Watch Now

Alden Richards, Janine Gutierrez, Kris Bernal businesses seriously affected by COVID-19 crisis

by Bernie V. Franco
Apr 17, 2020
Apart from their shelved showbiz projects, (L-R) Janine Gutierrez, Alden Richards, and Kris Bernal reveal that their business ventures are experiencing serious damage because of the ongoing COVID-19 crisis.
PHOTO/S: @idonailsph on Instagram / Facebook (Concha's Garden Cafe and House of Gogi)

Ramdam nina Alden Richards, Kris Bernal, at Janine Gutierrez ang malaking epekto ng kasalukuyang virus pandemic.

Hindi lang sa trabaho nila bilang artista kundi pati sa kani-kanilang negosyo.

Aminado ang tatlong Kapuso stars na nangangamba sila dahil hindi biro ang puhunan at pagod na inilaan nila sa mga negosyong ito, na ngayon ay kailangan munang isara bunsod ng COVID-19.

Ano nga ba ang nararamdaman nina Alden, Kris, at Janine na nahinto ang pagpapalakad ng kanilang negosyo dahil sa krisis?

May pagsisisi ba sila sa kanilang business ventures?

Paano nila hinaharap ang hamong ito?

Alamin ang mga sagot sa special report na ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

ALDEN RICHARDS AND HIS RESTOS

Hindi biro para kay Alden Richards, 28, ang epekto ng krisis sa kanyang restaurant business.

May tatlong branches ang kanyang Concha’s Garden Café—sa Silang, Tagaytay, at Quezon City.

Bumabawi pa lamang ang branches sa Cavite at Tagaytay mula sa epekto ng ashfall nang pumutok ang Taal Volcano nitong January 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Noong una, yung branches namin sa Tagaytay and Cavite, naapektuhan ng ashfall ng pagputok ng Taal,” sabi ni Alden sa artikulo ni Mario Bautista sa showbizportal.net noong April 5.

Ang epekto ng ashfall ay naranasan sa Metro Manila at sa Calabarzon region, na binubuo ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating naman ng Marso, kinailangang isara ang tatlong branches ng Concha's dahil sa ipinatupad na enhanced community quarantine simula noong March 17.

“Ngayon naman, habang may lockdown, kailangang isara namin sila,” sabi ng Kapuso prime artist.

Dagdag pa rito, inaalala rin ni Alden ang kanilang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa pagsasara muna ng mga restawran.

Tanggap naman ng aktor na bahagi ng pagnenegosyo ang pagsubok.

“Kawawa yung mga cooks and waiters working for us kasi wala sila kita, but we help them naman sa abot ng aming makakaya.

“Ganun talaga, we all have to make our own sacrifices habang may kinakaharap tayong ganitong worldwide health crisis.”

Ang original branch ng Concha's Garden Cafe ay sa Silang, Cavite, na unang nagbukas noong 2014.

Dito madalas kumain si Alden noong hindi pa siya gaanong sikat.

Pagpasok ng 2016, nang isa nang sikat na artista ang aktor, in-offer ng may-ari na si Gemma Sembrano si Alden na maging business partner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi pinalampas ni Alden ang pagkakataong pasukin ang food business.

Taong 2016, binuksan ang Concha’s Garden Cafe sa Emilio Aguinaldo Cliffhouse, Tagaytay, at sa Tomas Morato, Quezon City.

Samantala, nag-reopen ang original branch noong May 2019.

Sa reopening, inilahad ng Kapuso actor na isinugal niya ang halos lahat ng kanyang ipon noong magdesisyong mag-venture sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Since hindi pa ganoon kalaki ang capital ko in terms of money, talagang ibinuhos ko lahat.

“I almost went to zero when I entered the food business,” sabi niya sa interview ng GMA News.

Inamin din ni Alden na kinabahan siya noon na baka hindi magtagumpay ang kanyang negosyo.

