From DOH to Angel Locsin: “Thank you very much po. Mabuhay po kayo.”

by Jet Hitosis
Apr 14, 2020
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Martes, April 14, si Angel ay gumanti ng pasasalamat sa DOH para sa “special mention” sa kanya sa presscon ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Nagpasalamat ang Department of Health (DOH) sa aktres na si Angel Locsin.

Special mention si Angel, 34, sa virtual presscon ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong Lunes, April 13.

Pinasalamatan ng opisyal ang mga isolation at sanitation tents na nai-donate ng aktres sa mahigit 60 hospitals sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

Ang donasyon ay bahagi ng #UniTentWeStandPH campaign ni Angel, katuwang ang fiancé niyang si Neil Arce.

Kasama ni Angel sa online fundraising para sa tent campaign ang mga kaibigang sina Dimples Romana, Dra. Marev Matic, at Gines Sarangaya.

Nakakalap ang grupo ni Angel ng PHP10,956,702.98 para sa target nilang makapagpatayo ng isolation tents sa 150 hospitals.

Ilang piling ospital ang napatayuan din ni Angel ng mga sanitation o misting tents.

Kabilang sa mga ito ang Philippine General Hospital (PGH) at Lung Center of the Philippines.

Ang PGH at Lung Center ay parehong itinalaga ng DOH bilang coronavirus disease o COVID-19 referral centers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MISTING TENTS IN PGH WILL BE REMOVED

Pero nitong April 10, itinigil na ng grupo ni Angel ang pagdo-donate ng mga sanitation tents.

Ito ay kasunod ng advisory ng DOH sa negatibong epekto sa kalusugan ng spraying at misting ng disinfectants.

Sa presscon ni Usec Vergeire, sinabi niyang naipag-utos na ng pamunuan ng PGH na tanggalin ang mga misting tents, alinsunod sa DOH advisory.

“Itong mga misting tents sa PGH ay ibinigay po, through a donation, ni Ms Angel Locsin,” sabi ng undersecretary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-inform na raw ng DOH si Angel tungkol dito, ayon kay Vergeire.

DOH PROTOCOL-COMPLIANT

Nilinaw ni Vergeire na walang problema ang kagawaran sa kalidad ng mga donasyon ng aktres.

Tanging ang advisory lang ng DOH laban sa misting ang dahilan ng pagbabaklas sa sanitation tents na donated ni Angel.

Paglilinaw ni Vergeire, “Siya [Angel] po ay sumusunod sa mga pamantayan at protocol ng Department of Health pagdating sa mga idino-donate niyang mga produkto, o mga equipment or supply.”

THANKFUL TO DONORS

Kasunod nito, sa ngalan ng DOH ay nagpasalamat si Vergeire sa lahat ng nagdo-donate sa mga hospitals at healthcare frontliners.

Kasama sa mga pinasalamatan ang actress-humanitarian na si Angel.

“Dahil diyan po, nagpapasalamat po kami sa lahat po ng mga nagbibigay, ng mga nagdo-donate.

“Ms. Angel Locsin, thank you very much po. Mabuhay po kayo!”

Samantala, sa kanyang Instagram Stories ngayong Martes, April 14, gumanti ng pasasalamat si Angel sa “special mention” sa kanya sa presscon ni Vergeire.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nauna rito, nagpaabot na rin ng pasasalamat sa hospital tents campaign ni Angel si Manila Mayor Isko Moreno.

Kabilang ang Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo sa mga ospital na unang nabiyayaan ng campaign ng aktres.

Sa ngayon, lampas 5,000 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa latest update ng DOH ngayong Martes, 5,223 na ang tinamaan ng virus sa Pilipinas.

May 295 nang napagaling, habang 335 na ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kanyang Instagram Stories ngayong Martes, April 14, si Angel ay gumanti ng pasasalamat sa DOH para sa “special mention” sa kanya sa presscon ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results