Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Alex Gonzaga fends off bashers comparing sister Toni to Angel Locsin, Bea Alonzo 

by Bernie V. Franco
Apr 15, 2020
Alex Gonzaga (left) defends Toni Gonzaga (center) against netizen demanding to know what Toni has done during the health crisis; netizens are also looking for Toni's Four Weddings And A Funeral co-star Shaina Magdayao (right).
PHOTO/S: @cathygonzaga, @celestinegonzaga, @shaina_magdayao on Instagram

Todo ang pagtanggol ni Alex Gonzaga, 32, sa kapatid na si Toni Gonzaga, 36, matapos kuwestyunin ng netizens kung may ambag si Toni ngayong may krisis sa bansa.

Ipinagmalaki rin ni Alex ang ginagawang tahimik na pagtulong ng kanyang ate.

Nagsimula ito nang mag-post sa Twitter ang isang daily broadsheet ng larawan ni Bea Alonzo, 32, na naghahanda ng pagkain para sa frontliners.

Ni-retweet ito ng isang netizen. Pero sa caption ay pinatamaan nito si Toni.

“SI TEDDIE SALAZAR LANG TALAGA WALANG KWENTA,” komento ng netizen.

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ng netizen ay ang pangalan na karakter ni Toni sa 2013 blockbuster hit movie, Four Sisters and a Wedding.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Gumanap na magkakapatid sa pelikula sina Toni (bilang Teddie), Bea (bilang Bobbie), Shaina Magdayao (bilang Gabbie), at Angel Locsin (bilang Alex).

Hindi rin lingid sa marami ang aktibong pagtulong ni Angel, 34, ngayong may health crisis.

Nakalikom siya ng higit P10 million sa proyektong pagtatayo ng tents para sa frontliners at COVID-19 patients.

ALEX DEFENDS SISTER ALEX

Sinakyan naman ng ilang netizens ang tweet na kumutyang “walang kwenta” si Toni.

Narito ang ilang tweets na nakisakay sa panlalait kay Toni:

Continue reading below ↓

Kahapon, April 14, sinagot ni Alex ang mga netizen na umalipusta sa kanyang ate.

Buwelta niya: “Teddie Salazar walang kwenta pero yung Toni Gonzaga dami na naitulong di lang sya mapost.

“Ako magpopost teka lang”

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay ipinost ni Alex ang larawan ng patung-patong na relief goods.

Ayon sa TV host-vlogger, ang mga ayudang ito ay mula sa kanyang kapatid.

“The 4th batch of our 1k relief goods is from my sister.

“She has been continuously helping without posting anything.

Inisa-isa rin ni Alex ang mga kawanggawa ni Toni.

“She has built and renovated different churches, has scholars and regular feeding program for kids.

“Ako nalang magpost kasi im so proud of my generous Ate! [heart emoji]”

Continue reading below ↓

Kamakailan ay sinagot ni Toni ang isang netizen na minura siya dahil wala raw siyang ginagawang pagtulong sa gitna ng krisis.

Bahagi ng sagot ng Kapamilya actress-host: "I NEVER broadcast the help we give. I don't need your validation and praise for it.

"Some people can work and help in silence. Respect that.

"Not everything is publicized like how u want it."

WHERE IS SHAINA?

Bunsod ng pagkuwestiyon sa ambag ni Toni, may mga nagtanong din kung nasaan si Gabbie—ang karakter naman ni Shaina sa Four Sisters and a Wedding.

Narito ang kanilang tweets:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Base sa recent Instagram posts ng kanyang kapatid na si Vina Morales, tahimik ding tumutulong si Shaina.

Sa Instagram Stories ni Vina, naka-tag si Shaina sa mga tumulong para makapagpadala ng personal protective equipment (PPEs) sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Continue reading below ↓

May posts din si Shaina ng fundraising projects para masuportahan ang young cancer patients at ang kanilang pamilya, pati na ang mga taga-entertainment industry ngayong may COVID-19 crisis.

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alex Gonzaga (left) defends Toni Gonzaga (center) against netizen demanding to know what Toni has done during the health crisis; netizens are also looking for Toni's Four Weddings And A Funeral co-star Shaina Magdayao (right).
PHOTO/S: @cathygonzaga, @celestinegonzaga, @shaina_magdayao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results