“[I had] anxieties.

“Paano kung [mawalan ako ng] trabaho, paano kung hindi mag-work yung restaurant,” sabi ng aktor.

Noon lamang 2019, nagbukas naman ang McDonalds franchise ni Alden sa Laguna.

Dahil sa quarantine, pansamantala rin itong isinara.

Ngunit ngayong linggo, nagbukas ito muli para sa drive-thru at take-out.

KRIS BERNAL'S KOREAN RESTO AND MAKEUP LINE

Nito lamang February 2020, nagkaroon ng reopening ang House of Gogi, ang Korean restaurant ni Kris Bernal, 30.

Ang establishment na matatagpuan sa Banawe Street, Quezon City, ay nagkaroon ng soft opening noon pang August 2018.

May isang business pa si Kris, ang SHE Cosmetics, na ini-launch niya noong December 2018.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inamin ni Kris na, sa kasalukuyan, malaki na ang nalulugi sa kanyang mga negosyo at matatagalan bago makakabawi ang mga ito.

“With House of Gogi, we are still paying monthly rental and dues," sabi ni Kris sa PEP.ph noong April 8, sa pamamagitan ng GMA Network Corporate Communications.

Business partner ni Kris sa restaurant ang kanyang fiancé na si Perry Choi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy ng aktres, “With SHE Cosmetics, of course, may expiration ang makeup.

“So, it’s moving without any sales.

“Kailangan bumawi ka talaga. Ang puhunan mo rin kasi naka-hang."

Pero nakabawi naman ba ang negosyo niya bago ipatupad ang ECQ?

“Yes, it did," sagot ni Kris.

“But with the situation right now, puro labas ng pera, kaya dapat bumawi rin pagbalik.”

Gustung-gusto na raw ni Kris na bumalik sa normal ang operasyon ng kanyang mga negosyo.

“I can’t wait to be back at bumawi because ang laki talaga ng nawala ko sa negosyo during this challenging time.”

Nananalig naman daw siyang makakabawi ang mga negosyo niya.

“May iba’t ibang ways naman si Lord para bumawi sa losses namin.

“Si Lord na ang bahala sa akin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabuuan, 15 ang lahat ng empleyado ni Kris sa restaurant at cosmetics line.

Pero kahit hindi kumikita ngayon ang mga negosyo niya, tinutupad ni Kris ang pangako sa mga empleyadong patuloy silang pasasahurin.

Paraan daw niya ito para makabawi sa malasakit ng mga ito sa kanyang mga negosyo.

“They will still receive their full monthly salaries even without work in both of my businesses,” ani Kris.

“I’ve considered it already as part of my donation during this time of crisis.

"Tulong ko na rin sa kanila.

“Alam ko ang kani-kanilang mga buhay.

“Alam din nila ang frustrations ko sa negosyo ko.

“I show them gratitude and appreciation from time to time.

“And I feel that, in return, mas minamahal din nila ang trabaho nila at ang negosyo ko.”

Gaya ng marami, mas natutunan daw ni Kris ngayon ang kahalagahan ng pagtitipid.

Pero ramdam daw niya ang laki ng epekto ng krisis sa isang negosyante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“As a businesswoman, you are not sure how you will bounce back. The recovery will take long," pag-amin niya.

Bukod sa Korean restaurant at makeup line, nagbukas din ng burger joint si Kris noong 2016, ang MeatKris, sa may Roces Avenue, Quezon City.

Pero pagkatapos lamang ng isang taon ay nagsara ito.

Noong mga panahong iyon ay abala ang aktres sa kanyang afternoon teleseryeng Impostora, na umere ng July 2017 hanggang February 2018.

"I didn't want to let go of MeatKris but I had to!

"I lost time for it until it was mismanaged!" lahad ni Kris sa kanyang Instagram Story ngayong Huwebes, April 16.

