Ethel Booba denies receiving death threat or making money from disowned Twitter account

by Arniel C. Serato
Apr 15, 2020
Ethel Booba makes a clarification about her political color: "Walang Dilawan, walang Duterte. Magkaisa tayo."
PHOTO/S: YouTube

Itinanggi ni Ethel Booba ang akusasyong pinagkakitaan niya ang @IamEthylGabison Twitter account at nakatanggap siya ng death threat.

Sinabi ito ni Ethel sa ikalawang bahagi ng YouTube vlog niya, Martes ng gabi, April 14.

Tungkol sa pinagkaperahan daw niya ang Twitter account na may 1.6 million followers: “Dapat ang yaman-yaman ko na.

“Sa dami ng siniraan niya, si 'Fake,' so parang ang yaman ko na siguro.

“Talagang bumalandra na ako diyan, saku-sakong bigas na.

“Bakit mo ako sisiraan nang ganyan? Hindi ko ugali ‘yan. Hindi ako ganyang tao.”

Hindi naman daw masamang pumuna, pero dapat magkabilang panig ang tinitira at hindi lang iisa.

Saad niya, “Okay lang naman tira dito, dapat ganun, e, dapat pantay, e.

"Kaso nga, hindi. Dun ko na rin napuna na, ‘Bakit ganito, bakit hindi na ako yung kinukopya niya. Hindi na as ako na puro funny lang.’

“Wala naman akong pakialam sa mga pulitika-pulitika na ‘yan."

Continue reading below ↓

NO DEATH THREAT

Itinanggi rin ni Ethel na nakatanggap siya ng death threat kaya itinatwa niya ang @IamEthylGabison.

“Wala akong death threat ‘no? Bakit ako magka-death threat, ano bang ginawa ko?" saad ng comedienne-singer.

Saad pa ni Ethel, “Tapos meron pang sinasabi na hindi daw nababayaran yung admin kaya na-shutdown yung Twitter account.

“Wala. Sino ba ang nang-aano dito? Baka ako pa ang nagagamit dito?

“Baka meron siyang hidden agenda na hindi ko alam, namumulitika na siya, e.

“Tsaka kailangan ko ‘tong i-report na at i-stop na, at kailangan ko na ‘tong tuldukan na talaga.

"Kasi malapit na rin yung eleksiyon, e, two years na lang, baka pagkakitaan niya pa ‘to.

“Ngayon na, lalo na ngayon din na nasa krisis tayo.

“Bira lang siya nang bira tapos ako yung nasisira.

“Huwag ganun. Huwag kang manira."

Mensahe pa niya sa admin ng @IamEthylGabison: "Fake, tigilan mo na ‘yan. Tigilan mo ‘yan, makakarma ka sa ginagawa mo.”

Continue reading below ↓

TOO MUCH POLITICS

Isa sa dahilan kung bakit itinatwa ni Ethel ang Twitter account na @IamEthylGabison ay ang pamumulitika raw ng administrator nito.

“Talagang nabuwisit na talaga ako, nanggigil ako, e.

“Kasi bakit biglang mag-iingay sa ganun, lalo na sa sitwasyon natin ngayon.

“Nandito tayo sa ano, may pandemic tayo,"

Sa bandang huli raw kasi ay siya ang masisira sa mga ipinu-post ng "Fake" na Ethel.

Naluluha niyang pahayag, “Na may nangyayari sa buong mundo, ha.

“We are in a desperate situation right now.

“Oo, naiiyak ako dahil hindi natin alam kung makakalabas pa tayo, di ba?"

Ang tinutukoy rito ni Ethel ay ang COVID-19 pandemic.

Patuloy niya, “Hindi, kasi ano... parang yung tweet na nagbabayad ng tax tapos mag-ambag-ambag.

“Bakit pinagmumukha mo akong maramot?

"Hindi ako maramot na tao, kung kilala mo lang ako personally.

“Ako yung una, promotor ng fundraising.

"May anak lang ako ngayon, hindi ko maasikaso [ang fundraising].

Continue reading below ↓

“Nagtu-tweet ka ng kung anu-ano, kapapanganak ko pa nga lang."

Idinadamay raw kasi ng ilang netizens na nakabasa ng posts ni @IamEthylGabison ang bagong silang niyang anak.

Ipinanganak ni Ethel ang "Little Booba" nila ni Jessie Salazar noong Pebrero lamang.

Himutok pa niya, “Anghel pa ‘yan, gabaan kayo.

“Nanahimik ako. Nagbuntis ako wala na nga akong pakialam diyan, e.

