Senator Sherwin Gatchalian, JV Ejercito, Bianca Gonzalez troubled by public’s blatant quarantine violations

by Jet Hitosis
Apr 16, 2020
(L-R) Senator Sherwin Gatchalian, former Senator JV Ejercito, and TV host Bianca Gonzalez, looking at recent Edsa pictures, worry about the public's disregard for the government's call to stay at home.
PHOTO/S: Senator Win Gatchalian, JV Ejercito on Facebook, @iamsuperbianca on Instagram

Nababahala sina Senador Sherwin Gatchalian, dating Senador JV Ejercito, at ang vlogger-TV host na si Bianca Gonzalez sa pagdagsa ng private vehicles sa EDSA sa nakalipas na mga araw.

Tanong nila: Bakit maraming tao ang nasa labas ng bahay?

Ito ay kahit na umiiral—at na-extend pa nga—ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Pinalawig ng gobyerno ang quarantine hanggang sa April 30.

Simula nitong March 17, sarado ang maraming establisimyento at sinuspinde ang pampublikong transportasyon upang kumbinsihin ang publiko na manatili sa loob ng bahay.

Pawang mga healthcare frontliners, emergency responders, law enforcers, at mga nasa food production-delivery, at basic services lang ang pinapahintulutan sa lansangan.

Layunin nitong mapigilan ang pagdami ng nagpopositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa bansa.

EDSA: BUSY AS USUAL

Nitong Miyerkules ng tanghali, April 15, idinaan ni Senator Gatchalian sa Twitter ang reaksiyon niya tungkol sa pagdagsa ng mga tao sa lansangan.

Halata ang magkahalong gulat at pagtataka sa tweet ng senador:

Continue reading below ↓

“Is it me or ang daming tao na sa kalsada ngayon?”

Sumang-ayon si Ejercito kay Gatchalian.

Sinabi ng dating senador na noong Lunes, April 13, pa kapansin-pansing maraming tao ang nasa labas ng kanilang mga bahay.

“Madami talaga Bro, since Monday pa,” sagot ni Ejercito.

Continue reading below ↓

Para patunayan ang kanyang punto, nag-tweet si Ejercito ng litrato ng isang bahagi ng EDSA na kuha nitong Miyerkules ng umaga.

Makikita na mistulang walang quarantine at parang pangkaraniwang eksena sa EDSA sa dami ng mga sasakyan.

Napa-react din tuloy si Bianca.

Pupuwede nga raw kayang nagsabay-sabay ang “essential travel” ng publiko kaya sabay-sabay silang lumabas sa kanilang mga bahay?

Continue reading below ↓

“This is.. alarming. [pensive face emoji] Is it possible this is all essential travel? [face screaming in fear emoji]” tweet ni Bianca.

EJERCITO: “UNFAIR TO PEOPLE WHO REALLY STAY HOME”

Dahil sa nangyayari, nangangamba si Ejercito na nababalewala lang ang extended quarantine.

Hindi naman daw kasi sumusunod ang publiko sa panawagang manatili sila sa loob ng bahay.

Continue reading below ↓

Ayon sa dating senador, unfair ito para sa mga tumatalima sa gobyerno at nagtitiis na hindi lumabas ng bahay.

Reply ni Ejercito: “Really worried.

“Don’t think the April 30 deadline to flatten the curve will be achieved at the rate we are going.

“Unfair to people who really stay home.”

Continue reading below ↓

Sagot ni Gatchalian kay Ejercito, marami talagang pasaway.

“Ang dami niyan Bro. Masasayang ECQ natin,” tweet ni Gatchalian.

Sumang-ayon si Ejercito: “Oo Bro. I am really worried now how we can flatten that curve with what is happening.”

Continue reading below ↓

ANOTHER QUARANTINE EXTENSION?

Pero para sa dating commissioner ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. Gregorio Larrazabal, mukhang mae-extend pa uli ang quarantine.

Aniya, kung pananatilihin ng publiko ang katigasan ng ulo, wala na raw pagpipilian ang gobyerno.

Bilang reaksiyon sa thread, nag-tweet si Larrazabal:

“It looks like we’re on the path for the ECQ to be extended. No other choice...”

Continue reading below ↓

Sinegundahan ito ni Ejercito, at ikinumpara ang sitwasyon ng Pilipinas sa Singapore at Malaysia.

Reply ni Ejercito kay Larrazabal: “Looks like it Com. Sana we can be like Singapore or even Malaysia where situation is improving.”

Continue reading below ↓

LOCKDOWN AGAINST COVID-19

Gaya ng Pilipinas, parehong nagpatupad ng lockdown ang Singapore at Malaysia.

Batay sa monitoring ng parehong bansa, nakatulong umano ang istriktong lockdown upang bahagyang mapigilan ang pagdami ng COVID-19 cases.

Sa isang artikulo ng The New York Times nitong April 4, naiulat na pinupuri ng maraming world health experts ang epektibong pagtugon ng Singapore sa pandemic.

Sa panig ng Malaysia, bahagyang nabawasan ang naitatalang kaso ng COVID-19 doon dahil sa lockdown.

Sa loob ng ilang linggo ay nangunguna ang Malaysia sa pinakamaraming naitatalang COVID-19 cases sa South East Asia.

Pero sa ngayon, naungusan na ito ng Pilipinas.

Sa latest situation report ng World Health Organization (WHO) nitong April 14, mahigit 4,800 ang positibo sa COVID-19 sa Malaysia.

Batay sa huling bilang ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, 5,453 na ang nagpositibo sa virus sa Pilipinas.

May kabuuang 353 sa mga ito ang napagaling, habang 349 ang binawian ng buhay.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Senator Sherwin Gatchalian, former Senator JV Ejercito, and TV host Bianca Gonzalez, looking at recent Edsa pictures, worry about the public's disregard for the government's call to stay at home.
PHOTO/S: Senator Win Gatchalian, JV Ejercito on Facebook, @iamsuperbianca on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results