patient ay nagtatrabaho raw sa isang facility for disabled adults.

Nagpositibo raw ito sa virus at pinayuhang mag-self-isolate.

Lahad ni Cheng: “Although monitored sya ng telehealth medical staff thru his wife, quarantined sya sa room sa itaas ng bahay nila.

“When he did not respond to his wife’s text message on Sunday, he was found unconscious on his bed.

“EMTs [Emergency Medical Technicians] could not revive him.

“He left a wife and a four your old child. 3 years pa lang sila dito sa Canada. [sad face emoji]”

Continue reading below ↓

Pag-amin din ng kapatid ni Marvin, labis siyang napapaisip ngayon dahil sa COVID-19.

Pagpapatuloy nito: “This pandemic is making me really think hard.

“I won’t quit work now.

“I don’t know if I will. But I would definitely make changes when the right time comes.”

Sa pinakahuling tala ngayong April 10, ang Canada ay mayroon nang higit 20,700 confirmed COVID-19 cases, at higit sa 500 na ang namamatay.

Continue reading below ↓

Pang-labintatlo ang Canada sa may pinakamaraming confirmed cases ng COVID-19.

Nangunguna pa rin ang USA, na may higit sa 468,000 cases at higit sa 16,600 deaths.

Pangalawa ang Spain, na may higit sa 153,000 confirmed cases at higit sa 15,400 deaths.

Pangatlo ang Italy, na may higit sa 143,000 cases. Subalit ito ang nangunguna sa bilang ng mga namamatay, na may higit sa 18,200 deaths.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor-entrepreneur Marvin Agustin posts on Twitter his conversation with his sister, a nurse in Canada.
PHOTO/S: @marvinagustin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results