Davao City limits movement of vehicles, residents with war tanks and backhoes for roadblocks

by Arniel C. Serato
Apr 17, 2020
Residents wake up to backhoes and tanks on Davao City roads in the mayor's grand moves to control movement of vehicles and residents.
PHOTO/S: Courtesy: www.davaocity.gov.ph

Tumambad sa mga residente ng Davao City ang mala-Transformers na roadblocks na pangkontrol ng daloy ng sasakyan at ng kilos ng mga taga siyudad.

Di na naman ito nakakagulat dahil sinabi na ni Mayor Sara Duterte noong Abril 14 na maglalagay siya ng "tangke de giyera" sa gitna ng kalsada upang hindi makalusot ang mga sasakyan.

Continue reading below ↓

Kahapon, April 15, nag-post sa Instagram si Davao City First District Congressman Paolo Duterte, kapatid ni Mayor Sara, ng mga larawan ng mga heavy equipment na nakaposisyon sa major roads ng Davao City.

Inilarawan niya ang mga equipment bilang "Transformers," na patukoy sa popular na pelikula tungkol sa mga sasakyang nagta-transform para maging giant robots.

Sa caption ay ginamit niya ang ilang linya mula sa theme song ng Transformers: The Movie.

Continue reading below ↓

Halos ganito rin ang paglalarawan ni Mike Lopez, malapit na kaibigan nina Mayor Sara at Congressman Paolo.

Sina Sarah, 41, at Paolo, 45, ay mga anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang legal wife na si Elizabeth Zimmerman. Ang isa pa nilang kapatid ay si Sebastian, 32, na vice mayor naman ng Davao City.

Ang tumatayong First Lady ng Pangulo ay si Honeylet Avanceña, kung saan meron siyang isang anak, si Kitty, 16.

Continue reading below ↓

THE ROADBLOCKS

Sa Facebook post ng local daily na SunStar Davao noong April 15, makikita ang kuha sa armored personnel carrier na nakapuwesto sa isang major road ng siyudad.

May mga pumuring netizens sa hakbang na ito ng Davao City government.

Ayon sa isa: “Dili nani madala ug LAPARO, Tangke De Gyera mas maayo, para sa mga tawong gahi kaaug ulo!”

Continue reading below ↓

[Translation: “Hindi na ito maidaan sa pagpalo sa ulo, tangke de gyera ang mas maganda, para sa mga taong matitigas ang ulo!”]

Post ng isa pang residente: “The best among the rest talaga aming Mayor Inday may paninindigan at malasakit. Yong mga matitigas pa sa bato ang ulo hala cge labas pa ng labas nang ma sampulan.”

Continue reading below ↓

Warning naman ng isang residente: “THIS ONE GOES OUT TO ALL THOSE PRIVATE VEHICLES ROAMING AROUND THE CITY WHOSE ACTIVITY IS NOT ESSENTIAL,TANGKE DE GYERA INYONG ATUBANGA!”

Continue reading below ↓

Ayon naman sa Superbalita Davao:

“UNYA moagi pa ka? Dakong backhoe gibabag sa dalan diha sa Quimpo, Boulevard, atubangan sa LTO-11 ning siyudad sa Davao alang sa mas istrikto nga pagsuhid sa motorista nga moagi sa dapit.”

[Translation: “Uy, dadaan ka pa? Ang laking backhoe hinarang sa kalsada diyan sa Quimpo, Boulevard, sa harap ng LTO-11 sa lungsod ng Davao para sa mas istriktong pag-inspection sa mga motorista nga dadaan sa nasabing lugar.”]

Continue reading below ↓

NETIZENS WEIGH IN ON QUARANTINE MEASURES

Magkahalo naman ang reaksiyon ng netizens sa nakita nilang quarantine measures sa Davao City.

Pag-angal ng isa, ito ay "very unnecessary."

Ang tanging kailangan daw ay "strict implementation" ng quarantine guidelines ng mga checkpoint personnel.

Tinanong naman ng isa kung "martial law" na ba.

Continue reading below ↓

Pero idinagdag din ng netizen na para ito sa kaayusan ng Davao.

Patutsada ng isa pa sa mga taga-Luzon: "tanod nga lang humarang umaangal na Martial law na daw."

Continue reading below ↓

Ngunit dahil mukhang kamay-bakal ang pagpapalakad sa siyudad, tila hindi naririnig ang ibang boses ng mga residente.

Samantala, mahirap isiping natutuwa silang lahat na ang pantapat sa kanilang mga second-hand cars ay tangke at backhoe, at sa kanilang mga pamilya ay baril at sundalo.

DAVAO CITY, DAVAO REGION EXTEND ECQ

Pinalawig ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Davao City at sa buong Davao Region ng isa pang linggo.

Nakatalagang matapos ang ECQ sa nasabing lugar sa April 19.

Pero ayon kay Mayor Sara, extended pa ito ng isang linggo o hanggang April 26.

Ayon sa official website ng lungsod, mananatiling sarado ang border ng siyudad.

Wala raw papayagang makapasok, pero maaari namang makalabas ang mga gustong lumabas.

Napagdesisyunan ng mga alkalde at mga gobernador ng rehiyon ang pagpapalawig ng ECQ dahil sa tatlong bagong COVID-19 positive cases sa kanilang lugar.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Residents wake up to backhoes and tanks on Davao City roads in the mayor's grand moves to control movement of vehicles and residents.
PHOTO/S: Courtesy: www.davaocity.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results