Real "Admin" of Ethel Booba Twitter breaks silence on deactivated account with 1.6M followers

by Rachelle Siazon
Apr 17, 2020
Ethel Booba's Twitter Admin on whether politicians ask her to promote them on the comedienne's Twitter account: "Oo. Merong pro, merong anti-admin. Parehas meron... Pero siyempre hindi ko puwede kunin yun...ayoko nang nagpapayabad kasi hindi free yung opinion mo."
PHOTO/S: @IamEthylGabison Twitter / @ashley_hmua Instagram

"Yung sinasabi nilang pinagkakitaan, ginamit, binayaran, ang masasabi ko lang—wala akong nakukuha diyan."

Ito ang mariing pahayag ng administrator ng controversial Twitter account na @IamEthylGabison.

Mayroong 1.6 million followers ang @IamEthylGabison.

Ang pahayag ay ginawa ng isang taong nagpakilala bilang "Admin" nang kusa itong lumapit sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kahapon, April 16.

Noong April 8, 2020, itinatwa ng comedienne-singer na si Ethel Booba, 43, na personal account niya ang @IamEthylGabison.

Usap-usapan tuloy sa social media kung sino at ano ang motibo ng may hawak ng Twitter account na matagal na pinaniwalaang pag-aari ni Ethel.

Tinawag pa ni Ethel ang account na "fake."

Ginagamit lang umano ng Twitter account ang kanyang pangalan para manloko ng ibang tao.

Ayon sa Twitter bio ng @IamEthylGabison, na-create ito noon pang taong 2012.

Tanong ng netizens: Bakit ito biglang itinatwa ni Ethel? Bakit ngayon lang? Hindi ba't inangkin niyang kanya iyon sa maraming TV interviews? At bakit simula April 9 ay biglang hindi na ma-access ang @IamEthylGabison sa Twitter?

Continue reading below ↓

Hapon ng Huwebes, April 16, nang lumapit sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nagpakilalang tunay na administrator ng @IamEthylGabison Twitter account.

Nais niyang manatiling pribado ang kanyang identity, at kilanlin na lamang daw siya bilang "Admin" o administrator ng @IamEthylGabison.

Idinetalye ng Admin ang kanyang bersiyon ng kuwento—mula sa pag-angkin ni Ethel na pag-aari nito ang @IamEthylGabison Twitter account hanggang sa itinatwa rin ito ni Ethel.

FROM PARODY ACCOUNT TO LEGIT ACCOUNT

Noong 2012, nagsimula raw si @IamEthylGabison bilang "parody account" na hango sa brand of comedy ni Ethel.

Uso raw noon ang parody sa Twitter, at nagkataong patok ang mga hirit ni @IamEthylGabison sa netizens.

Pahayag ni @IamEthylGabison Admin: "Active pa si Ethel sa Twitter at the time.

"Kasi parody naman yung sa akin, so no issue.

"Nagulat na lang ako, nagbu-boom yung account, lumalaki."

Noong una ay may label pa raw na "parody" account sa Twitter bio ng @IamEthylGabison.

Continue reading below ↓

Pero kinalaunan ay tinanggal na niya ito.

Kapag may nagtatanong na mga netizen kung siya ba talaga si Ethel ay paiwas daw siyang sumasagot.

Dinadaan lang daw niya sa biro gaya nito: "Hindi. MMDA ito."

Ang mga kapatid daw ni Ethel na sina Virnard at Boobita ay aware sa parody account na @IamEthylGabison.

Ani Admin, inaaway pa raw siya ng mga ito at inaakusahang "poser" noon.

"Sabi ko, hindi ako poser, parody ako. Iba yun."

Bago pa ang taong 2016 nang makasagutan niya ang mga ito sa Twitter.

ETHEL CLAIMS TWITTER ACCOUNT AS HERS

Hanggang isang araw, nagulat na lang daw si Admin nang inako ni Ethel na sa kanya ang @IamEthylGabison Twitter account.

Celebrity guest noon si Ethel sa January 16, 2016 live telecast ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Nabanggit daw ng TV host na si Jhong Hilario na pina-follow nito si Ethel sa Twitter dahil sa "mga pasabog" na tweets ng sexy comedienne.

Continue reading below ↓

Sang-ayon ng co-host na si Anne Curtis, "Nakakatuwa ang tweets mo."

Namamanghang dagdag ni Jhong, "Tsaka talaga minsan yung mga tweet niya, may mga tinatamaan. May mga nagre-reply. Grabe, paano mo naiisip yung mga ganyan?"

Sagot naman ni Ethel, "Pag meron akong peace of mind."

