Angel Locsin ends hospital tents fundraiser; raises P10.9 million

by Jet Hitosis
Apr 13, 2020
Actress Angel Locsin raises PHP10.9 million cash donations to provide more than a hundred hospitals in Luzon with isolation tents amid the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Umabot sa halos PHP11 million ang nakalap na cash donations ng grupo ni Angel Locsin para sa pagpapatayo ng isolation tents sa iba’t ibang ospital sa Luzon.

Ito ang inanunsiyo ni Angel, 34, sa latest fundraising update para sa #UniTentWeStandPH campaign ng aktres.

Layunin ng kampanya na makapagtayo ng dalawang isolation tents sa bawat beneficiary hospital.

Ang mga tent ay maaaring pahingahan ng healthcare frontliners, o kaya ay gawing recovery area ng COVID-19 patients.

Layunin nitong maibsan ang overcrowding sa mga ospital ngayong may pandemic.

Target na mabiyayaan sa campaign ang 150 pampubliko at pribadong ospital sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Katuwang ni Angel sa isolation tents campaign ang fiancé niyang si Neil Arce, ang best friend at kapwa aktres niyang si Dimples Romana, si Dra. Marev Matic, at si Gines Sarangaya ng ABS-CBN Film Productions, Inc.

Inilunsad ang #UniTentWeStandPH campaign nitong March 25.

ONLINE FUNDRAISING ENDS

Sa video na ipinost ni Angel sa Instagram ngayong Lunes, April 13, sinabi niyang may kabuuang PHP10,956,702.98 ang nakalap ng #UniTentWeStandPH campaign.

Continue reading below ↓

Nakolekta ang donasyon sa pamamagitan ng crowdfunding website na gogetfunding.com, ng PayPal, PayMaya, at bank deposits.

Kasabay nito, inanunsiyo ng aktres na tapos na ang fundraising para sa #UniTentWeStandPH.

Simula nitong Lunes ng hatinggabi, hindi na tumatanggap ng cash donations ang grupo ni Angel.

Caption ni Angel: “Because of your overwhelming support, we are happy to announce that we have sufficiently funded the #UniTENTweStandPH campaign.

“With a full and grateful heart, we are now ending the fundraising and will no longer accept CASH donations through PayPal, Paymaya, or bank account.”

Continue reading below ↓

ANGEL SHARES DETAILS OF EXPENSES, PAYABLES

Sa video ng aktres, idinetalye niya ang mga ginastos para sa campaign.

Sa PHP10,956,702.98 cash donations, PHP9,847,400 na ang nabayaran ng grupo ni Angel sa mga suppliers ng isolation tents.

Ang isolation tent ay nagkakahalaga ng PHP36,000 hanggang PHP49,000 bawat isa, depende sa size.

Continue reading below ↓

Bagamat karamihan sa mga biniling tent ay may sukat na 12x24 meters, ilang ospital ang tumanggap ng mas malaking tent, na may laking 15x15 meters.

Ayon kay Angel, babawasin din sa cash donations ang PHP213,269.76 charge sa PayPal transactions.

Nasa PHP191,181 naman ang nagastos sa other expenses, gaya ng pagkain, tubig, gasolina, at mga tip sa mga kasama ni Angel na nagkakabit ng tents.

Continue reading below ↓

Pasok din sa other expenses ang mga protection gear, tulad ng N95 masks at gloves, para sa grupo ng aktres.

Kung susumahin, may matitira pang PHP704,852.22 sa cash donations.

Ang natitirang halaga ang gagastusin ng grupo ni Angel sa pagpapatayo ng karagdagang isolation tents sa mga natitirang ospital na beneficiaries ng campaign.

“Tuloy pa rin po ang pagbibigay natin ng hospital tents sa mga ospital," dagdag ng aktres.

“Thank you very much! [praying hands emoji] (April 13, 2020, 12:03am)”

Sa Instagram update ni Angel nitong April 10, sinabi niyang 69 hospitals na ang nakabitan ng isolation tents.

Kung 150 hospitals ang target ng grupo ni Angel, may 81 pa silang tatayuan ng tents sa susunod na mga araw.

ANGEL TRUSTED WITH OTHER DONATIONS

Bukod sa cash donations, may iba pang mga donasyong tinanggap si Angel para sa mga healthcare frontliners.