JANINE GUTIERREZ'S NAIL SPA

October 2019 nang buksan ni Janine, 30, ang kanyang nail spa business na I Do Nails sa Ayala Malls The 30th sa Pasig City.

Malaki ba ang nalulugi sa kanyang business ngayong nakasara ito sa gitna ng health crisis?

“Yes, mahirap, kasi our business is only six months old,” sabi ng aktres sa PEP.ph ngayong April 16, Huwebes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin ng Kapuso actress, hindi pa niya nababawi ang kanyang investment.

Bandang Marso ay umasa silang magsisimula nang makabawi, pero inabutan na ng ECQ.

“Simula January mababa ang sales dahil siyempre nagtitipid pa ang mga tao after the holidays.

“And then, nung February naman, nagsimula na ang usap-usapan tungkol sa COVID-19 kaya wala nang masyadong tao sa malls.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“March sana kami umaasang makabawi dahil summer at maraming events, pero nagsara dahil sa community quarantine.

“I think it's a scary time for everyone, and the priority is definitely safety.

"Pero, hopefully, we will still have enough to resume operations," saad niya.

Bukod sa negosyo, inaalala rin ni Janine ang kanyang mga empleyado.

“Nakakatakot dahil walang kasiguraduhan kung kailan ito matatapos,” pangamba niya.

“Nag-aalala ako palagi para sa mga empleyado namin.

“Masyadong overwhelming ang mga pangyayari kaya one day at a time na lang ang mentality ko ngayon.”

ALDEN, KRIS, AND JANINE DONATE IN TIME OF CRISIS

May mga hamon mang pinagdadaanan ang kanilang mga negosyo, hindi ito naging hadlang kina Alden, Kris, at Janine para tumulong ngayong may krisis.

Tahimik na tumutulong si Alden sa kanyang mga kababayan sa Biñan, Laguna.

Sa post ni Biñan Representative Len Alonte noong March 20, pinasalamatan nito ang Kapuso actor sa ipinaabot na tulong para sa frontliners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Makikita sa post ang isang kahon ng food products na galing sa fast-food franchise ni Alden.

Caption ni Cogresswoman Alonte: "Thank you so much, bro @aldenrichards02 & family for your donation for all the frontliners sent through our family. God bless you and your family more.”

Ni-repost ito ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit naman ni Kris sa PEP na nagbibigay siya ng donasyon sa mga lehitimong foundation para sa frontliners.

Kabilang dito ang Kapuso Foundation, Lawyers for Doctors, Fashion For Frontliners, at #UniTENTweStandPH project ni Angel Locsin.

Dagdag pa niya: “I’ve sent out almost 300+ PPEs to different hospitals with the help of our family doctor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Been donating also to our frontliners at our village, like security guards, sweepers, garbage collectors, or kahit yung magtataho at nagtitinda ng ice cream na umiikot sa amin.”

Si Janine naman, inilunsad ang kanyang The Bright Side Project ngayong panahon ng health crisis.

“We aim to raise funds for The Ateneo x Tanging Yaman Foundation that brings food and other essentials to underprivileged communities and for Barya ni Juan which has been distributing PPE'S to different hospitals,” paliwanag ng aktres, na nag-aral sa Ateneo de Manila University.

Lumikha sina Janine ng account sa isang kilalang crowdfunding site at iba pang bank at online accounts para sa mga nais mag-donate.

Sabi pa niya: “We also have a giveaway to be raffled off to one random donor.

“I'm giving away a Louis Vuitton wallet—and hopefully this brings more help in the form of happiness, or something to be sold for extra cash or whatever purpose it may serve—to whoever receives it.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Apart from their shelved showbiz projects, (L-R) Janine Gutierrez, Alden Richards, and Kris Bernal reveal that their business ventures are experiencing serious damage because of the ongoing COVID-19 crisis.
PHOTO/S: @idonailsph on Instagram / Facebook (Concha's Garden Cafe and House of Gogi)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results