Mula raw noon ay inangkin na ng sexy comedienne ang parody account na gawa ni Admin.

Balik-tanaw ni Admin: "Nagulat na lang ako... May mga message na yung mga kapatid niya, Sabi, 'Oy, clinaim na ni Ate na iisa kayo.'"

Totoo raw ang sinabi ni Ethel na wala silang direct contact ng administrator ng @IamEthylGabison.

Ang direct contact ni Admin ay ang dalawang kapatid ni Ethel at isang kaibigan ng sexy comedienne na nagngangalang Geri.

Tukoy pa ni Admin sa mga kapatid ni Ethel: "Minessage nila ako kung puwede magpanggap ako na si Ate [Ethel] nila."

Aminado raw ang kapatid ni Ethel na si Virnard na ang "witty tweets" ni @IamEthylGabison ay makakatulong para umingay ang pangalan ng sexy comedienne.

Continue reading below ↓

Pinabulaanan ni Admin ang alegasyon ni Ethel na "nagnanakaw" siya ng pictures nito sa Facebook para magmukhang legit si @IamEthylGabison sa Twitter.

Pagkontra ni Admin: "Sine-send-an nila ako ng mga pictures ng mga gig, mga event... pino-promote ko na rin.

"Hindi naman ako kumukuha kung saan-saan. Yung sinasabi na ninanakaw ko daw"

"Actually, [galing yun] sa mga kapatid niya, sa mga kaibigan niya."

"NO MONEY INVOLVED."

Nanindigan din si Admin na hindi niya kailanman "pinagkakitaan" ang Twitter account na @IamEthylGabison.

Bilang Admin ng @IamEthylGabison Twitter account, totoong nakakatanggap daw si Admin ng mga offer na raket para kay Ethel mula sa iba't ibang clients.

Makikita naman daw ang mga iyon sa inbox ng direct messages sa Twitter account o sa email address na nakasaad sa Twitter bio.

Lahat daw ng iyon ay ipinararating ni Admin sa tatlo niyang contacts—sina Virnard, Boobita, at Geri.

"Kada may mga event, may mga raket, any inquiries, sa kanila ko sine-send directly," ani Admin.

Continue reading below ↓

Nagsilbi raw siyang liaison sa pagitan ng kampo ni Ethel at mga clients na nagpapadala ng mensahe via Twitter.

"Binibigay ko yung number.

"Tatlong number binibigay ko—kay Boobita, kay Virnard, or kay Geri.

"Sila bahala makipag-deal sa client."

Labas na raw siya sa kung ano ang magiging usapan ng mga ito sakaling tanggapin ni Ethel ang raket.

"After nila, hindi ako makikialam. Kahit kino-contact ako ng mga client, 'Uy, wala pang reply.'

"Tapos sasabihin ko sa kanila, 'Nagko-contact yung mga client. Ano sasabihin ko dito?'

"Kasi ayokong pangungunahan ko sila pagdating sa raket.

"So, sasabihin nila, 'Ako na ko-contact. Ako na bahala.'

"So, labas na ako."

Kaya hindi raw niya maintindihan ang pinanggagalingan ng alegasyon ni Ethel na manggagamit siya at "profited" ang kanyang paghawak sa Twitter account na @IamEthylGabison.

Imposible raw.

Depensa ni Admin, "Isipin mo na lang, bakit ko kukunin yung show? Ako ba yung lalabas dun sa TV?

Continue reading below ↓

"Ako ba yung lalabas sa out-of-town show? Ako ba yung pipirma [ng kontrata]?

"Kaya nagtataka ako, bakit ang sinasabi is 'baka raw pinagkakakitaan' ko."

Hindi pinalampas ni Admin ang ikinagagalit niyang bintang sa kanya.

Diin pa ng may hawak ng @IamEthylGabison account, "Paano ako kikita? E, kailangan ng mukha niya?"

Sa puntong ito, tinanong ng PEP.ph kung mayroon siyang komisyon, talent fee, o monetary compensation sa kung anumang raket na natatanggap ng sexy comedienne mula sa @IamEthylGabison Twitter account.

Mariing sagot ni Admin: "Wala. Wala talaga. Free lang. No money involved."

Hindi rin daw siya nagpapabayad ng talent fee para sa pagiging administrator ng Twitter account na pinaniwalaang kay Ethel sa loob ng maraming taon.

"Alam naman nila na hindi ako binabayaran sa admin. Kasi ayoko magpabayad," giit niya.

GHOST WRITER IN ETHEL'S BOOK

Kinagiliwan nang husto ng netizens si @IamEthylGabison dahil sa kuwela pero malamang tweets niya sa current events sa bansa.

