Singer Carol Banawa now a frontliner in the U.S.

by Bernie V. Franco
Apr 13, 2020
Carol Banawa, now a registered nurse in the U.S., posts a photo of her wearing a surgical mask and face shield in preparation for the "incoming surge of COVID-19 patients."
PHOTO/S: @iamcarolbanawa

Kabilang si Carol Banawa sa frontliners, bilang isang registered nurse, ng bansang USA.

Nagtapos ang dating Kapamilya star ng kursong Nursing sa Washington, D.C.

Nitong Black Saturday, April 11, nag-post sa Instagram ang 39-year-old singer-turned-nurse ng larawan niya suot ang kanyang face mask at face shield.

Sa caption, binanggit ni Carol na tutulong siya sa pagti-train sa ibang nurses sa mga susunod na linggo.

Naghahanda raw sila para sa pagdagsa ng COVID-19 patients.

Wala ng iba pang detalyeng ibinahagi ang singer.

Buong caption ni Carol: “New gear.

“Just got word that I will be floating out of my home unit starting next week to train and help out other units in the next few weeks.

“Preparing for the incoming surge of #covid patients.

“Grateful to receive this added protection just in time.

“Here we go...[praying hands emoji]”

Continue reading below ↓

Bago ang kanyang post na ito nitong Sabado, nag-post din si Carol sa Instagram noong Biyernes, April 10, na naka-nurse hat at face mask siya.

As of April 13, Lunes, ang USA na ang may pinakamaraming naitalang COVID-19 cases.

Mayroon na itong higit 560,400 cases, at 22,000 na ang namamatay.

Continue reading below ↓

CAROL LEAVES SHOWBIZ TO STUDY IN THE U.S.

Sa Amerika na nakabase si Carol, kasama ang mister niyang si Ryan Crisostomo at ang kanilang dalawang anak, sina Chelsea at River.

Si Carol ay homegrown talent ng ABS-CBN.

Kabilang siya sa Star Magic Batch 4 na ini-launch noong 1997.

Ka-batch niya sina Jericho Rosales, Kristine Hermosa, Dimples Romana, Nikki Valdez, Julia Clarete, at Dominic Ochoa.

Siya ang nagpasikat ng mga kantang “Bakit ‘Di Totohanin,” “Iingatan Ka,” at “Tanging Yaman.”

Ilan sa TV shows na ginawa niya ay Ang TV (1994), ASAP (1997-2003), Tabing Ilog (2000), at Sa Dulo mg Walang Hanggan (2001).

Napabilang din siya sa mga pelikulang Hiling (1998) at Tanging Yaman (2000).

Nilisan niya ang showbiz noong 2003 at nagpunta sa Amerika para mag-aral.

Ikinasal siya noong 2006 sa asawang nagseserbisyo sa U.S. military.

Noong 2018, nagtapos siya bilang summa cum laude sa kursong Nursing sa Northern Virginia Community College, Washington D.C.

Continue reading below ↓

Ianunsiyo ni Carol sa Instagram na isa na siyang registered nurse noong July 2018, dalawang buwan matapos mag-graduate.

Bagamat hindi na full-time singer si Carol, nananatili siyang aktibo sa pagkanta.

Sa katunayan, madalas siyang mapabilang bilang performer sa tuwing nagkakaroon ng U.S. shows ang The Filipino Channel o TFC, ang global subscription TV network ng ABS-CBN.

Puno rin ang kanyang Instagram account ng promotions ng mga shows and concerts niya sa U.S.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Carol Banawa, now a registered nurse in the U.S., posts a photo of her wearing a surgical mask and face shield in preparation for the "incoming surge of COVID-19 patients."
PHOTO/S: @iamcarolbanawa
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results