Ethel Booba reveals why she disowned 1.6M-strong @IamEthylGabison Twitter account

by Arniel C. Serato
Apr 15, 2020
Ethel Booba talks about the person she allowed to use her identity on Twitter for years: "Nung pumasok yung 2019, parang ano, e, iba na yung flow. Puro pulitika, puro pulitika na lang siya..."
PHOTO/S: Screenshot from Ethel Booba YouTube Channel

Nilatag na ng comedienne-singer na si Ethel Booba, 43, ang dahilan ng pagtatwa niya sa Twitter account na @IamEthylGabison.

Sa loob ng apat na taon ay napaniwala ang maraming netizens na kay Ethel ang naturang Twitter account, na mayroong 1.6 million followers.

Marami ang naaliw dito dahil sa nakakatawa at matatalas na komento sa mga isyu sa pulitika at showbiz.

Pero noong April 9, 2020, nagulat ang marami dahil itinatwa ni Ethel na siya ang may-ari ng @IamEthylGabison Twitter account.

“BEWARE of this FAKE! twitter!" ang mensaheng ipinarating niya sa kanyang Instagram followers.

Ito ay sa kabila ng ilang beses niyang sinabi sa publiko na siya ang may-ari nito.

"FAKE" TWITTER ACCOUNT

Martes ng gabi, April 14, nag-post si Ethel ng vlog sa kanyang YouTube channel.

Pinamagatang "Ethel Booba Vlog#50 THE REVELATION," ibinahagi ng komedyana ang mga pangyayari kung bakit siya napapayag na gamitin ng ibang tao ang kanyang pangalan sa Twitter.

Continue reading below ↓

“Itago na lang natin siya sa pangalang 'Fake,'" pagpapakilala ni Ethel sa taong tinutukoy niya.

Taong 2016 daw nang magparamdam ito sa kanya.

Lahad ni Ethel, “Nag-start kasi iyan noon, sa pagkaalala ko, early 2016.

"Kasi yung Twitter account niya, parang eight years na at... ganyan, eight years na.

"Pero 2016 lang siya sa akin nagparamdam."

Paglilinaw pa ni Ethel, hindi raw niya kilala o nakikita hanggang ngayon ang taong nagsilbing "admin" sa Twitter account niya.

Hindi rin daw siya ang direktang nakakausap nito kundi ang kanyang mga kapatid, partikular na si Boobita.

“Kinakaibigan niya yung mga kapatid ko.

“Mga before nga, mas close niya si Boobita, e.

“Si Boobita yung mini-message niya nang mini-message lagi.

“Nakipagkaibigan siya, pini-PM [private message] niya.

“Actually, sa Twitter muna... sa Twitter finollow niya yung mga kapatid ko.

"Nagulat nga ako, e.

"Kasi dati, before pa ‘ata, hindi lang 2016, meron akong Twitter before, na ano ang account ko doon is @iamrealgabisonethyl.

Continue reading below ↓

“Ganun yung Twitter ko.”

INACTIVE TWITTER ACCOUNT

Itinigil daw ni Ethel ang kanyang Twitter account matapos mawalan ng gana dahil puro awayan daw ang kanyang nababasa.

"Tapos, napuna ko, ‘Bakit ganun sa Twitter, puro war, there’s so much hatred in their heart. Oh my God, bakit ganun?’

“Parang nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng gana, parang hindi maganda.

"Parang hindi maganda ang Twitterworld para sa akin.

“Parang nakaka-bad vibes siya, so tinanggal ko yun."

Ilang taon nang hindi aktibo ang Twitter account ni Ethel nang may nag-direct message daw sa kanya.

"Sabi niya sa akin, ‘Hi Miss Ethel, fan mo ako, chu-chu-chu-chu.'

"Pero ang pangalan, Ethel Booba.

“Ethel Booba ang nakalagay."

Hindi raw ito pinansin ni Ethel, hanggang hindi na raw niya nabuksan ang Twitter account na @iamrealgabisonethyl.

Pagpapatuloy ng comedienne, “So, ganito na, around 2016, finollow niya yung mga kapatid ko sa Twitter, kasi may mga Twitter din sila.

Continue reading below ↓

“Tapos sabi ng mga kapatid ko, ‘Finollow ako ng Twitter mo.’

“Sabi niyang ganun, ‘Ikaw pa ba yun?’

“Sabi ko, ‘Hindi, hindi na ako nagtu-Twitter, e.’

“Tapos tiningnan ko yung account, ‘A, oo nga.’

“Kasi kaunti lang yung finallow niya, e.

“Tapos nung tumagal, finollow niya si Jerry... okay, magni-namedrop ako, ha."

Ang "Jerry" na tinutukoy ni Ethel ay ang kaibigan niyang kinaibigan naman ni "Fake."

“Itong si Jerry, lagi kong kasama, kawalwalan ko, ganyan, okay.

"Hanggang ngayon, actually, kasama ko siya lagi pag may taping."

Si Jerry raw ang nagpaparating sa taong nasa likod ng @IamEthylGabison ng mga update tungkol kay Ethel.

NO DIRECT CONTACT

Inulit ni Ethel na wala siyang direktang kontak sa gumagamit ng kanyang pangalan sa Twitter.

Saad niya, “Ang sinabi niya lang ganun sa mga kapatid ko, 'I am a fan.'

“Sabi niya, ‘I’m a fan of your Ate, chu-chu-chu-chu. Gumawa pa nga ako ng Twitter, e, you can check.’

Continue reading below ↓

“Tapos ako naman, naku-curios ako, tiningnan ko.

"Tapos pagtingin ko, ‘Ay, bakit ganun?'

"Parang kinokopya lang niya lahat ng mga pinu-post ko sa Facebook, kinukopya niya, nilalagay niya sa Twitter.