Continue reading below ↓

Mapa-showbiz man o pulitika ay updated ito.

Naging trademark na rin sa tweets ni Admin ang expression na "Charot!"

Ang "charot" ay urban slang term para sa joke.

Hanggang sa nagkaroon ng libro si Ethel, ang #CHAROTISM the wit and wisdom of Ethel Booba, na naglalaman ng collection ng kanyang sikat na tweets.

Nahati iyon sa limang chapters kunsaan ang persona ni Ethel ay "love guru, political analyst, beauty expert, life coach, at showbiz diva."

Opisyal na na-launch ng Viva Books ang libro noong September 2016.

Kuwento pa rin ni Admin sa PEP.ph, nalaman niya ang offer kay Ethel na magkaroon ng libro mula sa mga kapatid ng aktres.

"Kinausap ako. Kinakausap nga raw ng Viva na gagawin yung book based sa tweets.

"Sabi ko, 'Okay lang. Sa kanya naman nakapangalan 'to. Kanya na ito.'

"Kasi nga, siyempre ni-claim niya na. Sabi ko, 'Go.'"

Humingi raw ng tulong sa kanya ang kampo ni Ethel na magsulat ng content para sa libro.

Continue reading below ↓

Ani Admin: "Kaso may mga iba raw na ibinibigay na questions ang Viva na parang gagawa ng joke para sa book.

"Habang nagtatrabaho ako last time, ginagawa ko yun. Ginagawa ko yung book niya."

To be fair daw sa kampo ni Ethel, nag-offer daw ang mga ito na bigyan siya ng monetary compensation para sa effort niyang magsulat para sa libro.

Ang kapatid daw ni Ethel na si Boobita ang kumausap sa kanya.

"Kinausap ako. Bibigyan daw ako ng Ate.

"Sabi, ibibigay sa akin in person yung bayad.

"Sabi ko, 'Hindi. Okay lang. Hindi ko kailangan ng bayad. Nagtatrabaho rin naman ako.'"

Tanong ng PEP.ph: Bakit hindi mo tinanggap?

Sagot ni Admin, "E, wala. Ayoko lang makipag-meet. Ayoko na lang din.

"Tulong ko na lang kasi natutuwa rin naman ako sa kanila.

"Kasi mabait sa akin yung mga kapatid niya. Lalo na si Boobita. Mabait kausap."

Continue reading below ↓

WHEN ETHEL SAID SHE HAS AN ADMIN

Makailang-beses na prinomote ni Ethel ang kanyang libro at Twitter account sa TV shows, tulad ng Kapuso Mo Jessica Soho sa GMA-7 noong November 2016 at sa Pareng Partners ng ABS-CBN noong July 2018.

Sa Pareng Partners, sinabi ni Ethel na humihingi siya ng tulong sa kanyang "friends" para sa mga "malalalim na English" niya sa Twitter.

Hirit niya, mayroon siyang "adviser" at "nagbi-brainstorm" pa raw sila kung minsan kung ano ang itu-tweet niya.

Noong November 2019, ipinalabas sa It's Showtime Online Universe ng ABS-CBN ang kuwento sa likod ng "witty tweets" ni Ethel.

Inamin doon ni Ethel na mayroon siyang "mga admin" na humahawak ng @IamEthylGabison account.

"Maraming pagmi-meeting 'yan!" sabi ni Ethel sa proseso ng posting ng kanyang tweets.

Binanggit din niya ang mga sampol ng tweets na wala raw tulong ng admin o "rekta at from the heart."

Continue reading below ↓

Sa panayam ng PEP.ph, sinegundahan ni Twitter Admin na nagpi-feed nga sa kanya ng mga jokes ang kampo ni Ethel kung minsan.

Pero hindi lahat ay ipinu-post ni Admin sa Twitter dahil "corny" daw ang iba rito.

Sinabi rin ni Admin na mayroon siya dating katuwang na nag-e-edit ng pictures na ina-upload niya sa @IamEthylGabison Twitter account.

Minsan ay ang kasamahan din niya ang nag-e-edit ng English tweets ni @IamEthylGabison.

Dati raw ay may access ang kasamahan ni Admin sa Twitter account, pero matagal na raw itong hindi nakikialam sa tweets ng nasabing account.

ETHEL ASKS ADMIN TO STOP THE POLITICAL TWEETS

Hindi na mabilang ang mga pagkakataong naging laman ng balita sa online news sites ang mga matapang na opinyon ni @IamEthylGabison sa current events sa showbiz at politics.

