Government to provide wage subsidy for middle-class workers  

by Justine Punzalan
Apr 15, 2020
Through the Department of Finance's "Small Business Wage Subsidy Program," employees of small companies will be granted PHP5,000-PHP8,000 cash assistance for two months.
PHOTO/S: Department of Finance on Facebook / STOCKPHOTO

Magbibigay ang gobyerno ng PHP5,000 hanggang PHP8,000 na ayuda sa 3.4 million employees ng small to medium-size enterprises, o tinatawag na SMEs.

Apektado rin kasi ang mga empleyadong ito ng extended enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon at ibang pang parte ng bansa.

Ang ayuda ay ibibigay per month for up to two months, depende na rin sa ihahaba ng quarantine.

Ang proyekto ay tinatawag na Small Business Wage Subsidy Program (SBWS).

Iprinisinta ito ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III kay Presidente Rodrigo Duterte noong Lunes ng gabi, April 13, 2020.

Kinumpirma ni Karlo Nograles, spokesman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, sa kanyang briefing kahapon, April 14, na aprubado na ito ng Pangulo.

Ibinahagi rin ni Nograles kung sinong mga empleyado ang maaring mabilang sa programang ito.

"Out na iyong large business dito. Dito lang tayo sa small businesses na currently registered at gumagamit ng SSS, at registered sa BIR. Ito muna iyong priority," sabi ni Nograles.

Continue reading below ↓

Kailangang parte rin ng kumpanya ang empleyado noong March 1, 2020.

Pagpapatuloy niya, "Number two, dapat hindi pa siya nababayaran ng employer niya. So for that month, hindi pa siya nababayaran.

"Number three, lahat covered except iyong on leave and except iyong mga nag-a-avail na ng SSS unemployment benefits.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Number four, dapat hindi na-retrench, ni-let go, o ifinire-out ng kumpanya ang empleyado at iyong empleyado, hindi rin mag-resign.

"Iyon iyong condition kasi, ang point natin dito, ayaw natin mawalan ng trabaho ang empleyado."

Ang coverage nga ng subsidiyang ito ay dalawang buwan.

Klinaro ni Nograles na ang mga empleyadong nakatanggap na ng ayuda mula sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) ay mabibigyan ng isang buwan na subsidiya.

Aniya, "Kung naalala niyo, meron tayong CAMP under sa Department of Labor and Employment.

"So iyong under ng CAMP at nabigyan na ng DOLE, PHP5,000 na financial assistance, hindi na tayo magbibigay ng one month [subsidy] nila.

Continue reading below ↓

"Pero sa second month o sa second tranche, covered sila."

Iaabot ang ayudang ito sa mga employedo tuwing kinsenas.

"The first tranche will be paid out on May 1 to May 15, and the second tranche will be paid out on May 16 to May 30," sabi ni Nograles.

Ang ayudang ito ay katumbas ng emegency subsidy na kasalukuyang ipinamimigay ng gobyerno sa informal sector.

Samantala, hindi lamang ang mga empleyado sa Metro Manila ang sakop ng SBWS.

Kasama rin dito ang mga empleyado sa Regions III (Central Luzon) and IV-A (Cavite-Laguna-Batangas-Quezon area or Calabarzon).

And sabi ni Finance Secretary Dominguez, nasa 1.6 million small business ang sakop ng programang SBWS, kabilang na ang mga employers na hindi "fully compliant" sa SSS at BIR.

Nasa 2.6 million naman ang bilang ng mga empleyadong nasa ilalim ng employers na nakarehistro sa nasabing mga ahensiya ng gobyerno.

Nasa 800,000 naman ang kabilang sa mga "not fully compliant."

Continue reading below ↓

Dagdag ni Dominguez, ang small businesses na ito ay iyong mga hindi kasama sa 2,745 large taxpayers ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Binanggit rin ni Finance Undersecretary Karl Chua sa Presidente, sa kanilang pagpupulong noong Lunes, April 13, na ilulunsad ng finance department ang programang ito bilang tulong sa middle-class earners na apektado ng ECQ.

"Basically we are going to help the middle class because in one of your speeches a few days ago, you wanted to help the middle class, and so we have proposed a program to help the middle class," sabi ni Chua.

Dagdag rin niya, ang SBWS ay kanilang ilulunsad sa ilalim ng Republic Act No. 11469, na may layuning tumulong sa maliliit na kumpanya sa panahon ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic.

Read Next
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Through the Department of Finance's "Small Business Wage Subsidy Program," employees of small companies will be granted PHP5,000-PHP8,000 cash assistance for two months.
PHOTO/S: Department of Finance on Facebook / STOCKPHOTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results