Angelika dela Cruz thanks Dingdong Dantes for relief goods, Angel Locsin for isolation tent

by Jet Hitosis
Apr 16, 2020
Actress and Malabon's Barangay Longos Chairwoman Angelika dela Cruz (left) thanks fellow Kapuso star Dingdong Dantes (center) for the relief goods to barangay frontliners. Angelika also thanked Kapamilya actress Angel Locsin (right) for donating an isolation tent.
PHOTO/S: @angelikadelacruz, @dongdantes, @therealangellocsin on Instagram

Nagpasalamat si Angelika dela Cruz sa kapwa celebrities na sina Dingdong Dantes at Angel Locsin sa pagtulong ng mga ito sa pinamumunuan niyang barangay sa Malabon City.

Si Angelika, 38, ang incumbent chairperson ng Barangay Longos sa Malabon.

Nitong Martes, April 14, idinaan ng actress-politician sa Instagram ang pasasalamat kina Dingdong, 39, at Angel, 34.

Nagpasalamat si Angelika kay Dingdong at sa YesPinoy Foundation ng aktor dahil sa mga ibinigay na relief goods.

Makikita sa post ni Angelika ang litrato ng frontliners ng Barangay Longos na nagsitanggap ng relief goods mula kay Dingdong.

Caption ni Angelika: “Thank you kapatid @dongdantes and @yespinoy foundation sa pagbibigay ng relief goods sa mga frontliners ng Barangay Longos [heart, smiling face with smiling eyes emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELIKA’S ANSWERED PRAYER: A TENT FROM ANGEL

Sa isa pang post ni Angelika ng araw ring iyon, makikita ang mga litrato ng isang gray isolation tent.

Ang tent ay mula sa #UniTentWeStandPH campaign ni Angel.

Dahil sa donasyon, tinawag ni Angelika na “true to life Darna" ang Kapamilya actress.

Pinasalamatan din ni Angelika ang fiancé ni Angel na si Neil Arce at ang aktres na si Dimples Romana.

Magkakatuwang sina Angel, Neil, at Dimples sa #UniTentWeStandPH campaign.

Layunin ng campaign na makapagpatayo ng mga isolation tents sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila at mga karatig-probinsiya.

Ang tent na natanggap ni Angelika ay itinayo sa Malabon Ampitheater sa Barangay Longos.

Mababasa sa caption ni Angelika: “Thank you sa true to life Darna @therealangellocsin , @neil_arce , @dimplesromana at sa lahat ng bumubuo ng #UniTENTweStandPH sa pag donate ng tent Sa Malabon Amphitheater para sa mga frontliners [heart, smiling face with smiling eyes emojis]

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“magiingat kayo lagi .. Keep safe po”

Ang isolation tent ay talagang hiningi ni Angelika kay Angel.

Sa Facebook post ni Angelika nitong April 14, inamin nitong “kinapalan” na niya ang mukha para manghingi ng tent kay Angel.

Mababasa sa screenshot ng message ni Angelika kay Angel: “Makikipila sana ang malabon para sa Ospital ng Malabon and Pagamutang Bayan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGELIKA NOW REGULARLY POSTS HER KAPITANA DUTIES

Sa nakalipas na mga araw, kapansin-pansing ipinu-post na ni Angelika sa kanyang social media accounts ang mga ginagawa niya bilang barangay chairwoman.

Ito ay matapos siyang ma-bash at tawagin na “walang kuwentang kapitan" sa kasagsagan ng pandemic.

Nangyari ang pamba-bash noong March 17.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Galit na buwelta noon ng actress-politician sa basher: “Hindi porket hindi ako mag popost ng work ko Sa barangay wala akong ginagawa.”

Kalakip ng reply na ito ni Angelika ang mga litrato niya habang naglilibot sa barangay para magsagawa ng disinfection kontra COVID-19.

As of April 14, iniulat ng Malabon City government na 27 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa buong bansa, 5,600 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo, ayon sa latest update ng Department of Health (DOH) ngayong Huwebes, April 16.

Nasa 435 na ang gumaling, at 362 ang namatay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress and Malabon's Barangay Longos Chairwoman Angelika dela Cruz (left) thanks fellow Kapuso star Dingdong Dantes (center) for the relief goods to barangay frontliners. Angelika also thanked Kapamilya actress Angel Locsin (right) for donating an isolation tent.
PHOTO/S: @angelikadelacruz, @dongdantes, @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results