Sa salaysay ni Ethel sa kanyang YouTube vlog noong April 14, sinabi nitong ilang beses niyang binalaan si Admin na huwag panghimasukan ang pulitika sa mga tweets nito.

Continue reading below ↓

Matagal na raw niyang sinasabihan ang admin na "Tigilan mo 'yang pagpupulitika. Iri-report kita."

Sa panayam ng PEP.ph, inamin ni Admin na hangga't maaari ay ayaw talaga ni Ethel na patulan niya ang mga usaping pulitika.

Taong 2019 nang umalma ang sexy comedienne ukol dito.

Ganunpaman, hindi raw maikakaila ni Ethel na may halo talagang pulitika ang branding ng tweets ni @IamEthylGabison.

Imposibleng hindi alam ni Ethel ito dahil may section nga raw sa libro ng aktres na "political analyst" ang persona nito.

Bilang compromise, may usapan daw si Admin at ang kampo ni Ethel na palaging pa-joke lang ang anumang tweets na may bahid ng pulitika.

"Kasi ganun lang yung usapan. 'Kung magko-comment ka, hindi yung direct. Parang mga pabiro lang.'"

Sabi pa raw ni Admin sa kapatid ni Ethel na si Virnard, "Kung may mga tweet ako, ang gawin niyo, i-check niyo. Kung mayroong hindi magugustuhan si Ate, idi-delete natin."

Continue reading below ↓

Tinatanggal naman daw ni Admin kapag sinasabihan siyang i-delete iyong mga ayaw ni Ethel.

Pero may mga pagkakataong hindi na raw mabawi ni Admin ang tweets na kumalat na sa social media.

"Ang nangyayari, hindi na namin ma-delete kasi nasa news na agad.

"Sabi ko, 'Huli na. Laman na ng balita. Hindi na natin madi-delete.'"

Sa vlog ni Ethel noong April 14, "buwisit na buwisit" daw ang aktres dahil pati si Pangulong Rodrigo Duterte ay binabatikos sa mga tweets ni @IamEthylGabison.

Kaya raw pinuputakti ang aktres ng pambabatikos ng supporters ng Pangulo.

Diin ni Ethel, "Sinuportahan ko iyang Pangulo natin sa pagka-campaign.

"Binoto ko nga iyong tao, e. Tapos kokontrahin ko? Ano ba naman 'yan!"

Sinagot ito ni Twitter Admin.

Simula't sapul ay alam daw ni Admin na suportado ni Ethel si Pangulong Rodrigo Duterte.

Taliwas daw sa alegasyon ni Ethel sa vlog nito, hindi raw binibira ni Admin ang Pangulo.

Continue reading below ↓

Paliwanag ng taong may hawak sa @IamEthylGabison account, "Actually, wala kang makikita na tweets na inaatake si Duterte. Wala.

"Yung mga taong nakapaligid sa kanya, ginagawan ng parody joke.

"Di ba, pag nababasa mo, more on joke naman?

"Yung mga nagko-commment na netizens, sila yung nagbibigay ng meaning."

INVITE FROM office of SENATOR GRACE POE

Sa vlog ni Ethel, inilabas ni Ethel na patunay na ayaw niya ng pulitika ay ang pagtanggi niya sa mga imbitasyong natatanggap mula sa mga senador.

Sa puntong ito rin nabanggit ni Ethel na ang kapatid niya ang may direct contact sa administrator ng @IamEthylGabison Twitter account.

Ipinakita ni Ethel ang screenshot ng Facebook message ni Twitter Admin sa isa niyang kapatid.

Sabi rito ni Admin, may natanggap daw siyang "invitation keme" mula sa "office" ni Senator Grace Poe.

Mukhang "sumisipsip" daw ang senadora kay Ethel para huwag "maokray" sa tweets ng comedienne.

Sabi pa sa Facebook message ni Admin, "tanggapin niyo na sayang ang christmas gift hahahaha."

Continue reading below ↓

Ang sagot ng kapatid ni Ethel: "Hindi puwede tanggapin ang regalo ng dilawan."

Ang "dilawan" ang karaniwang salitang ginagamit ng mga pro-Duterte netizens sa mga bumabatikos sa gobyerno.

Sa panayam ng PEP.ph, ipinaliwanag ni Admin na ang Twitter account na @IamEthylGabison ang unang kinontak ng office ni Senator Grace Poe.

Nagpadala raw ito ng invitation na gawing resource speaker si Ethel sa committee hearings sa Senado tungkol sa paglaganap ng fake news.

Ginanap iyon mula October 2017 hanggang March 2018.