“Ang tagal ko nang walang koneksiyon diyan sa ano sa Twitter."

“BAKIT KAILANGAN MO AKONG GAMITIN”

Lately daw ay napansin ni Ethel na lahat ng isyu ay gusto nang pasukin ng nanggagamit sa kanyang pangalan.

“Hindi mo na alam ang mga tweets, di ba?

“Hindi, wala nga akong pakialam, di ba?

"Matagal na akong wala akong pakialam diyan simula nung puro pulitika na lang.

"Pati yung mga pini-feed kong mga jokes, hindi na niya tinu-tweet."

Pasaring pa niya, “Masyado kasing papansin.

"Bakit hindi ka... dapat gumawa ka na lang nga maraming account. Yung ikaw, sa iyo.

Continue reading below ↓

"Ginagamit mo ako dahil ano? Dahil ako ‘to?

“Dahil mas mapapansin ang mga tweets mo?

"May sarili ka palang hinaing, e. Bakit kailangan mo akong gamitin?”

Bago siya manganak, binalaan na raw ng kapatid ni Ethel ang admin ng @IamEthylGabison Twitter account na tigilan na ang pagtu-tweet ng negatibo.

Pero hindi pa rin daw ito nagpapigil.

Sabi ni Ethel, “Nakaka-high blood na talaga yung mga ganito. Kaya sinabi ko na ire-report ko na siya.”

Nanawagan naman si Ethel sa mga taong nakatransaksiyon ng kanyang impostor na mag-reach out sa kanya.

“Dapat sabihin niyo yung lahat na nabiktima niyan.

“Dapat sabihin niyo rin sa akin para malaman ko, mati-trace natin ‘yan yung mga pangalan."

Nanawagan din siya para sa pagkakaisa ng lahat.

Sabi ng komedyana, “Dapat hindi nga tayo ano, e, Duterte o Dilawan na ngayon, kailangan natin na magkaisa tayo.

“Kasi hindi natin alam kung katapusan na ng mundo. Dapat magtulung-tulong tayo.

Continue reading below ↓

“Hindi tayo makalabas, hindi ko maipasyal yung anak ko. Gusto ko ipakita sa kanya ang mundo.”

DILAWAN OR DDS?

Binigyang linaw na rin ni Ethel ang mga tanong kung "Dilawan" ba siya dahil sa mga patutsada ng @IamEthylGabison Twitter account laban sa pamahalaan.

"Dilawan" ang tawag ng Diehard Duterte Supporters sa mga bumabatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Ethel, sinuportahan niya si Duterte nang tumakbo itong Presidente.

“Pero ngayon, sa mga nagtatanong kung Dilawan ako o ano, ako, magpapaka-transparent ako.

“Sinuportahan ko ‘yang Pangulo natin sa pagka-campaign.

“Tsaka dati, kahit noon pa sa Davao. Magkasama kami niyan sa campaign.

“Binoto ko nga yung tao, e.

“Binoto ko nga as president, tapos kokontrahin ko? Ano ba naman ‘yan?

“Bakit ganyan, bakit tinuturuan mo ng pagpupulitiko yung Twitter?

“Dati okay lang, e, katuwaan lang ‘to, e.

"Malay ko ba na lolobo nang lolobo yung mga followers niyan.”

Itinanggi rin ni Ethel na binayaran siya para sa mga tweet kontra kay Pangulong Duterte.

Continue reading below ↓

Aniya, “Wala talaga, e, dapat ang dami ko nang ano... mga ipinamigay ko na lahat 'yan.”

“KAILANGAN NA TULDUKAN”

Kasunod nito, binigyang linaw ni Ethel kung bakit napagdesisyunan niyang tuldukan na ang Twitter na nakapangalan sa kanya.

Hindi lang daw dahil sa bashers, kundi upang matigil na raw ang panggagamit sa kanya sa maling paraan.

Mensahe ni Ethel sa mga bumatikos sa kanya: “Puro kayo paghuhusga, hindi niyo muna ako pinapakinggan.

“Huwag kayo magalit sa akin, dapat kasi tinatanong niyo muna ako."

Dagdag niya, “Kaya ko ‘to, kailangan na tuldukan, galit na galit ako, e.

"Noon ko pa ‘yan dapat ginawa.

“Sabi ko sa kanya, ‘Tigilan mo ‘yang pamumulitika. At ire-report kita.'

“Madali lang naman mag-report, at sinabi ko lang na na-hack, e.

“May message nga siya…”

Sa puntong ito, ang mister niyang si Jessie ang nagbasa ng mensahe ng “Fake Ethel.”