Tumanggap din ang aktres ng PHP500,000 halaga ng hygiene products; PHP500,000 sardine products; 14 window-type air-conditioning units; tatlong inverter refrigerator; 200 face shields; at 26 bed cots.

Continue reading below ↓

Bukod pa rito ang kahun-kahong personal protective equipment (PPE) na donasyon ng mga sikat na fashion designers na sina Joe San Antonio at Michael Leyva.

SANITATION TENTS

May nag-donate din ng apat na sanitation o disinfection tents kay Angel.

Sa kabuuan, 14 ang sanitation tents na naipatayo ng aktres sa ilang piling ospital.

Continue reading below ↓

Ang sanitation tent ay may misting machine na nag-ii-spray ng disinfectant sa mga papasok sa loob nito.

Kung babalikan ang Instagram post ni Angel nitong April 10, sinabi niyang mga ospital ang nag-request ng sanitation tents sa kanila.

Ayon kay Angel: “…some hospitals have requested sanitation tents to help decrease the viral load for those coming in and out of their health care facility.

Continue reading below ↓

“The team was able to find a credible supplier complete with certification of effectivity and safety.”

Gayunman, hindi lahat ng ospital na pinatayuan ng isolation tents ay nabigyan ng sanitation tent.

Kabilang sa piling napatayuan ng disinfection tents ang Philippine General Hospital (PGH) at Lung Center of the Philippines.

ANGEL TO STOP DONATING SANITATION TENTS

Pero sa parehong post, inanunsiyo ni Angel na titigil nang mag-donate ng sanitation tents ang kanyang grupo.

Ito raw ay bilang pagtalima nila sa advisory ng Department of Health (DOH).

Nilinaw ni Angel na sa kabila nito, magpapatuloy ang pagpapatayo nila ng isolation tents.

“Respecting the DOH latest announcement dated april 10, 2020 at 5pm, #unitentwestandph would no longer be donating sanitation tents

“…but would still continue to help our healthcare frontliners with tents that they may use for themselves or for patient care.”

Continue reading below ↓

DOH NOT RECOMMENDING “SPRAYING AND MISTING”

Tinukoy ni Angel ang DOH advisory na kumokontra sa “spraying or misting.”

Ayon sa DOH, hindi nito inirerekomenda ang naturang paraan ng disinfection.

Bukod sa hindi raw epektibo laban sa virus, sinabi ng kagawaran na nakakasama ito sa kalusugan.

Saad sa DOH advisory: “There is no evidence to support that spraying of surfaces or large scale misting of areas, indoor or outdoor with disinfecting agents, kills the virus.”

Giit ng kagawaran, nagkakalat pa nga raw ng droplets ng ubo ang misting kapag na-irritate sa disinfectant at napaubo ang pumasok sa tent.

Maaari rin daw magdulot ng skin irritation at environmental pollution ang misting.

Payo ng DOH, mas mainam “to soak objects or disinfect surfaces directly to kill the virus.”

Continue reading below ↓

Sa virtual press conference nitong Linggo, April 12, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergerie na nakakaubo at nakakahika ang misting sa loob ng sanitation tent.

Suggestion ni Vergerie, maaari pa rin namang magamit sa ibang paraan ang mga disinfection tents.

"Ang mga kemikal ay puwedeng gamitin sa surface disinfection, ang mga tents ay maaaring gamitin sa temporary isolation," sabi ni Vergerie.

LOCAL GOVERNMENTS, DPWH USE SANITATION TENTS

Pero bago pa nakapagpatayo ng sanitation tents si Angel, ilang local government units (LGUs) na ang gumagamit nito laban sa COVID-19.

Ang Marikina City at Pasig City, parehong sa palengke unang nagtayo ng disinfection tents nitong March.

Umabot sa 289 sanitation tents para sa mga sasakyan ang ipinatayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga major highways sa buong bansa noon ding Marso.

Ngayong April, nag-donate rin ng mga disinfection tents ang kumpanya ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar—ang Villar Group—sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress Angel Locsin raises PHP10.9 million cash donations to provide more than a hundred hospitals in Luzon with isolation tents amid the COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results