Balik-tanaw ni Twitter Admin: "In-invite siya ni Grace Poe kung puwede siya um-attend ng hearing kasi ang advocacy niya, against fake news.

"Magsi-share lang siya kung bakit kailangan labanan ang fake news.

"Finorward ko kay Boobita.

"Sabi ni Boobita, 'Ay, ayaw ni Ate [Ethel] ng mga ganyan. Sabihin mo hindi. Busy si Ate.'

"Sabi ko, 'Okay. Sige.'

"Nag-reply ako na, 'Busy. Hindi puwede.'"

Tumanggi man si Admin sa imbitasyon, nag-offer pa rin daw ang tauhan ng senadora na magbibigay ito ng "gift" para kay Ethel.

Continue reading below ↓

"After nun, bilang thank you ata, magpapadala ng gift.

"So, siyempre hindi ko na nireplyan yun kasi ayaw nga niya [Ethel], e.

"So kami, ang ayaw namin parehas, yung mai-involve sa politician."

INVITE FROM office of SENATOR KIKO PANGILINAN

Isa pa raw kumontak kay Ethel ay isang staff member ng opisina ni Senator Francis "Kiko" Pangilinan.

Sa vlog ni Ethel noong April 14, ipinakita niya ang screenshot ng text message mula sa nagpakilalang staff member ni Senator Pangilinan.

Nagri-request ang staffer kung maaaring makapanayam si Ethel para sa video content ng Facebook page nilang "Now You Know."

Nagtanong din ang staffer kung puwedeng makipag-meeting sa comedienne para sa "possible hosting projects for our senate slate during the campaign period."

Ang tinutukoy na kampanya ay para sa May 2019 mid-term elections.

Sa screenshot, makikitang nag-text ang staffer umano ni Senator Pangilinan kay Ethel noong January 21, 2019.

Nag-text din umano uli ito kay Ethel noong September 30, 2019.

Continue reading below ↓

Nais daw magpadala ng "regalo" ng office ni Senator Pangilinan kay Ethel dahil "natutuwa" ang senador sa "tweets" ng comedienne.

Komento naman ni Ethel, wala raw siyang ideya kung anong tweets ang ikinatuwa ng senador.

Hindi nga raw kasi siya directly involved sa tweets ni @IamEthylGabison, lalo na iyong tungkol sa politika.

Continue reading below ↓

ADMIN CLARIFIES INVITES

Klinaro ni Admin ang isyu kay Senator Pangilinan.

Sa panayam ng PEP.ph, kinumpirma ni Admin na siya ang unang nakatanggap ng mensahe mula sa nagpakilalang staffer ni Senator Pangilinan noong January 2019.

Maaaring pumasok ang mensahe sa Twitter direct message o sa e-mail address na nakalagay sa Twitter bio ni @IamEthylGabison.

Ipinagbigay-alam daw ni Admin sa kapatid ni Ethel na si Virnard ang tungkol sa imbitasyon.

"Sabi ko, 'Virnard, may ganito... host-host daw. Bibigay ko number mo, ha?'

"Sabi niya, 'O, sige, bigay mo number ko.'

"After nun, like what I said, labas na ako. Palagi, kapag nakuha na nila yung info, sila-sila na ang mag-uusap."

Sa vlog na raw ni Ethel nitong April 14 nalaman ni Admin na tinanggihan ng aktres ang imbitasyon umano ng office ni Senator Pangilinan.

Hindi rin daw dumaan kay Twitter Admin ang mensahe ng staffer ng senador noong September 2019.

"So ngayon, ang sabi, inayawan. Kasi nga raw opposition. Pro-Duterte sila, e," tukoy ni Admin kay Ethel at sa dalawang kapatid ng aktres.

Continue reading below ↓

"So deadma na ako. Hindi ko alam na nagme-message pa pala sa kanila."

Ang naaalala raw ni Admin ay magpa-Pasko ng 2019 nang tinanong siya ng kapatid ni Ethel kung ano ang tweet na posibleng ikinatuwa ni Senator Pangilinan.

"Sabi ko, 'E, ganyan naman ang mga pulitiko. Andaming pulitiko ang nagpa-follow sa Twitter natin. Sumisipsip, nagtu-tweet, kaya siguro gustong magpadala ng gift.'

"Sa dami ko ba namang na-tweet, malay ko kung alin dun."

Nagbiro pa raw si Admin na tanggapin na lang kung anuman ang gift ng senador.

"Baka raw bumibira sa admin [gobyerno] kaya natatawa.

"Sabi ko, 'Hindi ko alam. E, di kung may gift, kunin niyo na lang. Pasko naman.' Parang nagbiro akong ganun.