“Tapos sabi ko, ‘Kuhang-kuha niya, ‘no, yung the way na pagsasalita ko? Ganyan.’

“Kung kailan niyo ako minahal noon pa, di ba?

“Sa Extra Challenge, ganun ako magsalita, yung mga charot-charot, ganyan."

Noong una raw ay natuwa si Ethel sa mga nababasa niyang tweets.

“Hindi naman nakaka-harm sa ibang tao, kasi puro mga ano lang qoutes, nakakatawa lang."

Paliwanag daw niya sa mga nagtatanong: "Hindi na ako ‘yan, hindi ko ‘yan account.

'Kasi hindi na ako active dun sa dati kong account at hindi ko na rin siya ma-open, ewan ko kung na-hack or something."

Dahil na rin sa witty at nakakaaliw na posts sa @IamEthylGabison, dumami nang dumami ang followers nito.

Hanggang sa, nang isinara ito ni Ethel, umabot na ito sa 1.6 million followers.

Continue reading below ↓

“CHAROTISM” BOOK

Dahil sa pagsikat ng tweets ni @IamEthylGabison, inalok ng Viva Books ang comedienne na maglunsad ng libro noong 2016.

Ito ay ang #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba, na naglalaman ng collection ng sikat na tweets ni Ethel tungkol sa showbiz, love, at beauty.

"Hanggang tinawagan na ako ng Viva.

"Kasi natuwa, e, natuwa sa mga tweets.

"Puro mga walang pulitika, walang siraan, walang che che bureche, puro mga ganun lang.

“Tapos, kasi nga maganda 'yung flow nung mga tweets, kaya nakakatawa lang.

"So, hinayaan ko lang..."

Sa madaling salita, inangkin ni Ethel ang Twitter account na @IamEthylGabison dahil nakikinabang naman siya rito at tumaas din ang kanyang popularidad.

Sa puntong ito ay direktang kinausap ni Ethel ang mga manonood: “So, ito na, nagkaroon ako ng book, ‘Day, maraming sumuporta sa akin.

"Oo, kayo yun, yung mga sumuporta sa akin.

“Actually, nagpapasalamat ako na natuwa kayo, nagpapasalamat ako sa Viva na nagtiwala sa akin.

Continue reading below ↓

“Kailangan ko yung angkinin dahil ginagaya lang naman niya ako.

“Tsaka nagpi-feed ako sa kanya, e, ng mga itu-tweet niya na nakakatawa."

Ipinaparating daw ni Ethel sa mga kapatid niya at kay Jerry ang tweets niya sa "admin" ng kanyang Twitter account.

“Wala akong contact sa kanya. Hindi ko nga alam ang pagmumukha niya, e."

THE TRIGGER

Pero nitong 2019 ay napansin daw ni Ethel na nag-iba na ang takbo ng peke niyang Twitter account.

"Puro pulitika, puro pulitika na lang siya," sambit niya.

“Ang nakapansin nga nun, 'yung isa kong kapatid, e.

"Sabi nga nun, ‘Bakit ganun 'yung ano mga tweet? Ito na naman siya, ‘Te.'

"Kaya pinagsabihan ko nga, e.”

Salungat pa raw ang mga lumalabas na tweet sa kanyang paniniwala.

Ayon kay Ethel, “Lagi ko yang ano, kapag sinisiraan ang administration.”

Maririnig naman sa background ang mister ni Ethel na si Jessie Baltazar, na siyang nagsilbing cameraman ng comedienne.

Continue reading below ↓

Sabat ng asawa ni Ethel, “At saka mga politician, sina Bong Revilla…”

Pagpapatuloy ni Ethel, “Lagi ko 'yang pinagsabihan... lahat.

“May ano nga ako, may message nga ako... huwag siyang ano.

“'Pagsabihan mo nga 'yan, huwag siyang mangialam ng tungkol sa pulitika.'"

Diin pa niya, "At wala naman akong kahilig-hilig diyan.

“E, dapat kumandidato na ako, ako na mismo, dami kong followers, baka nanalo pa ako.”

Ang lalo raw ikinagalit ni Ethel ay ang lumabas na mga tweets matapos ng address to the nation ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 1, 2020.

Ang huling dalawang tweets ng @IAmEthylGabison ay tungkol sa buwis at ambagan.

Continue reading below ↓

Saad ni Ethel, “Ayun na nga, puro pulitika, pulitika.

“Actually, kaya ako pina-report ito dahil medyo ano, e, medyo below the belt yung mga tweet niya.

“Below the belt 'yung tinu-tweet niya na, 'A, nagbabayad naman tayo ng tax, bakit kailangang mag-ambag?'

"Yung ganun, di ba?

“May nag-send sa akin ng ganun. Sabi ko, ‘Ha, ano na naman 'yang pinag-iingay niya?”

Pinuna rin ng gumagamit ng kanyang Twitter account ang reading comprehension ni Pangulong Duterte, dahil binabasa nito ang ilang bagay na ipaparating sa publiko.

Sabi ni Ethel tungkol dito, “E, bakit naman, di ba? E, diskarte ng Pangulo 'yun.

“Kailangan binabasa para walang makakalimutan, para dun lang naka-focus.

“Ano ba pakialam niya, di ba?

“E, 'yun yung pananaw ko. Nagpapapansin kasi, e.”

MULA SA PATNUGOT: Sa ikalawang bahagi ng artikulong ito ay sasagutin ni Ethel Booba ang katanungan kung anti- or pro-Duterte government siya.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba talks about the person she allowed to use her identity on Twitter for years: "Nung pumasok yung 2019, parang ano, e, iba na yung flow. Puro pulitika, puro pulitika na lang siya..."
PHOTO/S: Screenshot from Ethel Booba YouTube Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results