Arrested for illegal gambling in Nueva Ecija: 3 women, 2 of them possibly pregnant

by Arniel C. Serato
Apr 13, 2020
Three women in San Jose City, Nueva Ecija were arrested for illegal gambling yesterday, April 12. Two of the women are possibly pregnant.
PHOTO/S: Courtesy: P/Lt Col Heryl "Daguit" Bruno on Facebook

Tatlong kababaihan ang inaresto ng pulisya sa San Jose City, Nueva Ecija, kahapon, April 12.

Ito ay dahil sa paglabag umano ng mga ito sa Presidential Decree No. 1602 na may kinalaman sa illegal gambling.

Ang tatlong naaresto ay mga miyembro diumano ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa Facebook post ni San Juan Chief of Police P/Lt. Colonel Heryl "Daguit" Bruno kahapon, nagsagawa sila ng anti-illegal gambling operation sa Brgy. Sto. Niño 2nd na nagresulta sa pag-aresto sa mga suspek.

Dinala ang mga naaresto, pati na ang mga nakumpiskang mga ebidensiya, sa San Jose Police Station.

Sabi pa ni Bruno, hinahanda na nila ang isasampang kaso laban sa mga suspek.

Hindi binanggit ang mga pangalan ng mga nahuli.

Ngunit kalakip ng pahayag ng San Juan Chief of Police ang ilang larawan ng mga suspek.

Pawang mga babae ang tatlong suspek, at tila buntis ang dalawa sa kanila.

Makikita sa larawan na nakasalampak ang mga suspek sa may banig.

Continue reading below ↓

May tela sa gitna nila kung saan may mga baraha at pera.

Ibinahagi rin Bruno sa Facebook post niya ang video ng aktuwal na operasyon.

Continue reading below ↓

ILLEGAL GAMBLING, ECQ VIOLATIONS

Bago ang insidenteng ito, ayon kay P/Lt. Colonel Bruno, may hinuli rin silang labinlimang katao sa isang lamay.

Bukod sa illegal gambling, nilabag din daw ng mga inaresto ang social distancing measures ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ilan sa mga inaresto ay miyembro rin daw ng 4PS.

Continue reading below ↓

Ang 4Ps ay flagship anti-poverty program ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Ipinagpatuloy ito ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng programang makapagbigay ng conditional cash grants sa mga poorest of the poor upang makatulong sa kanilang kalusugan, pagkain, at edukasyon ng kanilang mga anak edad 0 hanggang 8.

Pinirmahan naman ni Pangulong Duterte ang batas na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o Republic Act (RA) 11310 na layong i-institutionalize o gawing permanente ang 4Ps ng Aquino administration.

NETIZENS REACT TO ARREST

Karamihan sa mga nagkomento sa post ng San Juan chief of police ay nagpahayag ng pagkagalit—hindi sa mga umaresto kundi sa 4Ps members.

Ayon sa ilan, dapat nang baguhin ang panuntunan sa 4Ps dahil umaasa na lamang daw ang mga ito sa ayudang pera galing sa gobyerno buwan-buwan.

Dahil daw rito ay hindi na nagbabanat ng buto ang iba sa kanila.

Continue reading below ↓

Napamura naman ang ibang netizens dahil sa di wastong paggamit umano ng 4Ps members sa perang tulong ng gobyerno para sana sa kanilang pagkain.

Continue reading below ↓

May isa namang netizen ang nagsabing hindi dapat ibunton ang sisi sa mga recipients ng ayudang pera mula sa gobyerno.

Ang dapat daw sisihin ay ang mga awtoridad, partikular na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nagpapatupad ng guidelines.

Tanong ng netizen (published as is): "Is the guidelines or criteria strictly followed? Or did they visit the dwellings and conduct thorough investigation as to the economic status of those prospective members?"

Continue reading below ↓

Dapat daw hanapin at papanagutin ang mga kasabwat ng perpetrators.

Baka ito raw ang solusyon sa problema nang matigil na ang mga maling gawain.

Ayon sa Republic Act (RA) No. 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, makakatanggap ng perang ayuda mula sa gobyerno—mula P5K hanggang P8K—ang mga miyembro ng 4Ps, persons with disabilities, senior citizens, mga buntis, at ang mga itinuturing na poorest of the poor.

Continue reading below ↓

Ito ay matapos ma-displace ang lahat dahil sa pinairal na Luzon-wide enhanced community quarantine.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Three women in San Jose City, Nueva Ecija were arrested for illegal gambling yesterday, April 12. Two of the women are possibly pregnant.
PHOTO/S: Courtesy: P/Lt Col Heryl "Daguit" Bruno on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results