"So, ayun yung pinakita nila sa vlog, yung usapan namin na yun."

Continue reading below ↓

NOT PROFITTING FROM ANY POLITICAL FIGURE

Sa parte ni Twitter Admin, wala raw siyang natanggap na "gift" mula sa kahit kaninong pulitiko.

Hindi maiwasang mapaghinalaan siya ng netizens ng hindi maganda dahil sa pagdiin sa kanya ni Ethel.

Ani Admin sa feedback na nabasa niya sa social media, "Ang feeling ng ibang mga tao, baka raw sinusuhulan para mag-comment."

Sinabi kasi ni Ethel na labas siya kung mayroon mang "hidden agenda" o kung "pinagkakakitaan" man ng Twitter admin ng @IamEthylGabison ang pagbira sa mga pulitiko.

Tumanggap ba si Admin ng pera para mambira ng pulitiko o sinumang personalidad o organisasyon sa kanyang Twitter account?

Sagot ni Admin: "May mga lumalapit—totoo. Pero, siyempre, hindi ko puwede kunin yun.

"Dahil unang-una, ayoko ng nagpapayabad kasi hindi free yung opinion mo.

"Kapag bayad ka, so parang nali-limit yung opinion mo. Kaya ayoko ng mga bayad-bayad about diyan sa comment.

"Parang delikado pag pinasok mo 'yan."

Continue reading below ↓

Hindi rin daw niya maaatim na manggamit ng ibang tao para kumita dahil may sarili naman siyang trabaho.

"Pangalawa, hindi sa akin nakapangalan yung Twitter account—sa kanya.

"E, kung nagpabayad ako? Sino masisira? Ibang tao ang masisira ko.

"Kaya kahit maraming nag-i-inquire na mga pulitiko before, hindi namin tinatanggap yun."

Hindi pinangalanan ni Admin kung sinu-sinong mga pulitiko ang sumubok magpa-promote sa hawak niyang Twitter account na @IamEthylGabison.

Ngunit normal nang ang mga social-media personality, o tinatawag na influencers, ay nilalapitan ng mga taong gustong marating ang followers ng influencer.

Ang sabi lang ni Admin hinggil sa mga pulitikong lumalapit, "Merong pro, merong anti-admin. Parehas meron."

Wala naman daw siyang na-encounter na nag-request na manira ng ibang tao.

"Ang sinasabi nila, magsasabi ka lang ng maganda tungkol sa kanila. Ayoko ng ganun."

Personal opinion ba niya ang tweets na related sa politics?

"Yes, personal opinion as admin," pagkumpirma niya.

Dugtong niya tungkol kay Ethel, "Sa mga ganyan, labas na rin siya.

Continue reading below ↓

"Kasi sinasabi rin naman niya, ayaw niya ng mga ganyang bagay. Totoo naman yung sinabi niya."

MOCHA USON

Isa pang isyu na nabanggit ni Ethel sa vlog ay kung bakit madalas "tinitira" ni @IamEthylGabison sa Twitter si Mocha Uson, isang dancer, vlogger, at Duterte appointee.

Ani Ethel, "Walang ginawa sa akin yung tao, bakit bira ka nang bira? Insecure ka ba?"

Depensa naman ni Admin, may pagkakataong mismong si Ethel ang nagpahaging kay Mocha.

"Sa GGV noon, di ba, nag-comment siya dun? O, labas din naman ako dun, a.

"Yung sinabi niya na 'It starts with a letter M.' Sumakay din sila nun.

"Hindi naman ako nagbigay ng sasabihin nila dun."

Nangyari raw iyon sa guest appearance ni Ethel sa ABS-CBN weekly show na Gandang Gabi Vice noong March 2018.

Hirit noon ni Ethel, "Yung mga fake news talaga, kilala ko kayo."

Tanong ni Vice, "Sinu-sino ba sila Ethel Booba?"

Continue reading below ↓

Sagot ni Ethel, "Starts with the letter M."

Tanong ulit ni Vice, "And ends with the letter?"

Biro pa rin ni Ethel, "C! Charot!"

Paliwanag ni Vice na ang dati nilang boss sa isang comedy bar ang pabirong tinutukoy ni Ethel.

Pero mabilis na sinabi ng netizens na baka si Mocha ang pinaparinggan ni Ethel.

Malamang ay naikonekta nila iyon sa tweets ni @IamEthylGabison.

Ilang araw bago ang guesting ni Ethel sa GGV, may ulat tungkol sa pagpapatutsada umano ni Ethel kay Mocha sa kanyang tweets.

May inilabas kasing "survey" si @IamEthlyGabison na kumokontra sa isa pang "survey" na nagsasabing "produkto ng fake news" ang 1986 EDSA People Power.

Walang binanggit na personalidad, pero saktong si Mocha ang may survey na tila pinatatamaan noon ng Twitter Admin ni Ethel.

Continue reading below ↓

ANOTHER BONE OF CONTENTION

Bukod sa tweets na may halong pulitika, isa pang hindi raw pinagkasunduan ng kampo ni Ethel at ni Admin ng @IamEthylGabison ay ang vlogs ng aktres.

Noong December 2019, sinabihan daw si Admin ng kampo ng aktres na i-promote ang vlog ng aktres.

Hindi raw ito agad naasikaso ni Admin dahil abala siya noon sa lamay ng pumanaw na kaanak.

Sa 50 entries ni Ethel, tatlo o apat lang daw ang na-promote ni Admin.

Pinakahuli raw na post niya ukol sa vlog ay "three months ago."

Prangkang paliwanag ni Admin, "Hindi ako pumapayag kasi ang pangit ng content.

"Dapat mag-isip sila ng may laman. Hindi yung basta-basta lang."

Pinayuhan daw niya ang kampo ni Ethel na gumawa ng video content na "match" sa branding ng @IamEthylGabison.

Sabi pa raw ni Admin, "Hanap tayo ng magandang content. Yun ang itu-tweet."

Pero ayaw daw ng kampo ni Ethel ng video content na may halong isyu.

Continue reading below ↓

"So, parang nagalit. Ewan ko kung sino dun, siya [Ethel] or yung asawa ang nagalit.

"Ang sabi raw, 'Kung ayaw niyo i-post, sige, hihiwalay na kami sa Twitter.' Dun nag-start."

Ang tinutukoy ni Admin na "asawa" ni Ethel ay si Jessie Salazar.

THE FINAL STRAW

Sa vlog ni Ethel, inamin niyang nagpuyos siya sa galit nang makarating sa kanya ang tweets ni @IamEthylGabison noong April 2.

Sabi sa tweet: "Nagbabayad na nga tayo ng tax hihingian pa tayo ng ambag. Sagot ko na Empi matuloy lang. Charot!"

May sumunod ding tweet na nagsasabing ang buwis ay parang "monthly subscription" na ibinabayad sa gobyerno.

Naluha raw si Ethel dahil ipinagmukha raw siyang "madamot" at hindi willing tumulong sa mga apektado ng COVID-19 crisis.

Nagkataon naman daw na kapapanganak niya kaya hindi pa nito kayang maging aktibo sa pagkakawanggawa.

Itinanggi ni Admin na ipinagmukha niyang madamot si Ethel.

"About diyan sa ambag, maraming nagtu-tweet, 'Ano ba naiambag mo?'

Continue reading below ↓

"Hindi naman direct sa kanya sinabi yun. Yun lang lagi sinasabi ng mga tao.

"Pag binasa mo siya, it's a joke."

Kaya raw binanggit niya sa tweet na isang brand ng alak ang "ambag" dahil popular expression iyon sa mga mahilig mag-inuman—na dapat ay may dalang "ambag" kapag magkikita ang barkada.

Continue reading below ↓

"Nag-trending yun. 2,000 or more—ang daming retweets, ang daming comments.

"Nakarating sa kanya. Dun nga raw nagalit. Parang pinapalabas ko raw na madamot siya.

"Sabi ko, 'Ha? Anong madamot? Hindi niyo ba binasa nang maigi?' So ayun."

REAL ADMIN DEACTIVATES TWITTER ACCOUNT @IamEthylGabison

Bago raw ang Holy Week, na mula April 5 to 12, nagkasundo raw ang kampo ni Ethel at ni Admin na i-deactivate na ang @IamEthylGabison Twitter account.

Continue reading below ↓

Kahit na nagulat si Admin sa huling ikinagalit ni Ethel na tweet niya, aminado siyang matagal nang ayaw ng comedienne na nadadawit sa mga isyung may kinalaman sa pulitika.

"Noon pa naman niya sinasabi na aminin na.

"Parang two years before pa, may mga ganun na, 'Huwag na. I-lock na yung Twitter.' Nagsabi siya before."

Ang "plano" pa raw noon ay bigla na lang maglalaho ang account na @IamEthylGabison, at "walang magsasalita kung asan yung account."

Pero hindi raw natuloy na i-deactivate noon ang @IamEthylGabison dahil mabilis ding napapawi ang galit ng sexy comedienne.

Bumabalik din daw sa dating sistema na hinahayaan siyang mag-tweet ng kampo ni Ethel.

