
Para kay Star Magic 2019 and Killer Bride actor Kyle Velino, simple lang ang paraan para makatulong tayo sa laban ng gobyerno kontra COVID-19.
"The biggest help we can do right now is by staying home," sabi ng 20-year-old actor nang hingan ng mensahe ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
"That's the most basic at pinakamalaking bagay na maitutulong natin.
"But if we have the means to help, much better.
"And you know, there are so many ways to help.
"Pero ang pinakaimportante ho e tulungan ho natin na huwag ma-spread yung virus na 'to. Dahil hindi ho biro ito.
"Tulungan ho natin ang gobyerno, tulungan ho natin ang lahat ng mga tao na tumutulong para labanan ang virus na ito.
"Disiplina po talaga ang kailangan.
"Let us all put politics aside... lahat ho.
"Let us start being human beings helping each other."
Dagdag pa ni Kyle, kung sama-sama raw ang lahat ng Pilipino, malalagpasan natin lahat ang krisis na ito.
"Malalagpasan ho natin ito dahil Pilipino ho tayo."
Bago magtapos, pinasalamatan ni Kyle ang frontliners sa serbisyo ng mga ito sa publiko.
"Saludo ho kami sa inyo. Maraming-maraming salamat ho talaga."
Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTube