John Lloyd Cruz is all smiles at Cebu City fast food drive-thru

by Rachelle Siazon
Apr 13, 2020
Actor John Lloyd Cruz is in a good mood as he accommodates a selfie with a fast food restaurant employee in Cebu City.
PHOTO/S: @diecoviddie Facebook / @mee_carmz96 Instagram

Tila puno ngayon ng good vibes si John Lloyd Cruz, na namataan sa isang fast food drive-through sa Cebu City.

Sakay ng isang kotse, matamis ang ngiti ni John Lloyd habang nakasilip sa bintana at tinatanaw ang isang empleyado ng fast food restaurant.

Nagpaunlak ng photo-op si John Lloyd sa restaurant employee na nagkataong tagahanga ng premyadong aktor.

Nakasuot ng face mask pero halatang nakangiti ang fan na nag-selfie kasama ang aktor.

May distansiya sa pagitan nila gawa ng social distancing sa pag-iwas sa COVID-19.

Sabi sa caption ng fastfood employee, bata pa lang siya ay fan na siya ni John Lloyd kaya "starstruck" daw siya nang makita ito.

Ibinahagi ng fan na si Carmel Rivero ang photo nila ni John Lloyd noong Sabado, April 11.

Ang impression daw ni Rivero ay "happy" at "hindi maarte" si John Lloyd.

Continue reading below ↓

STAYING IN CEBU SINCE MARCH

Tila sa Cebu naninirahan si John Lloyd mula nang magsimula ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Noong March 25 sinimulang ipatupad ang enhanced community quarantine sa Cebu.

Pero noon pa lang March 15 ay ipinagbawal na sa lugar ang domestic air travel.

Noong March 21 unang namataan si John Lloyd, kasama ang anak nila ni Ellen Adarna, sa isang beach resort sa Moalboal, na probinsyang two-and-a-half-hours' drive mula Cebu City.

Dumalo ang mag-ama sa pagdiriwang ng birthday ng kaibigan at kapwa aktor ni John Lloyd na si Mon Confiado.

Continue reading below ↓

May Facebook post din si Mon na makikitang pinapanood nila ang anak ni John Lloyd na tuwang-tuwang naglalaro sa buhangin sa tabing-dagat.

JOHN LLOYD-ELLEN

Si Ellen Adarna, ina ng anak ng John Lloyd, ay naninirahan sa Cebu.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang direktang pahayag si John Lloyd tungkol sa balitang hiwalay na sila ni Ellen mula pa noong June 2019.

Huling nagkitang magkasama ang couple nang magdiwang ng first birthday ang kanilang anak noong June 27, 2019.

Mula noon ay solo na ang mga lakad kung saan namamataan sina John Lloyd at Ellen.

Pero "co-parenting" pa rin daw ang dalawa pagdating sa pagpapalaki ng kanilang anak, ayon sa isang PEP.ph source.

Noong March 29, isang netizen ang naglakas-loob magtanong kay Ellen kung ano nga ba ang nangyari sa tila naunsiyaming love story nila ni John Lloyd.

Ang matalinhagang sagot ni Ellen: "only god can answer this question."

Maliban dito, may mga pahaging si Ellen tungkol sa kanyang "single" status.

Continue reading below ↓

Naging bukas si Ellen sa pagiging masaya niya mula nang matapos ang isang 14-day retreat, na tumulong daw na mawala siya sa kinasaglakang "black hole."

May mga pahiwatig din ang Cebuana actress na patuloy ang komunikasyon nila ng isang Spanish guy na nakasama niya noon sa Madrid, Spain.

response to COVID-19

Noong Sabado, April 11, ang tanging update ni John Lloyd sa kanyang Instagram account ay ang pag-alay niya ng tula kaugnay ng krisis na dala ng COVID-19.

Caption ng aktor (published as is): "Isang tula para sa panahon nang pakikidigma para sa katotohanang walang sinuman ang magkakamit. Mamamatay tayong mangmang."

Kalakip nito ang video niyang nagbabasa ng tula mula sa hawak na notebook.

Continue reading below ↓

Nakiisa rin si John Lloyd sa online fundraiser na "Mamatay Kang Hayup Na Covid Ka!"

Ilan sa beneficiaries ng "Mamatay Kang Hayup Na Covid Ka!" ay ang Molecular Biology and Biotechnology Diliman Foundation Inc., Philippine Genome Center, Research Institute for Tropical Medicine (RITM), UP National Institute for Health, at Lung Center of the Philippines.

Ang pamilya naman ni Ellen ay nagpahiram ng isa nilang hotel sa Davao bilang quarantine facility, bilang tugon sa request ni Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

Naugnay noon romantically sina Ellen at Baste.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor John Lloyd Cruz is in a good mood as he accommodates a selfie with a fast food restaurant employee in Cebu City.
PHOTO/S: @diecoviddie Facebook / @mee_carmz96 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results