Angel Locsin defends Liza Soberano, Angelica Panganiban against the usual bashers

by Bernie V. Franco
Apr 13, 2020
Angel Locsin (center) did not mince words in answering bashers criticizing her and fellow celebs Liza Soberano (left) and Angelica Panganiban (right).
PHOTO/S: @lizasoberano, @therealangellocsin, and @iamangelicap on Instagram

Pinatulan ni Angel Locsin ang netizens na patuloy pa rin sa pambabatikos ng mga artista kahit na may kinakaharap nang health crisis ang buong bansa.

Aktibo ang 34-year-old actress sa social media bilang medium nito sa pakikipag-ugnayan sa mga nangangailangan.

Personal siyang sumasagot sa netizens na humihingi ng tulong, gayundin sa kanyang mga kritiko.

Hindi rin siya nangingiming sagutin ang bashers na bumabatikos sa kapwa niya artista.

Dahil sa pagsagot sa bashers, may tumatawag sa kanyang “nega” at "patola."

ANGEL DEFENDS LIZA SOBERANO

Noong April 2, nag-post ng makahulugang tweet si Liza Soberano, 22.

Tweet ng Kapamilya actress: “What our people need now is empathy not threats.”

Continue reading below ↓

Kasagsagan noon ng kontrobersyal na statement ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot them dead.”

Kaugnay ito ng direktiba ng Pangulo sa mga awtoridad na gamitan ng baril ang sinumang lilikha ng gulo sa gitna ng ipinapatulad na enhanced community quarantine.

Malinaw na nabahala si Liza—ang sinasabing No. 1 celebrity endorser sa bansa ngayon—sa narinig mula sa Presidente.

May isang netizen na tila maka-Duterte ang nagkomentong tumulong na lang ang Kapamilya actress, imbes na magsalita, gaya raw ng ginagawa nina Angel at Kathryn Bernardo.

Ipinagtanggol naman ni Angel si Liza laban sa basher.

Sabi ni Angel: “FYI, Tumutulong si Liza [smiley] what you’re doing is not helping.”

May mga lumabas na larawan si Liza at ang kanyang pamilya na nagsasagawa ng relief operations para sa frontliners.

Continue reading below ↓

ANGEL ANSWERS BACK NETIZEN

Ngayong weekend, nasulat sa isang gossip blogsite ang pagtatanggol ni Angel kay Liza.

Isang netizen ang nag-react.

Anito, negatibo raw ang imahe ni Angel dahil ang dami nitong oras pumatol sa social media.

Tweet ng netizen: “Ang nega nega na ng image ni @143redangel sobrang daming time humanash jusko”

Continue reading below ↓

Sumagot ang aktres, at ipinaliwanag nitong ginawa lang niya ang sa tingin niya ay tama—ang sabihing tumutulong si Liza.

Mababakas na nakipagsagutan pa si Angel sa netizen, pero burado na ang mga nauna niyang pakikipagsagutan.

Tila sinabihan rin ng aktres ang netizen na mag-repack na lang ito ng relief goods kesa mambatikos.

May sagot ang netizen na hindi porke't tumutulong si Angel ay may karapatan na itong mang-insulto.

Humirit si Angel.

Anito, ipinagtanggol lang niya si Liza, at wala siyang tweet na ipinagyayabang ang kanyang itinutulong.

Katuwiran ng aktres: “Nababash si hopie [palayaw ni Liza].

“Nag salita ako ng totoo na tumutulong sya, na totoo naman.

“Nagalit ka. Bakit? Anong mali dun?

“Nasaang part dun na sinabi ko ang tulong ko?

“Sorry wala lang akong pasensya sa attitude mo, lalo na ngayon, na puro reklamo as if ikaw lang ang may karapatan sa mundo.”

Continue reading below ↓

Sa huli, humingi ng paumanhin si Angel sa netizen kung nasaktan ito sa kanyang sinabi.

Pero nakiusap ang aktres na huwag na siyang i-tag, nang sa gayon ay hindi na niya mabasa ang mga mensahe ng netizen.

“Thank you :) sorry kung na hurt ka sa sinabi kong mag repack ka kesa maging nega para hindi sayang ang data :) maganda ang intention ko dun, promise pwede mo na akong hindi i-mention pa sa replies mo [smiley] Ingat!”

Continue reading below ↓

May ilan ding pumuna kay Angel at tinawag siyang "mapagpatol," pero sa kabuuan ay mas marami ang nagtanggol sa kanya.

ANGEL DEFENDS “ANGELICA”

Noong nakaraang linggo, nakipagsagutan din si Angel sa isa pang netizen.

May ni-retweet si Angel na video ng isang ina na bitbit ang kanyang toddler.

Nananawagan ang ina dahil tinatanggihan daw sila ng mga ospital.

Reaksiyon dito ni Angel, hindi dapat makaranas ng diskriminasyon ang sinuman.

Dapat ay may access daw ang lahat sa health care.

Nag-react ang isang netizen na tila maka-Duterte rin.

Gusto raw nitong sisihin ang mga artista at iba pang personalities na iniimpluwensiyahan ang ibang tao upanglumabag sa pamahalaan, sa halip na makipagtulungan.

Pasaring pa ng netizen, “Diba Angelica”

Angelica Colmenares ang tunay na pangalan ni Angel.

Buwelta ng aktres: “Anong kinalaman ko dyan? Wala di ba, francis?”

Continue reading below ↓

Tila umurong ang tapang ng netizen, at sinabi nito kay Angel na ibang “Angelica” ang tinutukoy niya.

Sagot ni Angel: “Ok. Wag yung kaibigan ko ha”

Ang kaibigang "Angelica" na tinutukoy ni Angel ay si Angelica Panganiban, 33, naman.

Vocal si Angelica sa pagpapahayag ng opinyon sa social media ngayong may pandemic.

Continue reading below ↓

Noong nakaraang linggo ay ipinagtanggol ni Angelica ang alkalde nila sa Pasig na si Vico Sotto.

Ito ay matapos lumabas ang balitang pinaiimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si Mayor Vico dahil sa paglabag umano nito sa quarantine protocols.

Nag-tweet din si Angelica kamakailan tungkol sa pagsisisi raw niyang pangangampanya noon para kay Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng kontrobersiyal na “shoot them dead” speech ng Pangulo.

Pero hindi na nilinaw ng netizen kung sino ang “Angelica” na tinutukoy nito.

Tinawag namang "troll" ng ibang followers ni Angel ang netizen dahil tatlo lamang ang followers ng huli.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin (center) did not mince words in answering bashers criticizing her and fellow celebs Liza Soberano (left) and Angelica Panganiban (right).
PHOTO/S: @lizasoberano, @therealangellocsin, and @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results