Kung minsan ay ang mga ito pa raw ang mauunang kumontak sa kanya para magpa-promote ng mga bagay-bagay sa Twitter.

Sa parte ni Admin, hindi rin daw siya pabor na basta na lang "patayin" noon ang Twitter account.

Lalo na't may offer noon ang Viva kay Ethel na gumawa ng Book 2 ng #CHAROTISM, at handa raw uli sanang tumulong si Admin sa pagbuo nito.

Continue reading below ↓

"Sila naman yun, e," ani Admin tungkol sa kikitain ng libro na mapupunta naman sa comedienne.

"Hindi lang natuloy kasi hindi nagkasundo sa royalty fee."

Kung hindi raw siya nagkakamali ay taong 2018 iyon.

ADMIN DEBUNKS CONSPIRACY THEORY OF NETIZENS

Hanggang sa nito ngang April 9, 2020 ay dineactivate ni Admin ang @IamEthylGabison.

Sa puntong ito, hiningan ng PEP.ph si Admin ng reaksyon sa iba-ibang teorya ng netizens kung bakit bigla na lang na-deactivate si @IamEthylGabison sa Twitter.

Wala raw katotohanan ang espekulasyon ng netizens na pinatatahimik siya ng gobyerno.

Dire-diretsong paglilinaw niya: "Maraming mga namba-bash, oo.

"Pero yung sinasabing mga threat from the government, wala.

"Yung sinasabing sa NBI may subpoena, wala rin. Yun kasi sinasabi ng mga tao. Hindi rin totoo yun.

"Yung sinasabi na hindi nagkasundo [sa bayad] ang admin tsaka si Ethel, hindi totoo. Kasi wala namang bayaran involved since day one.

"Yung sinasabi na nabayaran siguro si Ethel ng side ni Duterte kaya dineactivate ang account, hindi rin totoo yun."

Continue reading below ↓

Malinaw raw kay Admin na gusto lang talagang kumalas ng kampo ni Ethel sa @IamEthylGabison Twitter na hindi naman talaga nito personal account.

"Kaya dineactivate yung account, kaya ginusto ni Ethel na mawala yung account, kasi siyempre may pamilya na siya.

"Sabi ng kapatid niya, 'Siyempre may pamilya na, may anak na. Parang gusto nila ng peace of mind, so iwas na sa Twitter.'

"So, ginawa ko. Para tahimik na lahat, dineactivate yung Twitter."

Ang hindi lang daw niya matanggap ay ang paninira at pandidiin sa kanya ni Ethel.

Na ang dating ay wala itong ideya kung sakaling "pinagkakakitaan" raw ni Admin ang @IamEthylGabison account.

Ulit ni Admin, simula't sapul ay ipinapapalam niya sa mga kapatid ni Ethel ang mga offer na raket na dumadaan sa Twitter account.

Pati raw ang brands na nagpapa-promote kay Ethel sa Twitter ay ipinapaabot niyang lahat sa contacts niyang sina Virnard, Boobita, at Jeri.

Continue reading below ↓

Kaya umalma raw si Admin nang mag-post daw ng statement si Ethel sa Instagram at YouTube na "fake" at "profited" ang Twitter account na @IamEthylGabison.

"Mine-message ko yung tatlo kong contact—si Geri, si Boobita, and Virnard.

"Sinasabi ko na, 'Bakit naman ganito? Pinapalabas pinagkakakitaan ko yung Twitter.

"'Alam niyo nga, e. Alam niyo—ni piso hindi ako humingi sa inyo para mag-admin.'"

Sa vlog ni Ethel, may ganoon ngang ipinakitang screenshot.

Continue reading below ↓

Sa huli, tinanong ng PEP.ph si Admin kung may plano itong i-open ulit ang Twitter account.

"Sa ngayon, pahinga. Pinag-iisipan ko.

"Pero kung ibabalik ko siya, hindi na siya involved kay Ethel.

"Kasi gusto naman nila na labas na siya.

"So, respeto na rin sa kanila."

Umaasa si Admin na malinawan ang netizens sa maling alegasyong ibinabato sa kanya ni Ethel.

Giit niya, "Tumulong lang naman ako. Bakit parang ako napasama?"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba's Twitter Admin on whether politicians ask her to promote them on the comedienne's Twitter account: "Oo. Merong pro, merong anti-admin. Parehas meron... Pero siyempre hindi ko puwede kunin yun...ayoko nang nagpapayabad kasi hindi free yung opinion mo."
PHOTO/S: @IamEthylGabison Twitter / @ashley_hmua Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results