Ayon daw rito, huwag nang i-report kundi sabihin na lang na na-hack ang account para makadistansiya na siya rito.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ni Ethel, “Ito, galing 'to sa kapatid ko, na sinend sa akin.

“Kasi sila yung may contact dun. Wala akong kontak sa kanya.

“Kung may direkta akong kontak sa kanya, pinagmumura ko na talaga ‘yan e.”

SPARE MOCHA USON

May banta pa diumano ang admin ng @IamEthylGabison na magsasalita ito.

Natatawang sabi ni Ethel, “Ano, nakamaskara ka?

"Sige, magsalita ka.

"May message pa siya na ano, huwag daw ako mag-aalala dahil fans ko sila.

"So, hindi lang siya, madami silang humahawak ng account na ‘to."

Galit niyang pahayag: “Mga animal kayo! Huwag niyo... wala akong ginagawa sa inyo.”

Kasunod nito, ipinaliwanag ni Ethel na wala silang away ni Mocha Uson.

Marami na kasing pagkakataon noon na binibira ng kanyang “tweets” si Mocha.

Ang pinakahuli ay noong Marso, kung saan to the rescue si "Fake Ethel" kay Pasig City Mayor Vico Sotto laban sa pamumuna ni Mocha dahil sa pagpayag ng alkalde na bumiyahe pa rin ang tricycles sa kanyang lungsod.

Continue reading below ↓

Saad ni Ethel, “Tapos tinitira niyo nang tinitira si Mocha, bakit, may gusto ba kayo sa dyowa ni Mocha?

“Wala ngang ginawa sa akin yung tao, ba't bira ka nang bira? Insecure ka ba?

“Nakakainis ka, hindi ka na nakakatuwa, a.

"Pulitika ka nang pulitika.

"Dapat maganda yung flow natin before."

Noong 2018 daw ay muli siyang tinawagan ng Viva Books para sa Book 2 ng #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba.

Pero ayon kay Ethel, “Hindi ko na pinansin kasi nabubuwisit na ako sa 'yo. Puro ka na pagpupulitika.

“Hindi ka na nakikinig sa akin. Hindi na kita ma-control.

"Okay sana before, e.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa 'yo. Sa inyo.

"Huwag niyo ako ginaganito."

CALLS FOR UNITY

Ngayon, marami pa ring namba-bash kay Ethel, pero wala raw siyang pakialam dito.

Basta huwag lang daw idadamay ang kanyang anak.

“Sa mga nagba-bash, bahala kayo kung ikakatuwa ninyo ‘yan.

Continue reading below ↓

"Huwag niyo idadamay ang anak ko.

“Wala nga ‘yang kalam-alam, anghel pa ‘yan. Gabaan kayo. Makarma kayo. Mamatay kayo talaga.

“Buwisit ako. Napaiyak ako, naiinis ako.

“Nanahimik ako, nag-aalaga ako ng bata tapos biglang nagtu-tweet ng kung anu-ano."

Patuloy niya, “So, ngayon, sinabi ko lang po lahat ng totoo dahil deserve din ito nung mga followers ni 'Fake twitter.'

Mensahe pa ni Ethel, "Maraming salamat sa pagmamahal sa akin.

“Kung sa kanya, pagkakakitaan yun. Maraming nagpa-post.

“So, dapat ma-stop talaga, kaya huwag kayo magpapaniwala kung kani-kanino.

"Yun din ang lesson dun.

“Number one fan ka pa, huhudasin ka rin pala pagdating sa dulo.”

Sa pagkakatong ito, nanawagan naman ng pagkakaisa si Ethel dahil sa kinakaharap ng mundo ngayon dulot ng COVID-19 pandemic.

“Ang ano ko lang talaga, gusto ko mangyari, dapat magkaisa tayong lahat.

"Walang Dilawan, walang Duterte. Magkaisa tayo.

“Hindi natin alam hanggang saan ‘to, baka mamaya ito na talaga yung katapusan natin.

Continue reading below ↓

“Dapat tigilan niyo na rin ‘yang pangba-bash, hindi ‘yan nakakatulong.

"Magagabaan kayo, sa totoo lang."

Diin pa ni Ethel, “Walang threat akin.

"Ito, para matapos, ha, sa mga nagatatanong kung anti-Duterte ako, kalkalin niyo yung Instagram ko, i-back read niyo 'yang Facebook ko, makikita niyo ang tunay na kulay ko.

"Hindi ako anti-Duterte, tigilan niyo ako sa mga hidden agenda niyo.

"Yun lang po.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba makes a clarification about her political color: "Walang Dilawan, walang Duterte. Magkaisa tayo."
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results